Expect the unexpected

15 0 0
                                    

Kinabukasan~

"Arjay? wala parin ba?"

"Ma'am, wala po talaga. Ayaw gumana."

"Naku, pano ba to? Hindi ko naman inakalang ganito dito."

"Ma'am Shiella, na je-jebs na po talaga ako. Hindi ko napo talaga kaya! Padaan po!" madaling sabi ni Bash sabay lock sa pinto ng CR.

"Yucksss~ eww Bash! maghunosdiri ka nga! Lumabas ka jan! Kita mo namang walang tubig! anong gagamitin mong pang flash dyan? Laway mo?"

"Tse. Shut up guys, kayo kaya nasa sitwasyon ko!"

"Tss.. kaasar!" Ginulo naman ni Arjay yung buhok niya. "Carl, samahan mo nga ako, mag igib tayo dun sa kabilang cottage."

"Sige"

"Mabuti pa nga, Girls, kayo naman mag igib kayo dun sa lababo."

"Opo ma'am."

Habang nag-iigib yung iba sa lababo, sumama naman yung iba kina Carl dun sa kabilang cottage para maki-banyo narin, At yung iba naman with ma'am Sheilla, ay pumunta dun sa kinaroroonan nung Sandro para humingi ng tulong.

After 20 minutes, nakabalik na sina Carl na may dala-dalang timba ng tubig at agad naman nilang ibinigay ito kay Bash.

"Guys, nakausap namin yung mga nakatira sa kabilang cottage. Mukhang okay lang naman sakanila na makigamit tayo dun pero boys, dapat may mag bantay dun. Dilikado na kasi.. Girls, kung sino yung gustong maligo punta na kayo dun. Nandun na si Arjay para bantayan kayo. At wag kayong masyadong maingay kase tulog pa yung karamihan sa mga tao dun."

agad naman nagmadaling kumuha ng mga gamit nila yung iba at pumunta na sa kabilang cottage. Habang ako, eto nakahandusay pa sa sofa. Inaantok pa kasi ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi -_-

"Guys? san na sila? nakahingi ba kayo ng tubig?"

"Opo ma'am, nasa kabilang cottage na po yung iba para maki-ligo."

"Hay mabuti naman. Hindi ko kasi nakita si Sandro eh, maaga daw umalis sa bahay nila. Asan si Arjay?"

"Ahh ma'am, nasa kabila po.. binabantayan yung girls."

"Binabantayan? what do you mean by binabantayan Carl?"

"Napag-alaman po kasi namin na.. ano.. kase.."

"Napag-alaman na ano? diretchohin mo nga Carl." saad naman ni Ailla.

"Nalaman namin na yung mga Cottage po na to, galing dun hanggang dun sa dulo, Lahat lalaki yung mga nakatira. In other words, these cottages are the boy's dormitory ma'am."

"WHAT??! At nasa gitna pa tayo? bakit hindi nila sinabi ito!"

"Pero ma'am, nandito naman po kami, 13 po naman kaming lalaki dito kaya wala po kayong dapat ika-bahala ma'am. Kami nalang po mag babantay sa kanila, at may darating pa naman po diba?" saad naman ni Francis.

"Hindi naman sa wala akong trust sa inyo guys but we are sorrounded by 8-10 cottages na puro lalaki yung laman. Naku! sumasakit na yung ulo ko. (sigh) please make sure that you guys would take care of these young ladies.. kakausapin ko si Mr. Borres mamaya tungkol dito."

"No probs po ma'am."

Ano daw yung pinag-usapan nila? hmmp. after 824628362367years, tapos ng maligo yung iba kaya sumunod naman yung next batch.

"Lianne, bangon ka na jan. Tayo na susunod."

"Mmmmmm, mamaya na Ailla."

"Ano ka ba? mamaya ka na lang matulog matapos mong maligo."

One TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon