Tulo

19.1K 362 14
                                    

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Shanleyh noong isang araw hindi na niya ako pinapansin. Nakita ko siyang papunta sa tambayan namin kaya't agad ko naman siyang pinuntahan. These past few days kasi iniiwasan niya ako. Naiintindihan ko naman siya eh miss na miss ko na siya. Sigurado akong nahihiya siyang mag-approach sa'kin kasi pinagwalk-outan pa ako napaka-drama kasi eh.

"Best?" tawag ko sa kaniya ni hindi man lang siya lumingon nalulungkot na tuloy ako. Pakiramdam ko iiwanan niya rin ako. Wala na nga akong ibang makapitan mukhang pati siya ay mawawala pa sa akin.

"Best, pansinin mo naman ako oh miss na miss na kita. Wag ka nang magalit sa'kin, I'm sorry."

Tinawag ko siya nang tinawag pero ni hindi man lang siya lumingon sa'kin.

"Siguro nga nagtatampo ka pa rin sa akin huwag naman ganito. Alam mo namang ikaw na lang ang meron ako," mahinang ani ko.

Huminto naman siya at napaka-lungkot ng mga matang napatingin sa akin.

"Tsk, halika nga rito Kaisle. Iniisip ko rin 'to nong nagdaang araw. Hindi ko dapat sinabi at ginawa sa iyo 'yun. Miss na miss na rin naman kita kaso nahihiya kasi ako. Hindi ko alam kung paano kita haharapin," sabi niya sa akin. Kitang-kita ko ang guilt sa mga mata niya.

Agad naman akong lumapit sa kaniya at niyakap. Hindi ko na rin napigilan ang luha ko na huwag tumulo.

"Best, nakapag-desisyon na ako,"
I stated.

"Best, hindi na importante 'yan. Ang akin lang kung saan ka sasaya susuportahan kita. Pasensiya ka na kung naging dahilan pa ako para magbago ang isip mo. Hindi ko naisip ang mararamdaman mo. Kaibigan kita at dapat sana ako ang higit na nakakaintindi sa'yo," sambit niya tsaka suminghot. Halata ang sinseridad sa bawat salitang binibigkas.

"No Shan, nakapag-decide na rin kasi ako. Matagal na rin ang pagbubulag-bulagan ko sa asawa ko. Hindi ko na yata kakayanin kung pagdating ng panahon hindi ko na mahanap ang sarili ko. Ayaw kong panghinayangan ang isang tao na kailan ma'y hindi naman ako pinapahalagahan," saad ko at pinilit ang sarili na ngumiti.

"Huwag ka ngang ngumiti riyan ang creepy," komento niya, kaagad namang natampal ko siya.

"Hmm, talaga lang ha, ayaw kong gumawa ka ng hakbang na pagsisisihan mo sa huli." Seryosong ani niya sa akin.

"Oo, pinag-isipan ko rin ito ng ilang beses. Napagisip-isip ko na ring tanggapin ang modeling offer sa akin ni, Mrs. Tremaine." Nakangiti kong wika.

"Totoo?" tanong niya na ikinatango ko.
Her eyes were gleaming in so much happiness. Napaka-oa para  namang nanalo siya sa lottery.

"Oo naman almost three months na rin 'yon. Suwerte ko lang kasi gustong- gusto niya talaga akong model. Kaya nga tatawagan ko na lang mamaya si, Bani para sabihin sa kaniyang babalik na 'ko sa modeling industry. Gusto kong ibalik ang buhay na mayroon ako noon." Nakangiti kong ani.

"I'm so happy for you. I hope this time unahin mo muna ang sarili mo. Tsaka na ang ibang bagay na nakakapagdala ng stress sa'yo. Isipin ko muna kung ano ang mas makabubuti sa'yo, okay?" Masayang ani niya sa akin. I nodded my head in response.

"I have one week na lang para e-prepare ang annullment papers. Ipinaasikaso ko na nga 'yun sa lawyer ni, Papa.  Tsaka naiintindihan ako ni Papa. Alam kong alam niya na nagsinungaling ako. But hindi niya ako kayang tiisin.. He knows me very well," saad ko.

Natahimik naman siya at tiningnan ako nang may pagtataka.

"Best? Sigurado ka na ba talaga?" tanong niya ulit sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at mahinang pinisil ito.

"Yup, huwag kang mag-alala riyan. I can do this." I assured her. If this is the only way to free myself. I'll gladly do it kahit alam kong masakit. Kahit alam ko sa sarili kong mahirap. Kailangan kong kayanin dahil sarili ko ang mawawala kung hindi ko ito gagawin. May mga bagay talagang kailangang bitawan para mabuo mo ulitang sarili mo.

TBC
@Zerenette

The Desperate Wife (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon