Kaisle's P.O.V
"King," bulong ko na may halong saya at pagka-excited nang makita ko siya papasok ng gate.
Nandito kasi ako sa bench sa gilid ng mini park dito kasama ang best friend ko. Nawala lang ang ngiti ko nang makita ko kung paano makalingkis si Bianca sa kaniya. Girlfriend siya ni King tago lang kasi ang kasal namin kaya ganito. Alam ni Bianca na mag-asawa kami ni King pero ayaw niyang pakawalan ang asawa ko. Ganu'n din naman si King sa kaniya ang saya lang ng buhay ko.
"Hoy Kaisle, kailan ba magbabago 'yang puta mong asawa? Napaka-babaero ang sarap bigyan nandito na nga ang asawa nagi-girlfriend pa," inis na ani sa akin ni Shanleyh.
"Kalma ka lang, best Shanleyh alam mo kasi ang gwapo niya tsaka sikat pa kaya pabayaan mo na. Ganiyan naman talaga lalo na't ang hot pa ng asawa ko."
Kinikilig kong sabi habang nakatingin ako sa asawa kong hala papunta sa kinaroroonan ko. Kaagad kong inayos ang sarili ko.
"Bes, papunta siya sa akin anong gagawin ko?" kinakabahang sabi ko habang tinitingnan ko siya. Hindi ko talaga pinalampas ang pagkakataong matitigan siya. Magsasalita na sana ako nang iba pala ang pinuntahan niya. Nakagat ko ajb labi ko sa hiya at panoiliit. Nakakainis talaga 'yung babaeng 'yun akala mo kung sino.
"Oh, kitams? 'Yan ang sinasabi ko sa'yo. Alam mo kung anong gusto kong gawin mo? E-annull mo na 'yang gagong 'yan mayaman ka naman eh. Isang tawag lang 'yan sa papa mo at anulled na ang kasal niyo," sabi niya sa akin habang magkadikit ang kilay.
"Kung sana ganiyan lang kadali e. Kaya kong magtiis basta para sa kaniya mahal na mahal ko siya," ani ko, at totoo ang sinasabi ko. I can be the woman he wants me to be.
"Tingnan mo nga, best harap- harapan ka na ngang niloloko mahal mo pa rin siya? Naku! Naiinis na ako riyan sa walang kwenta mong asawa ha. Naiinis na talaga ako, isipin mo nga mahal ka ba ng taong 'yon ha? Gumising ka nga, Kaisle," saad niya at halata ang frustration sa mukha.
"Mahal niya ako best alam ko 'yun," sagot ko sa kaniya at ngumiti.
Sino ba kasing niloloko ko? Kaya kung magmukhang okay sa iba pero sa loob ko sobrang hina ko na."Mahal? Hahaha 'wag kang magpatawa best, sabihin na nating posible ka ngang mahalin n, King sa panaginip mo nga lang. Kung ako lang din ayaw ko talaga sa gagong 'yan para sa'yo." Nangigigil na sabi niya.
"Shanleyh naman eh," I said pouting. Kinurot niya nang mahina ang cheeks ko.
"Hayy naku! Dahil sa pagmamahal na 'yan kaya patuloy ka nang nagiging tanga eh. Bahala ka nga riyan."
"Best teka lang hintayin mo 'ko!" tawag ko sa kaniya.
Kahit kailan talaga 'tong bessy ko. Totoo naman yung sinabi niya eh. Talagang hindi ko lang talaga kayang iwan si King.
"Sa totoo lang minsan ang sarap mo nang sapakin. Nakakainis 'yang kagagahan mo." Reklamo niya pero alam ko namang nangingibabaw ang pag-aalala niya sa'kin.
"I know, I even want to slap my face baka sakaling matauhan ako. How I wish I can do that to myself," I said and sighed. Minsan kasi mas nananaig ang kagustuhan nating sundin ang sinisigaw ng puso natin kahit pa nakakasira nang sarili.
"Hindi rin naman kita masisisi. Ang sa akin lang naman huwag mong hayaang tratuhin ka na parang basahan ng bwesit na 'yun. You're more than anything in this world. Marami ang handang magpakabaliw sayo," she stated sternly.
She sounds so convincing. Kung sana lang kaya kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko subalit hindi sobrang hirap eh.
"Too bad they're not King." Natatawang ani ko. Inis na tinampal naman agad ni Shanleyh ang kamay ko.
"Naku! Kung hindi ka lang maganda eh. Kung hindi ka lang mahalaga sa'kin matagal ko nang ipina-salvage ang gagong iyon. Isama mo pa 'yung litseng Bianca na 'yun." Inis na sambit niya na ikinangisi ko. Maganda ring paminsan-minsan ay may napagsasabihan ka ng problema mo. No judgements just pure honesty.
Tbc
zerenette
BINABASA MO ANG
The Desperate Wife (Unedited)
RomanceHe hates me I'm desperate He doesn't care at all I'm tired but I don't want to let him go. NOTE : All the characters in this book have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having thesame name...