Andaming stars.
Napakaganda ng langit.
Para siyang isang colored paper,na napakadaming glitters.
Walang moon. Walang quarter,crescent,half... at full moon.
Pero alam mo kung anong nakita ko? Shooting star. Edward! Nakakita ako ng shooting star.
Sobrang short lang ng time na yun
Siguro, 2 seconds lang,or less pa nga yata eh.
Eto,kakawish ko lang.
Alam mo kung ano yun? Na sana.. maging maayos na tayo. Sana,maging klaro na... lahat.
Sana,may maganda nang mangyari. Sa pamilya ko,sa mga kaibigan ko. Sayo. Sakin.Miss ko na yung dati.
Yung kahit gabi na,pumupunta ka dito,para sunduin ako. Para maglakad lakad tayo kahit wala tayong pinag-uusapan.
Para sakin,hindi ko masyadong pinagtuunan ng atensyon yun. Hindi yun napakabig deal sakin.
Pero bat ngayon, namimiss ko? Namimiss ko yung kasama ko, na kahit abutin ng madaling araw.Kahit tahol na nang tahol yung mga aso.Kahit pinapagalitan na ako samin kasi hindi na uwi ng babae yung ginagawa ko,okay lang. Kasi ikaw naman yung kasama ko eh.
Ansarap sa pakiramdam, na pareho nating tinitignan yung stars.Yung moon. Pareho tayong naaamaze. Pareho tayong nilalamig,pero okay lang. Kasi kasama mo ako,kasama kita.Ganito talaga siguro, na nasa huli yung pagsisisi. Nasa huli lahat.
Ganito din pala talaga, na kung kelan hindi ka na gusto,ikaw naman yung humahabol. Bumaliktad. Napasa sayo. Ikaw na yung desperada. Ikaw yung umaasa.
Kung ayaw mo na sakin,okay lang naman eh.Tatanggapin ko.
Hangad ko lang sana,sabihin mo sakin. Sakin mismo. Na ayaw mo sakin.Na hindi mo ako gusto.
Na kahit kelan hindi mo na ako babalikan.
Na iba na. Nagbago na. Nagbago na lahat.--
10:45pm.
Another shooting star. Same wish. And I'll keep on wishing it. Over and over again.Sabi mo, sabi mo hindi ka pa ready pumasok uli sa relationship. Sabi mo hindi ka pa ready sa commitment. Pero sabi mo rin,na gusto mo pa ako.
Hihintayin kita ha? This time,ako yung maghihintay :')
But please,dont keep me waiting. Dont keep me waiting for too long.
--
12:13
4th shooting star. Im still awake gazing at the night sky. Re-thinking everything that happened and that's happening with my life.
--
12:28 a.m
I dont honestly know if this is real or some kind of imagination anymore
But I think I just saw two consecutive shooting stars. Wow. Just wow.Nasa terrace ako habang yung kaibigan ko naman na si Hayes e nasa bintana ng bahay nila. Actually kanina pa kami nag uusap at nagmumurahan sa chat since ayaw naming marinig yung ingay namin.
Hindi padin talaga ako dinadalaw ng antok. May pasok pa kami bukas at eto ako,titig na titig lang sa langit.
Sobra na ata yung shooting stars na nakita ko.
Hahahaha, can this mean na my wish could be possibly granted? Woo!
BINABASA MO ANG
Unknown Fate
Short Story"Why does it hurt to look at you this way again? Why does it hurt to love you again? Or should I say, Love you. Now~Now that I love you,everything seemed to turn upside down. You dont love me anymore. You dont even like me. HAHAHA! It's funny how I...