"Sobra na nating mahal ang isat-isa. Sa sobrang pagmamahal na nararamdaman ko ngayon para sayo mas lalo akong nalulunod. Nalulunod sa pagmamahal mo, pero mali ang pagkakataon. Sa pagmamahal ko sayo, lunod na lunod na ako, baka hindi na ako makaahon sa sobrang sakit na nararamadaman ko. "
"No. You just cant give up on us. Mahal kita, mahal mo ako yana. Walang mali. Tama tayo, tama ang pagmamahalan natin."
"Tama na Sebastian! Sobra- sobra na tayong nasasaktan. Mali tayo! Mali ikaw, mali na ako para sayo. Mali ang tadhana na pinagtagpo tayo! Mali na naging tayo, at mas lalong mali ang pagmamahal na meron tayo. Im sorry Seb! Sobrang sakit na talaga, nahihirapan narin ako. Please, stop this pain Sebastian. Lets stop this. "
"Aiana!!" Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko sa upuan ng tawagin ako ng nanay ko.
"Po?"sagot ko, habang sumisinghot singhot pang sipon ko.
"Bakit ka umiiyak?" bungad saakin ni Mama nga pagbukasan ko siya ng pinto."Si Sebastian kasi Ma." Naiiyak kong sambit.
"Tumigil kana nga sa kakaiyak mo, masyado ka nang obsess diyan sa Sebastian na yan." Obsess?! Siguro nga. "Kakain na tayo kanina kapa namin hinihintay sa baba, pinatawag din kita sa kuya mo pero di ka man lang daw nakibo." Sabi mama. At lumabas na nga kami bago pa patayin yung T.V.
"Namamaga na naman ang mata mo. Sebastian na naman ba?" Tanong ni kuya ng makarating kami sa kusina.
"Alam mo anak, ayos lang na humanga sa isang artista. Pero wag lang masobrahan." Pangaral ni mama at naupo na sa harap ng hapag kainan.
"Ang OA niyo naman. Fan na fan lang talaga ako sa pelikula na iyon, kahit ilang ulit kung panoorin hindi ako magsasawa. Basta ba Ethan Vergara yan. Kahit anong pelikula naman na siya ang bida di ko pinalagpas, mapa Sebastian, Kyle, Marcus at etc. pa na ginampanan basta ETHAN VERGARA hinding hindi ako magsasawa." Nakingiting paliwanag ko sakanila. Kanina kasi bago ako tawagin ni mama nanonood ako ng pelikula na pinagbibidahan ni Ethan myloves. Sobrang paborito ko lang yung movie kasi ka nickname ko yung partner niya sa movie na yun.
"Fangirl" ani mama, habang nailing at napapangiti na lamang.
"Obsess Ma ang tamang word." Sabat ni kuya.
Yun naba talaga ako? Fan and obsess na matatawag nila. Sana Mrs. Vergara nalang, masaya pa.
BINABASA MO ANG
Fan or Obsess?
Short StoryFan? or Obsess? Alin ba dun? San ako nabibilang sa mga salita na yan? Kahit sa sarili ko, di ko na rin malaman. Kahulugan ng dalawang salita na yan parang iisa nalang ang pagkakahulugan para saakin. Ang labo, pero parang nararapat para SAAKIN. ...