Part 4

2 1 0
                                    

Nangangalay na ang katawan ko sa posisyon namin. Isa pa ito kanina pa nakahawak sa bewang ko.

Chansing din to. Tss. Ako naman si nagpapachansing. Bwiset na lalaki to. Pag ako talaga nakaalis dito tatadyakan ko ang pagkalalaki niya hanggang sa hindi na siya makapag produce ng lahi niya. Hayst. Sa lakas ba naman ng pagkakahawak niya saakin.

Take note, sobrang dikit ng katawan namin sa isat isa. Impernes kay kuya ha, mabango.

Ganito kasi pwesto namin: nakaupo siya sa sahig habang ako naman nakaupo sa isang left na hita niya, ung left arm niya nakapulopot sa bewang ko at yung right arm niya nasa bibig ko naman. Hindi ko siya matingnan sa mukha dahil sa higpit ng pagkakahawak niya saakin. Sobrang lapit namin sa isat isa, yung ulo ko naman nakahilig naman sa may dibdib niya nakakangalay nga eh, sigurado stiffneck abot ko nito.

Impernes, my abs siya ramdam ng siko ko. Hahaha. Hindi lang siya ang marunong mangtsansing no, syempre dapat ako rin. Hindi pwedeng give lang ako ng give dapat give and take para masaya lang. Hahaha.

Kumilos na siya, na ikinagulat ko. Niluwagan na rin niya ang pagkakahawak niya saakin.

Binitawan na niya ako at diretso na siyang tumayo, ako naman tumayo narin at pinagpag ang sarili. Ganun na rin ang ginawa niya.

"Thankyou miss. I owe you for this. " sabi niya ng binalingan ako ng tingin at tumalikod na diretso labas ng shop.

Aba naman. Halos ilang oras din akong nangalay tas ganun lang. Hindi pwede to..

Sinundan ko siya hanggang sa makalabas kami ng mall at diretso sa may parking lot.

Nakatanaw labg ako sa makisig niyang likod, matangkad pala siya, at maputi dahil sa nakita ko ang batok niya, ang linis, kinis at maputi parang ang sarap halikan.
Hayst. Ano ba tong iniisip ko.

"Aray naman!" Daing ko ng bigla naman siyang tumigil kaya nabunggo ako sa likod niya, yung batok kasi eh.

Humarap siya saakin, at ganun parin mata lang ang nakalabas sakanya, magnanakaw ata talaga to. "Are you following me?!" Sigaw niya saakin.

"Hoy mister, una sa lahat nangalay ang buong katawan ko ng dahil sayo, pangalawa kung titigil ka man sa paglalakad magpasabi ka hindi yung ibubunggo mo saakin yang matigas na likod mo at pangatlo ilang beses mong sinabi saakin na you owe me this tapos tatalikuran mo ako at hahayaan doon. Wow naman nasan ang hustisya?!" Giit ko sakanya.

"Ok. If thats whats you want. Get in. Ayaw kong magka utang ng loob sa iba. " sabi niya sabay bukas ng sasakyan. Ganda ng car ha. Pero teka nga.

"Wait. Safe ba ako sa sasakyan na yan ? Baka galing yan sa carnap? Itsura mo pa naman. " sabi ko. At ito naman pinagtulakan akong makasakay.

"Sa gwapo kong to carnaper?! Tss. Pasok dami pang satsat." Pagkapasok ko siya namang sakay niya sa driver seat.

Laking gulat ko nalang ng tanggalin niya ang bullcap niya at mask sa may bibig.

OH MY GOD! Am I dreaming?!

Shit.shit.shit.shit.

"Oh, tulala ka na diyan. Hahaha. May ganito bang kagwapo na carnaper?" Ngisi niya na nakakaloko sabay kindat saakin at pinaharurot na ang sasakyan.

Napalunok nalang ako ng ilang beses at di ko maiwasan mapatitig sa mukha niya.

Oh my gosh !!!!!!

Thankyou loooorrrddddd for too much blessing.! :-D

Fan or Obsess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon