Unwanted Doubts

8 0 0
                                    


Hindi namalayan ni Ken na nakatulog pala siya sa sofa at nagising nalang dahil sa malakas na pagkakahulog ng kung ano malapit sakanya.

"Kaasar!!!!!!" napatingin naman ito kay Ryan na halatang inis na inis at halos napapakagat labi na.

"Pati ba naman libro aawayin mo ha?"

"Eh ano naman ngayon? Bakit libro mo?"

"Ewan ko sayo."

Bumangon si Ken sa pagkakahiga para uminom ng tubig tsaka bumalik naman ulit sa sofa. Tinignan niya yung dalawa pero parang wala lang sakanya ang nakita niya.

"Hoy Jake, nagpadala na ba ng pera yung mama mo?"

"Oh."

"Tss, mabuti pa tong isang to! eh ikaw Ken?" He gave him a look without any expression pero tumango naman siya pagkatapos. Pina-slow motion.

"tsk! nakakainis! Ba't wala pa akong natatanggap na kahit text man lang kay mama? Papatayin ba nila ako sa gutom dito? Arggggh!" sabay gulo niya sa buhok niya. Tumayo naman siya at hinarap si Ken.

"ken, kung singilin ko kaya yung babaeng masamang ugali na yun? nu sa tingin mo?" umasta naman si Ken na walang narinig at tumingin lang ulit sa kawalan. Tsaka niya lang naintindihan na hindi pala panaginip yung nangyari kanina at totoong may mga dayuhan na nakibanyo sakanila.

"Hoy? anong nangyari sayo? May bumabagabag ba sa isip mo? naninibago ako ah."

binigyan niya lang ng WALA-NAMAN action si Ryan S-L-O-W-L-Y.

"Suus, kunwari pa to. Hoy unggoy! wag ka nga'ng mag sinungaling saken, meron yan eh. Ano? Mas malaki pa ata problema mo sakin."

"Alam mo ang kulit mo."

"Singilin mo siya kung gusto mo." inilugmok naman niya yung ulo niya sa unan.

"Kanina lang okay tong si Ken ah, Bat ngayon ang tahimik haha."-Jake

"Pre, Moodswings?" bumangon si Ken at binigyan ng batok si Ryan.

"Araay!"

"Gago! anong akala niyo sakin babaeng may period?" napatawa naman si Jake.

"Hahaha! Hala Ryan, bad mood si tukmol haha."

"O nga, kita ko naman eh dba? ikaw kaya batukan ko dyan?" inilipat naman ni Ryan ang tingin niya kay Ken. "Sus! kung di ko lang 'to kaibigan pinatulan ko na 'to eh."

"halata naman eh. haha" tinapunan naman sila ni Ken ng masamang tingin at inilugmok ulit yung ulo sa unan. Napatawa nalang silang dalawa.

"Oy, asan si Sed?"

"Kanina pa umalis, mag vovolunteer daw para sa event mamaya." sagot ni Ryan habang nagtetext.

"Ahh." Umupo naman ng tuwid si Ken habang nakayakap sa isang unan. Nalipat ang atensyon niya kay Jake na nakatitig sa banyo.

"Pre, yung babae kanina.. parang nakita ko na siya."

"Sino yung nakiligo?"

"Sino pa nga ba?"

"Baka friends kayo sa facebook ng babaeng yun?"

"Siguro." sabay pasimpling smile ni Jake, hindi na sumambat si Ken at nakinig nalang sa usapan nila.

"Cute niya pre."

"Anoo? cute na sayo yun? eh ano nalang maganda sayo? Tol! nagsalamin ka sana! daig pa nga lalake kung maka-asta ang sama pa ng ugali! nakakainis! ano sa tingin mo Ken?" itinaas baba naman ni Ken yung balikat niya.

One TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon