Dear Sic,
Promise nakakainlove yung boses mo. Napatigil mo nga ang pag-ikot ng mundo ko. Nailaglag ko pa ang "LAPTOP" ko (Huhu! Kabibili ko lang nun kahapon eh, buti na lang talaga matibay!)
Kung ako lang siya? (Sana!) CAPITAL Y-E-S ang isasagot ko sayo!
PS.
Sana mukha mo na lang yung nakita ko. Hindi yung pagmumukha nung babaeng nanreject sayo.
At sana? (Sana lang talaga!) Wag mong tapyasin ang tenga ko, dukutin ang mga mata ko, at putulin ang dila ko pagnagkita tayo.
PLEASE! Maawa ka sa beauty ko. Sayang ang lahi ko!
Carry
"Carry, una na kami ha?" Pagpapaalam sakin ng mga groupmates ko.
"Sige! Ingat kayo. Please! Agahan natin bukas ha? Good luck satin guys!" Walang lingon-lingong sagot ko habang nagtatype ng powerpoint presentation para sa report namin bukas.
"Sige, good luck! Bye Carry!"
Naiwan akong nag-iisa sa classroom. Habang patuloy na tinatapos yung powerpoint presentation namin. Napatigil lang ako sa ginagawa ko ng mangawit ang mga kamay ko, sumakit ang batok ko, at makaramdam ako ng sobrang antok. Haysss! Ang hirap talagang maging leader! Urg! Pakiramdam ko pasan ko si SADAKO sa batok ko. (Hehe! Echos lang!)
Sinipat ko ang wrist watch ko. Urg! Sa sobrang busy ko ay di ko na namalayan ang oras. Past five na pala ng hapon.
Maya-maya lang ay biglang kumalam ang sikmura ko. Urg! Gutom na ko. Di pa pala ko naglulunch? Tapos bigla pang nagvibrate yung phone ko. Oh my gee! Seven missed calls and four messages mula kay mommy? Sinilent ko nga pala yung phone ko.
Dali-dali kong inayos yung mga gamit ko at isinara yung laptop ko. Sa bahay ko na lang tatapusin yung ginagawa ko.
Nagmamadali akong lumabas ng classroom at hindi ako magkamayaw sa pagbubuhat ng mga gamit ko. Wala na kasing gaanong tao sa school dahil sa nagdeclare ng half day yung Directress namin sa hindi ko malamang dahilan?
Napatingin ako sa relo ko. Quarter to six na. Napalingon ako sa paligid. Madilim na. Err! Nakakatakot! Napakatahimik ng buong school. Sobrang creepy!
Kasalukuyan kong binabaybay ang daan palabas ng school ng mapatigil ako sa paglalakad. May naririnig kasi akong maliliit na boses. (HOMYGAAAAD! May mga creatures na atang nag-eexist sa School namin?)
Nagdahan-dahan ako sa paglalakad at hinanap yung pinanggagalingan nung boses? Nagulat ako ng may marinig akong kumakanta.
Dahil sa umandar ang curiosity ko naglakad ako patungo sa kinaroroonan nung kumakanta. (Heller! Nag-eecho kaya sa buong paligid yung boses nung kumakanta! Err, ewan ko ba kung bakit naaakit yung tenga ko? Tsk! Malanding tenga! Tapyasin na yan!)
"......and take my heart this is the moment!"
Napanganga ako sa ganda ng boses nung kumakanta. Sobrang cool tapos with matching gitara pa.
"....I'm moving closer to you! I'm moving closer to yoooooou!"
Pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Natulala ako habang nakatitig sa likuran niya. Maya-maya lang ay unti-unti ng lumapat ang mga ngiti sa labi ko habang nakapikit ako. Pakiramdam ko ay idinuduyan ako ng boses niya sa alapaap.
"Urg! What's this?" Tanong ko sa sarili ko ng matauhan ako sa ginagawa ko. Tapos na pala siyang kumanta, ako hindi pa tapos mangarap at managinip. Urg! Something strange is happening on to me at hindi ito maganda.
"Senna, will you be my girlfriend?" Sabay luhod nito sa harapan nung Senna at may kinuhang maliit na bagay mula sa bulsa niya. (Obvious naman sing-sing yun!)
"Sic, please! I'm sorry. Kahit paulit-ulit mong itanong sakin yan, hindi parin magbabago ang sagot ko. My answer is still NO!" Mariing sagot nito. Sa gulat ko sa naging sagot nung Senna ay naibagsak ko yung laptop ko. Urg! Huhu! Patay! Sabi ko nga curiosity kills.
"Sino yan?" Gulat at puno ng awtoridad na tanong ni Sic.
PATAY! Yun lang yung sumagi sa isip ko. Patay ako pag-naabutan niya ko dito sa labas. Dali-dali kong pinulot yung laptop ko at nagmadaling umalis sa kinaroroonan ko.
"Run! Run Carry! Run!" Utos ko sa sarili ko.
Kung hindi ako magmamadali ay siguradong patay ako pag-naabutan ako nung Sic at nung Senna na yun. Baka itorture nila ko dahil sa ginawa ko. Baka tapyasin nila ang magkabilang tenga ko ng hindi na ko makarinig, dukutin ang mga mata ko ng hindi na ko makakita at putulin ang dila ko ng hindi na ko makapagsalita at manatiling lihim yung nakita ko kanina.
"Ahhhhhhhhhhh! Erase! Erase! Wag na naman po sana. Please po!" Dasal ko.
Sa sobrang takot ko ay mabilis kong narating ang gate.
"Taxiiiiiiiiiii! Para! Manong para po!" Nagtitili kong tawag dun sa taxi driver na nakatambay malapit sa school namin. Pagtingin ko sa likuran ko, may nakita kong lalaki at babaeng tumatakbo papunta sa kinaroroonan ko. Patay! Sila na ata yun.
"Manong, bilis!" Utos ko.
Dali-dali akong sumakay ng taxi pero bago ko makasakay, narinig kong tinawag ni Sic ang pangalan ko.
"Carista! Waiiiiiiiiiiiiiiiiiiit!"
Oh my God! Oh my God! And Oh my God! Paano niya nalaman ang pangalan ko? Dali-dali kong hinalukay ang mga gamit ko.
"Asan na yun? Andito lang yun kanina ah? Pinatong lang kita sa..."
Patay! Nanlulumo akong napasandal sa upuan ng taxi at parang gusto ng mag-unahan ng mga luha ko sa pagtulo.
"Carista, kasi naman eh!" Sermon ko sa sarili ko.
PS.
Wag niyo pong isiping tsismoso ako!
Hindi po nakagaganda sa pagkatao ko. Panlalaki po ang tsismoso.
Please Tsismosa po ang itawag niyo sakin.
R I P Carista Erin Yua
BINABASA MO ANG
MUSIC is LOVE!
Fiksi Remaja"Hindi lang pala sa FLOOR napo-fall ang isang tao!" Carry
