2

21 1 0
                                    

November 25. Birthday ng bestfriend ko. Si Venus. Nagswimming kaming lima.Wala siyang handa.Pero sakto lang. Naging masaya naman kami e.Masaya naman,diba? Ako,si Mida,siya,yung boyfriend niya,at yung bestfriend ng boyfriend niya.Oo,lima kami. Happy Birthday.
Sana nandito siya. Antanga naman kasi e,hinintay namin.Sabi niya darating siya.
Gusto ko talaga siyang makasama.Ugh!Bat ganto? Bat ba ganto?

Pagkatapos ng sobrang habang biyahe,nakauwi nadin sa wakas. Hay!Sobrang pagod talaga yung naramdaman namin. Pulang mga mata dahil sa tubig,sakit ng katawan at,gutom.
Oo,nagutom kami. Pero ayos lang,atleast,nag-enjoy ang bestfriend namin.

Pag-uwi ko. Okay naman eh. Naabutan ko yung pinsan ko. As usual,nanonood.Ganun naman lagi eh.
Ilang oras na lumipas,dumating na sila tita.
"Plinky,kain na."
Nainis ako bigla. Bat ganto?hindi ko alam. Basta bumaba nalang ako sa kwarto at dun na nagmukmok.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Pagod lang siguro ako?
Umiyak lang ako nang umiyak. Iniisip ko lahat ng mga bagay na nangyayari sa buhay ko. Bakit ganito?Nakakapagod pala. Lahat ng ginagawa ko parang hindi sapat,lahat ng kinikilos ko,parang hindi ako sumasaya.
Iyak. Sige.
Siya.
Binuksan ko yung facebook ko para machat siya.
"Pwede tayo magkita?Kelangan ko lang ng kausap."
Naghintay ako ng higit isang oras. Umiyak. Wala na,mugto na yung mga mata ko.
"Sige.Susunduin kita."

Bumangon na agad ako para mag-ayos ng sarili.
Paglabas ko,hinintay ko muna siya.Wala pa.Pasok ulit.
Narinig ko na yung mga footsteps niya. Ayun na siya.
"Hi."
Heto,may hawak siyang beer.
"Bat may dala kang ganyan?"
"Wala,nagchichill kasi kami ni mama."
"Ah."

Naglakad kami,kung saan-saan. Nagtanungan kung san pupunta.
"Anong problema?Bat ka umiyak?"

"Wala.Ayoko lang sa bahay.Hindi naman ako umiyak eh.Dahil lang sa pool yan kanina."

"Anong hindi umiyak?Galing sa pool,ganyan kalaki?"

Tanggi parin ako nang tanggi.
Gusto kong magsabi sakanya,gusto kong magbuhos ng emosyon sakanya. Pero pag kaharap ko na siya,wala naman na akong ibang maisip. Kung anu-ano nalang pumapasok sa isip ko.

Andito kami,nakaupo sa bato. Sa may part ng subdivision malapit sa school.
"Ganyan yung gusto kong bahay."
Tinuro niya yung nasa tapat namin.
Napangiti nalang ako.
Tinuro ko naman yung bahay sa likod namin,harap lang ng inuupuan namin.
"Eto naman yung gusto ko.Simple lang."

"Anliit naman.Parang pinagpatong lang na kwarto."
Tapos tumawa siya.Tumawa narin ako. Ansaya pala.

"Anong lasa niyang beer?"
"Masarap.Mas masarap sa iniinom mong gin" Sabay tawa siya.
"Mas gusto ko pa yun kaysa sa beer. Nakakasuka."
Uminom siya,tinikman ko narin. Pero ansama ng lasa. Kunwari nasuka ako. Kasi nakakasuka naman talaga.
Tumawa nalang kami pareho.
"Tara,lakad na muna tayo"

Naglakad lang kami,pabalik narin samin.
"Hindi ka pa ba uuwi?Baka pagalitan ka ha"

"Ayoko pang umuwi.Ayoko dun sa bahay.Hindi nga nila alam na wala ako eh.Baka tulog na yung mga yun."

"Ano ba kasing nangyari?Anong problema?"

Hindi ko nalang sinagot. Naglakad kami hanggang sa makahanap kami ng pwesto. Nakaupo lang kami dun. Kung anu-anong pinag-uusapan namin.
Sana,nasasabi ko sakanya yung nararamdaman ko.

"Wow!Shit!Woo!"
Tinignan ko siya.
"Shooting star!shet!Ansaya saya ko pag nakakakita ako ng shooting star!"
Tumingin naman ako sa langit. Angganda. Kita ko yung mga bituin. Andami nila. Pati na din yung buwan,full moon.
"Bakit.Anong meron pag may shooting star?"

"Wala.Ansaya ko lang pag nakakakita ako ng ganun."
Makikita talaga sa itsura niyang masaya siya.

"Anong gagawin mo pag nakakita ka ng shooting star?"
Tanong ko sakanya.
"Magwiwish ako na sana may isa pang shooting star na dumaan"

"Tapos kapag may isa pang dumaan,anong iwiwish mo?"

"Na may dumaan pang maraming shooting star."

Pareho nalang kaming nagtawanan sa idea na yun.

"Osige,mag-aabang ako ng shooting star."
Nakatingin lang kami sa langit. Nag-aabang.
Tumingin ako sa kanya,at sa buwan.
"Naaalala mo yung sinabi mo sakin na pag bilog yung buwan,ilagay mo yung thumb mo pag may namimiss ka?"

"Oo. Hahaha!"
Namimiss kita.

"Yun!Shit!May dumaan ulit!"

"Oo nga!Nakita ko yun."

"Weh,hindi ka naman nakatingin eh."

"Eh,nakita ko sa peripheral vision ko."

"Haha,tignan mo lang kasi para makakita ka."

Hindi ko naman talaga nakita yun eh. Gusto ko lang sabihin yun,para malaman niya na we're on the same ground. He loves seeing shooting stars,Kaya dapat makakita ako ng kahit isa.
Pero wala eh. Kahit minsan hindi pa ako nakakita.
Alas dose na,pag kasama ko siya,hindi ko manlang mamalayan yung oras.
Kailangan ko nang umuwi. Baka ksi hinahanap na siya sa kanila eh.
"Tara na?"

"Sige."

Hinatid niya ako pauwi.
"Sige.Thank you ha?Goodnight."

"Sige.Thankyou din."

Pagpasok ko sa kwarto,nahiga na ako agad.
Goodnight,Edward.

Unknown FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon