Welcome Party

10 0 0
                                    

Palakad-lakad si Ken sa may gilid ng gym nang may mapansin siya na pinagpipilahan sa may entrance. Dahil sa curiousity, nilapitan niya ito at binasa ang mga nakapaskil sa dingding.

"We are still looking for volunteers for tonight's event, Go inside for  those who are interested."

"May event mamaya?" nagpatuloy naman ito sa pagbabasa ng mga news sa bulletin board.

Notice:

What: A Welcome Party for our lovely Visitors

Where: University Gymnasium

When: April 16, 20** - 7PM

P.S: Everyone must attend to show our hospitality and respect for our guests. Thank you!

"Welcome party? tch." papa-alis na sana si Ken ng biglang siyang nabulantang sa sumigaw.

"Keeeeeeeeen??" nagulat ulit si Ken ng makita niya si Sed na tumatakbo papunta sakanya.

"Pumunta ka ba dito para tumulong?"

"Ahm, hindi kase.."

"Sinasabi ko na nga ba eh, bait mo talaga." sabay hawak sa braso nito.

"Hi Ken!" napa-cross naman ng braso ulit  si Sed.

"Uy, hi Queenie."

"Hi Keeeen!" pag bati ng dalawang babae.

"Ahm, Hi"

"Ahm, mag vo-volunteer ka? Magvo-volunteer din sana kami eh" sabi naman nung Queenie.

"Ah hindi, napadaan lan-"

"Tara na papa Ken, paregister na kita"

"Hoy bakla, wag ka ngang umepal jan!" sigaw nung isang  babae.

"Ano Maysinasabi  ka?" napatahimik naman si Ken.

"Hoy Sed, kita mo namang nag-uusap yung tao."

"Aba, aba! sino bang naunang makipag-usap sakanya sa atin ha?"

"Ikaw." 

"O ako naman pala ba't aangal pa kayo?"

"Nagtatanong lang naman ako sakanya ah, Anong  masama sa pagtatanong?"

"Wala, pero alam mo kung anong masama?"

"Ano?"

"Mukha mo, ang sama."

"Wow! Nahiya naman kami sayo te." saad nung isang babae.

"Aba dapat lang kasi ako, bakla nga ako pero mas maganda pa ako sayo te."

"Ang bastos mo ah!" iritang saad ni Queenie.

"E bakit? nakahubad ba ako? Ikaw nga 'tong bastos oh, may pa-cleavage2x ka pa, flat chested ka naman."

"Huh! Tsk! Tara na nga girls!"

"Bye ken!"

"Bye."

"Bruha!"

"Mabuti nga yan, umalis na kayo nang wala ng mga asungot dito! mga malalanding echoserang to!"

Dinilaan naman nila si Sed at tuluyan ng umalis. Napatawa naman ang binata.

"Napaka-harsh mo ah."

"Aba dapat lang sakanila yun noh, pumunta lang dito para makipag-landian sayo? Ano 'to bar?"

"Landian na agad sayo yun? di ba pwedeng nagtatanong lang?"

"Parehas lang yun! at Hoy ikaw ha?  kung sinu-sino nalang yang pinapatulan mo! Isa ka pang malandi eh."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon