My MVP

82 1 0
                                    


Everytime I see your face in the television, nag fa-flashback lahat.
I was once your number one fan na nag chi-cheer sayo every game mo tuwing
intramurals. Ako ang nag bibitbit ng tubig mo. Taga bantay ng bag nyo sa
bench. Taga take ng pictures mo. Taga punas ng likod mo tuwing time out.
Kinikilig ako kapag kikindatan mo ko sabay ngiti tuwing makaka shoot ka.
Lahat tuloy ng nanonood nag titinginan saken.
Palagi kang panalo. Kaya proud na proud ako sayo. Ikaw ang star play sa
team, di ka lang gwapo, matangkad ka pa, mabait ka pa. Kaya naman ang
daming lumalapit na babae sayo.
Naalala mo noon? Inutusan ako ng isa sa mga fan mong mag take ng picture
nyo? Di nya ata alam na girlfriend mo ko, kaya ang ginawa mo, tinawag mo ko.
"Baby girl! Halika dito!
Girls, meet my future wife _______"
You never let me feel jealous to the other girls "your fangirls" because you make
them jealous to me.
Naka graduate tayo ng highschool ng sabay. We entered FEU together with the
same course. Remember the day of your first try out in our institute basketball
team? You were so nervous. Feeling mo di ka makukuha kasi ang gagaling ng
mga nandun. But I was with you for the entire day. Mino-motivate kita na kaya
mo. Na makukuha ka kasi magaling ka. Na nandyan ako palagi sa tabi mo
anumang mangyare. Kaya nagkaroon ka ng lakas ng loob.
At the end of the five hours of waiting, the result made us both cry nang
tinawag ang pangalan mo. Natanggap ka. Sobrang saya mo. Binuhat mo pa ko
sa sobrang saya mo. Hinalikan sa pisngi ng sampung beses. Nakakatawang
alalahanin. Mga panahong unti unti mong naaabot ang pangarap mo. Syempre
masaya rin ako kasi masaya ka. Ako na ata ang pinaka proud na girlfriend sa
buong mundo.
Expected kong ikaw ang pinaka magiging star player ng institute team. Tama
naman ang expectation ko. The same as we were in highschool. You always
dominate the game. You're always the MVP. Sa dami ng panalo mo, lalong
dumami ang mga taong humahanga sayo. Lalo na ang mga babae. But I never
felt threatened kasi alam kong ako lang. I was with you all the time. To cheer
you. To take photos of you. To give you the what you called "strength power"
my kisses on your forehead every time out.
Freshmen to sophomore everything was fine. Pero nung nag third year tayo
dumami na ang responsibilities mo. Pinuntahan mo ko sa classroom at
masayang ibinalita sakin na kinuha ka ng FEU coach para maging Team B
player. Kaso sabi mo, kailangan mo ng mag stay sa athlete's quarters. Di ka
na pwedeng umuwi ng araw araw kasi palagi kayong may practice. Okay lang
sakin. I was so happy for you. Really happy.
Kaso dumating na yung point na madalas hindi na kayo pinapapasok sa klase.
Tatawag ka nalang na may practice kayo. Di mo ko masasabayan sa lunch at
vacant times unlike before. Di muna pwedeng makipag kita dahil ayaw ng
coach.
I understand. Rereplyan nalang kita ng "Ingat ka. Mahal kita." Mag rereply ka
din ng "Mahal din kita. I miss you. "
Miss na miss natin ang isa't isa. Noon kasi hindi tayo mapag hiwalay diba?
Hanggang sa fourth year. Nawala na lahat.
Napapagalitan ka ng coach mo dahil tumatakas ka para makipag kita lang
saken. Ihahatid mo ko sa bahay tapos pag dating mo sa practice pagod ka na
at nanghihina ka na raw. Tumatawag ka saking depress ka kasi nasisigawan
ka ng coach mo kapag di ka nakakapag perform ng maayos sa game kakatakas
mo. You were the star player but because of me, naapektuhan na ang tingin
sayo ng team at coach mo. Tinatawag ka nilang irresponsible at may attitude
problem.
Even though you were very busy di mo ako nakakalimutan. Di mo
nakakalimutang gawin ang duties mo as a boyfriend. Despite na alam mong
pag balik mo ng quarters mabubulyawan ka. I appreciated everything.
But I've realized, I have to make a distance from you. Ayokong maging dahilan
para masira ang mga pangarap mo. Ayokong maging dahilan para matanggal
ka sa team. Nandyan ka na eh. Konti nalang nasa tuktok ka na. Mahal kita
kaya ayokong sirain ang mga bagay na nagpapasaya sayo.
Lumayo ako at gumawa ng excuse na hindi naman totoo at yun ang may bago
na akong mahal. Di na ako ulit nakipag usap sayo. But you were trying to get
everything back. You begged, you kneeled in front of me, crying and asking me
to come back. Sabi mo kung ang dahilan ba ng pag alis ko ay ang kawalan mo
ng oras saken, handa kang umalis sa team para ibalik lang lahat pero tumanggi
ako.
Iniwan kita ng walang salitang natanggap mula saken. I heard how depressed
you were.
But now, look. You've really reached your goal. I know you are very happy from
where you are now and I am very happy too because I made a right decision.
Look, how famous you are. Team A. Napapanood na kita sa UAAP. Hindi lang
sa TV. Pati narin live kaso ayokong mag pakita sayo. Nahihiya ako eh.
Baka kasi magalit ka sakin dahil sinayang ko ang anim na taon na meron tayo.
Natatakot din akong isipin na kapag nakita mo ko dededmahin mo nalang ako.
Meron na kasing bagong nag chi-cheer sayo. Meron ng bagong nag bibigay ng
inspirasyon sayo. Niyayakap mo pag tapos ng laro.
Masakit.
Pero gusto kong malaman mo na kahit halos dalawang taon na ang lumipas,
ikaw parin...
Ikaw parin ang MVP ng buhay ko.
at ako parin ang number one fan mo.

My MVPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon