Part 3

2 1 0
                                    

~ At the mall ~

Naglalakad lakad ako mag isa sa mall, masyado na kasing nakakabagot sa bahay kailangan ko din mag unwind sa sarili ko.

Stress sa trabaho pati sa bahay but thanks sa mga picture ni Ethan Vergara sa kwarto ko dahil nakakawala talaga ng stress. Kung pwede nga lang sa kwarto lang ako buong buhay ko basta kasama siya eh. Why not di ba? Haha.

Pumasok ako sa isang boutique ng mahagilap ko ang napakagandang dress na nakasabit kitang kita naman ito mula sa labas kaya linapitan ko ito at hinawakan.

Bago ko pa man kunin, tiningnan ko muna yung price niya nagbabakasakali na kasya sa budget ko. Pero sa ginanda ng damit, sobrang mahal naman nito.

Lumabas nalang ako ng boutique na iyon at nagpasya sa ibang shop.

Hindi naman ako nabigo ng may makita akong isang blouse na sa tingin ko ay kakasya saakin. Linapitan ko ito. At kukunin na sana sa rack kung saan nakasabit ito ng may mapansin akong sapatos sa may ibaba nito.

Paano magkakaroon ng sapatos dito eh, mga damit lang naman ang binibenta ng shop. Nakakapagtaka pa eh panglalaki ito.

Hindi ko na sana papansinin ng gumalaw ito.

Sa pagka curious ko sa sapatos na iyon ay lumapit ako sa mga damitan at hinawi ang mga damit na nakasabit doon.

Oh.my.gosh!

Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko. Isang lalaki na may makisig na katawan.
Nakasuot siya ng isang bullcap, may takip ang bibig at ilong niya na tanging mata lamang ang nakikita. Naka black leather jacket at white v-neck shirt sa panloob nito. Black skinny jeans at black rubber shoes.

Nakatingin siya saakin ngayon tatalikod na sana ako nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko.

What to do! Think aiana!

Sisigaw na sana ako ng takpan niya ang bibig ko at hinila pabalik sa kinaroroonan niya kanina.

Nakakatakot siya. Wag naman sanang rapist ito.

Fan or Obsess?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon