Chapter Three

223 16 15
                                        

Dear Sic,

Lintik ka! Ansama mo! Ansama-sama mo! Ansakit tuloy ng balakang ko. Urg!

Bakit hinayaan mo kong mafall?

Sana sayo na lang at hindi sa FLOOR!

Urg! Letse ka! Sayang ang guwapo mo pa naman kaso kabaliktaran ng itsura mo ang ugali mo.

May araw ka rin saking peste ka! Grrrrrrrrrrrrrr!

I don't hate you. I hate what you did to me. Especially the.. *Gulp!*

PS.

Panaginip ba ito?

Kung oo? Namatay ata yung alarm ko.

Pakigising na ko, baka magustuhan ko pa itong nararamdaman ko!

~~ Carry!

Natulala ako. Nakita kong nanlilisik yung mga mata niya habang nakatingin sakin. Urg! Napalunok ako ng laway. Err! Sunod-sunod. Halo-halong emosyon na yung nararamdaman ko. Sobra na yung bilis ng tibok ng puso ko dahil sa nararamdaman kong tensiyon, takot, at kaba. Pakiramdam ko ay maiihi at matatae na ko sa salawal ko. (Urg! Wag naman sana! Nakakahiya pag-nagkataon. Tiyak na magiging trending topic ako world wide. Err! Naiisip ko pa lang nandidiri na ko. Urg! Kaderder!)

"Sana talaga nagkakamali lang ako. Sana talaga hindi ikaw siya (Sic)!" Taimtim na dasal ko.

Nagulat na lang ako ng biglang bumitaw siya sa pagkakasapo sakin. Oh my God! Bigla akong napadilat. Nanlaki yung mga mata ko. Patay! Pakiramdam ko ay parang tumigil sa paggalaw ang lahat ng bagay sa paligid ko. Naging dahan-dahan ang pagbagsak ko, slow motion lang ang peg ko habang bumabagsak ako sa sahig. Ganito pala ang pakiramdam ng mafall.. (Hindi sa love ha?) Mafall sa floor.

"Awwwwwwwwwwwwww!" Sigaw ko habang sapo-sapo yung nananakit na balakang ko.

Tumingin ako sa kanya ng masama as in masamang-masama. Nanlilisik na yung mga mata ko sa galit. Kung nakamamatay lang talaga ang mga titig ko kanina ko pa napatay tong pesteng lalaking to. Grrrrrrrrrrrrrrrrrrr!

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng malakas as in yung malakas na malakas na tawa. Napatingin ako sa paligid ko, pinagtitinginan at pinagbubulungan na kami. My ghosh! Nakakahiya! Grrrrrrrrrr! Para hindi ako mapahiya ay nakitawa na lang din ako sa kanya para isipin ng iba na magkakilala at nagbibiruan lang kami. (Oh? Di ba antalino ko? Im so smart talaga and I know it. No need to tell me that I know my self. Hahaha, ang humble ko no?)

Bigla niyang inoffer yung kamay niya para tulungan akong makatayo, pero tumanggi ako..

"No thanks! Di naman ako heavy. I can manage!"

Pero dahil sa epal siya, di niya pinansin yung sinabi ko.(Eh! Baka bingi?)

"I don't accept rejections!" He said.

Palihim akong natawa sa sinabi niya. Di daw tumatanggap ng rejection? Lolo mo! Kaya pala nireject siya ng nililigawan niya kahapon, nyahahaha! Barbero! Manggupit ka na lang boy!

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hinila yung kamay ko ng walang sabi-sabi.

"Urg! What's this?" tanong ko sa isip ko.

The moment na nagdikit yung mga kamay namin ay nakaramdam ako ng kakaiba? There are some strange currents flowing onto my fingers, at ngayon ko lang ito naramdaman. Urg! Hindi ito maganda?

Sa lakas ng pagkakahila niya sakin ay nasubsob ako sa dib-dib niya. Oh my God? What's this? Why my heart beats so fast? *Gulp* Tapos napahawak pa yung mga kamay ko sa abs niya. Oh my abs! Di ko man aminin pero parang naaattract na ata ako sa kanya. Urg! Hindi to tama! Pero pakiramdam ko ay para kong nakadrugs ng madikit ako sa katawan niya. Nakakaadik tapos yummy pa! Napakabango niya! Shemay! Siguro pabango ang pinangbabanlaw niya sa katawan niya kapag naliligo siya. Shemay! Ang hot siguro niya kapag naliligo. Urg! Natauhan ako sa ginagawa kong pagpapantasya ng bigla siyang bumulong sa tenga ko.

"I never forget a face. Tandaan mo hindi ka pa bayad sakin. May utang ka pa. And I want your body in return."

Sa sinabi niyang yun ay kinilabutan ako. Lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsipagtayuan. Bigla akong nagbalik sa sarili kong katinuan. Agad-agad ko siyang tinulak at inilayo ang sarili ko sa kanya. Err! Nakakaderder siya! Napakamanyak niya.

"Perv---!" Isisigaw ko na sana sa kanya yun, pero nagulat na lang ako ng bigla niya akong hatakin papalapit sa kanya at dampian ako ng halik sa labi. That's my first kiss! Pakiramdam ko ay tumigil ang pag-galaw ng lahat ng bagay sa paligid ko. I almost forgot everything. Nawala lahat ng galit at inis na nararamdaman ko. I knew it was me, the guy in front of me, and the butterflies in my stomach. It's the best feeling I ever had. Imbes na magreklamo ako ay pumikit na lang ako. Now I know! Ito pala yung pakiramdam ng mafall... (Hindi sa floor!)

PS.

Hindi lang pala sa floor napo-fall ang isang tao.

~~ Carry!

MUSIC is LOVE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon