Dear Sic,
Sorry na! Sorry na nga eh! Hindi ko na uulitin yung ginawa ko. Please naman! Patulugin mo na ko. May presentation pa kami bukas.
PS.
Ayokong magmukhang Zombie bukas. Err!
~~ Carry!
Konsensiya strikes!
Dahil sa ginawa ko kanina. Ayaw akong patulugin ng konsensiya ko. Kanina pa ko pagulong-gulong sa higaan ko. Kulang na lang iumpog ko na sa pader yung ulo ko para lang makatulog ako. Tapos naiisip ko pa yung ID kong nawawala. Urg! Paano ko makakapasok bukas kung wala ang ID ko? Hayssss! Tiyak at nakakasiguro akong nakay Sic yung ID ko, huhu.
Sino ba kasing nagbigay sakin ng idea na ipatong na lang yung ID ko sa ibabaw ng lappy (laptop) ko. Bakit kasi hindi ko na lang inilagay sa bag ko? O kaya sa bulsa ng palda ko? O kaya pwede rin namang... Urg! Oo na, di ko na lang sana hinubad sa leeg ko at di na lang sana umandar ang curiosity este pagkatsismosa ko, huhu. Di sana hindi ako namomroblema ngayon ng ganito? Di sana ansarap ng tulog ko ngayon. Tama nga! Nasa huli ang pagsisisi, huhu. Paano na? Anu ng gagawin ko ngayon? (Help me! Please! Tumatanggap ako ng suggestions! Choosy nga lang! Haha!)
Magdrop na lang kaya ako? (What did you guys think?) O kaya wag na lang kaya akong pumasok bukas at sa mga sumusunod pang araw? Lumipat na lang kaya ako ng school bukas na bukas din? O kaya barilin ko na lang kaya ang sarili ko ng wala na kong problema? (Naku! Sayang pala ang lahi ko! Wag na lang nga!)
"Urg! Nakakainis!" Biglang tayo ko at pinag-gugulo ko ang buhok ko. Para kong luka-luka sa ginagawa ko. Kinakausap ko ang sarili ko at nag-iisip ng mga walang kwenta at hindi nakakatulong na bagay.
"Urg! Isa akong "YUA" at hindi dapat ako nagkakaganito. Mayaman at kilala ang pamilya ko. Hindi dapat ako matakot." Pangungumbinsi ko sa sarili ko.
Maya-maya lang ay natagpuan ko na lang ang sarili kong inuumpog ang ulo ko sa pader (Doon din naman pala ang punta ko? Bakit di ko pa ginawa yun sa sarili ko kanina pa?) pero syempre mahina lang ng hindi ako masaktan at hindi magbukol. Err!
"Napakatsismosa mo kasi! Hayan tuloy? Ano ka ngayon? Yan tuloy ang napala mo? Ulitin mo pa ha? Urg! Kainis, Carista Yua apaka tanga mo kasi! Hindi ka kasi nag-iisip! Matalino ka di ba? Ba't di mo ginagamit? Anong use ng utak mo? Urg!" Sermon ko sa sarili ko.
Dahil nawala na ko sa katinuan ko. Hindi ko namalayang napalakas na pala ang umpog ko ng ulo ko sa pader. Kung sinuswerte ka nga naman oh? Ito lang pala ang solusyon.
Sa sobrang lakas kasi ng pagkakaumpog ko ayan tuloy nakatulog ako, haha! Yun lang pala ang kailangan? Sana kanina ko pa to ginawa? Di sana kanina pa ko tulog.
So, paano? Tulog na ko ha? Good night na sa maga tao? Sa mga hindi? Aba bahala na kayo sa buhay niyo! HahaHARD!
Kinabukasan....
Nagising na lang ako sa maagang almusal na bumubusog sa akin sa araw-araw. Ano pa nga ba? Edi walang katapusang away, putak, at bangayan ng mommy at daddy ko. Oh di ba? Instant umagahan na may dessert pang kasama.
"Ano bang problema mo Arturo! Bakit hindi ka na naman umuwi kagabi? Ano business na naman ang idadahilan mo sakin! Puro ka na lang business, baka naman may itinatago ka sakin? Nambababae ka ba? Nagbeer house na naman siguro kayo ng mga kaibigan mo no?" Sunod-sunod na tanong ni mommy kay daddy.
BINABASA MO ANG
MUSIC is LOVE!
Teen Fiction"Hindi lang pala sa FLOOR napo-fall ang isang tao!" Carry