{TBTSL} Chapter 1:Pasimulang Pangyayari

126 4 2
                                    

♥-Chapter 1-♥

Pasimulang Pangyayari


David

Good morning everyone, handa na ba kayo sa inyong pagsusulit?”Wika ng aming guro habang nilalagay ang mga libro sa kanyang lamesa

Hindi po Maam! Di pa po kami nakakapagreview!”Wika ng buong Klase. At siyempre, kasama na ako dun

Kung ganoon... Sasagutan niyo ito kahit hindi kayo nakapagreview!!

Nanlata ang buong klase dahil sa narinig nila, expect pa naman nila na pagbibigyan ulit sila ni Maam. Ngunit dahil na punong puno na si Maam, Eh kailangan namin gawin ang pagsusulit ng walang review review.

Ako nga pala si David San Juan, Gwapo, di gaano katalino at Mayaman. Kaya kahit bumagsak ako, kaya naman bayaran ng aking Mga Magulang ang Eskwelahan para mapunta ako sa mga Honors at Makagraduate ako. Speaking of Graduate, nasa 4th year palang ako... mga Grade 10 dahil sa lapastangang K to 12 na yun.

Madalas akong tinatanong ng tao kung,“Nagdadasal ka ba?” o kaya “Naniniwala ka ba kay God?” ang sagot ko?

Hindi. Kinakailangan ko pa ba ng gabay ni God kung nasa akin na ang lahat? Mahirap man isipin pero, galit ako sa kaniya. Kaya pinipilit ko sa loob ko na HINDI SIYA TOTOO!! Isa lang siyang pantasyang ginawa ng mga tao at ginawan pa ng Isang Libro!! Para lang yan na mga libro na pinaghatihati ang chapter! Pero hindi siya totoo! Wala naman siyang ginawa para sa akin eh! Ang mga magulang ko ang may gumawa ng lahat! Ang kayamanan, ang bahay at ang lahat!! Wala naman siyang GINAWA!!

Pero sa ngayon, kailangan ko nang gawin ang pagsusulit... o kahit na huwag na... heh.. Mawawalan ng Choice ang teacher kaya kailangan niyang itama ang mga mali ko haha!!

David? gusto mo kumopya?”Bulong ng katabi ko sa akin.

Nginitian ko na lang siya at kinuha ang papel niya

Sabi ko nga...”Bulong niya sa sarili niya.

Kinopya ko lahat ng sagot niya sa papel niya.

Bakit ko naisipan na kopyahan siya?— dahil siya ang pinakamatalino sa klase namin. At kaibigan ko siya haha!

Sabay kaming nagpasa sa aming guro. Nagtitinginan sa amin ang mga estudyante, dahil siguro... alam nila na kinopyahan ko lang ang kaibigan ko.

Pero wala silang magawa... dahil di naman sila paniniwalaan...

Nandaya nanaman yan pre.”Sa lakas ba naman ng boses ng pres. Ng aming klase eh sa tingin mo di ko yan maririnig?!

May sinasabi ka?”Tanong ko sa kaniya habang may pagbantang ngiti.

W-wala...”Tumingin siya kung saan saan para lang makaiwas sa tingin ko.

Pagkatapos ng Pagsusulit ay nagdiscuss na si Maam. Makalipas ng ilang oras ng isang boring na klase, ay nag lunch na din! Hay salamat..

Lumabas ako para magpalamamig. hindi ko balak kumain dahil hindi naman ako gutom.

Naririnig ko ang mga bulungan ng mga dumadaang estudyante, Alam ko na ako ang pinaguusapan nila, lagi naman akong controversial eh. Kaya sanay na ako dun, mapa maganda man o panget na usapan.

Totoo Ba Talaga Si Lord? #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon