Duha

22.9K 369 4
                                    

Agad naman kaming dumiretso ni best sa Tourism Department. Tourism kasi 'yong course namin. Ilang sandali lang naman ay pumasok na ang professor namin.

"So class, next week na ang foundation day natin kaya may pageant. Sino ang representative natin sa Tourism Department?" Excited na sambit ni Professor Lexa.

Agad naman na nagpresenta ang pelingera  na si Venice at si Danielle naman ang sa partner niya wala naman akong pake. For sure sa Engineering Department si King na at si Bianca nakakalungkot naman.
Bahala na magche-cheer na lang ako para sa asawa ko.

"Best bakit hindi ikaw ang kinuha? Ikaw kaya ang angel of Tourism Department bakit hindi ikaw ang naging participant?"

Bitter na ani ng ever supportive kong kaibigan.

"Ano ka ba best? Okay lang na tsaka 'di ko feel sumali ng search. Rarampa na naman ako. Model na nga ako rarampa na naman ba ako? Tama na 'yon sa'kin nakakahiya na," sagot ko sa tanong niya at nag-flip ng hair.

"Asus, ni hindi ka na nga nahiya kakalimos ng pagmamahal sa asawa mo eh," ani niya.

Napatulala naman ako sa sinabi niya at yumuko na lang tama naman kasi siya.
Ang sakit pero tama ang sinabi niya hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko.

"Uy, best sorry I didn't mean to.." sambit niya.

I showed her my fake smile. Alam ko kung gaano ako katanga. Pero sobrang sakit pala kapag harap-harapan kang sinasabihan ng katotohanan.

"Hindi, best okay lang tsaka totoo naman 'yung sinabi mo eh." Seryoso kong saad sa kaniya.

"Best naman eh," malungkot na ani niya.

"Best sabihin mo mali ba na magmahal ako sa asawa ko?" tanong ko sa kaniya. Ni hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag umiyak. Buti na lang lumabas na si Prof at may kaniya-kaniyang mundo ang mga classmates ko.

"Alam mo best makinig ka ha. Hindi masama ang magmahal ng tao natural lang iyon pero nagiging mali ito kapag ipinagpatuloy natin ang pagmamahal sa taong hindi tayo ang mahal at lalong-lalo na ang pagmamahal natin para sa kaniya ay siyang naging dahilan kung bakit hindi siya nagiging masaya. Kumbaga dahil sa pagmamahal natin sa isang tao 'di natin namamalayan na nagiging makasarili na pala tayo at nasisira na pala natin ang buhay nila maging ang sarili mo," she said.

Her words strucked me hard. Ang selfish ko, oo pero hangga't hindi sinasabi sa akin ni King na ayaw na niya sakin. Hindi ako aalis magtitiis ako.

"Best, anong gagawin ko? Mahal na mahal ko ang asawa ko ayokong mawala siya sa'kin alam kung naging makasarili na ako pero 'di ko talaga kaya. You knew how much I longed to be with him," ani ko, sumisikip na naman ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Wala akong pwedeng sisihin kung hindi sarili ko lang din.

"Kaya nga, ang tanong mahal ka nga ba talaga ng asawa mong gago? 'Di ba 'di mo alam? Sinasabi ko 'to sa'yo best kasi ako lang ang nahihirapan sa sitwasyon mo eh.  Mahal kita kasi best friend kita pero sana naman tigil-tigilan mo na ang pagpapakabaliw diyan sa asawa mo naiinis na kasi ako eh.  Nakakaawa ka na ayokong nakikita kitang nasasaktan, alam kong siya ang nagpapasaya sayo pero tingnan mo nga umiiyak ka dahil sa kanya. Kaisle you have everything kung payamanan at pagandahan lang din naman meron ka nu'n. Kaya sana 'wag mong sayangin 'yun sa taong hindi naman karapat-dapat. Pupunta muna ako sa cafeteria hindi na muna tayo sabay na uuwi mamaya." Seryosong sambit niya at kinuha ang kaniyang bag. 

Naiwan akong nakatunganga at hindi alam ang gagawin. Umub-ob ako sa desk at ipinikit saglit ang aking mga mata. Masakit, masakit kasi mismo sarili ko tinatraydor ako. Siguro nga tama siya ngayon gagawin ko na talaga kung ano ang nararapat. Bahala na ang bukas.

Tbc
zerenette

The Desperate Wife (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon