Chapter 11 [Ganun pa rin sya.]

581 27 2
                                    

 Chapter 11 [Ganun pa rin sya.]

 .............

Clarisse P.O.V

Nagpapasalamat ako kay Babe dahil sa pagsama niya sakin kahapon. Sya na lang ang meron ako ngayon. Di ko na alam ang gagawin ko pag nawala pa sya sakin.

Wala na nga yung bestfriend ko e. Baka pati sya mawala sakin.

Bakit hanggang ngayon di nya parin ako pinapansin?

Ganun ba talaga kasakit yung sinabi ko sa kanya?

Bakit ba sya nagkakaganun?

Sabi ko na nga ba e! Mas mahirap mahalin yung Bestfriend. Kase hanggang Bestfriend lang talaga yung turing niya sayo.

At kahit kailan hanggang dun na lang yun.

Gusto niyo bang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

Isa pa rin syang Cassanova. Babaerong walang pakielam sa nararamdaman ng mga babae. Isang taong sobrang bato ng puso. Lagi siyang may kahalikan. No wonder He Diverginize. Pano ko nasabi? Tignan mo lang yung mga babaeng kasama niya malalaman mo na agad.

Isa pa rin siyang GANGSTER. Gangster na walang ginawa kundi ang makipag away. Hindi yung totally away lang. Kase tuwing nakikipag away sya makikita mo na lang duguan yung mga kaaway niya. Nung bata pa lang kase kami nag aral siya lahat ng martial arts. Pero ni minsan di niya yun ginamit sa kung ano anong kalokohang bagay lang. Tuwing pinagtatanggol niya lang ako yun ginagamit. Pero ngayon ginagamit niya yun para makasakit ng iba.

We're Perfect Bestfriends. [Complicated Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon