~Love God with all your heart,with all your soul, and with all your strength~
~Love Your Neighbors as you Love Yourself~
♥-Chapter 4-♥
One and A Half
David
Naglakad ako papasok sa aking Classroom na laging nagbabago ang Aura kapag pumapasok ako.
"David!" sigaw ng isang lalakeng napaka pamilyar ng boses...
"Dwayne? Ano ginagawa mo sa Section B? Diba nasa A ka?"Sagot ko. Nakakapagtaka na -.-
"Hehe! Nalipat ako eh!"Tumawa siya na parang Isang Mayamang Babae...
Bigla akong napatingin sa upuan ni Alex, pero wala siya... oo nga pala.. may game nga pala sila...
Napalingon naman ako sa Gilid ko... At laking gulat ko nang makita ko si Aris na nginingitian ako
"HELLO!!"sigaw niya habang nakatitig sa akin at nakangiti
"AHHH!! MAY MONSTER!!!"Nagtakip ako ng mukha gamit ang libro ko
"wawww makamonster ka naman! Kala mong di ka mukhang Monster.. eh sarili mo nga monster na eh!"Nagpout nanaman siya at iniwas ang tingin niya sa akin
"Mukhang monster hah.." kinuha ko ang libro ko at binato kay Aris
"Aray!! Ang bad mo naman!!!"Hinimas himas niya ang nataman niyang mukha
"hahaha! Buti nga!!"Halos mapigil pigil ko ang tawa ko sa nagawa ko...
"Yyyaaayyy! Natawa ulit siya.. pero masakit yang ginawa mo sa akin!!"Pinakita nya sa akin ang heart at parang nadagdagan ng Lima.. perk nabawasan ng sampu... teka.. bat nabawasan at nadagdagan?
"Bakit nabawasan yan?"Tanong ko habang tinuturo ang mga spaces
"Kasi Medyo napasaya mo ako, at nadagdagan ng lima dahil sinaktan mo ako -.-"
"ahh ganun pala yun... Sumaya ka pa na tumawa ako?!"
"oo, kasama po kasi yun sa mission ko eh! Its so amazinggg!!... 345 Spaces!! Hehe!"
Eh parang nabawasan lang ng lima ang Spaces ah! Walang kwenta!!
"Class.. lets start the next lesson..." sabi ng Teacher habang nagsusulat sa whiteboard
Hinintay ko na lang matapos ang klase para matapos ko na ang misyon ko Sa Alex na iyon
Nang matapos ang boring na klase, ay ang study hall... at ayokong magaral muna..
"Tara, hanapin na natin si Alex... habang Free time pa..."Sabi ko kay Aris.
"S-sige ba... teka nga lang David? Why do you want na to see him and make him happy-happy?"Bakit ba ganito magsalita ang babaeng toh?
"Para matapos na ang misyon ko sa kaniya at maiba na"Naglakad lakad ako para hanapin ang Gym. At nang nahanap na namin ang Gym, nakita ko si Alex na hinimatay aa gitna ng Game
"Ohhh nooo!!"nagtakip ng bibig si Aris.
At ngayon hindi ko alam kung tutulungan ko ba ang kaaway ko na walang may pakielam sa kaniya sa Gym, o hayaan na lang siyang Nakahiga doon sa lapag
"bakit walang tumutulong kay Alex? Nagkakastampede na oh!.. tulungan mo!"Sigaw ni Aris dahil sa sobrang ingay dito sa loob
"Ano? Bat ako?! Ikaw kaya!"Inirapan ko siya..
"IKAW NA!!! NAKALIMUTAN KO DIN SABIHIN SA IYO NA ANG PAGTULONG SA ISANG TAO AY MAKAKADAGDAG NG KALAHATI DITO SA HEART!!"namumula na siya sa galit o.o..
"o...o"tumakbo ako papalapit kay Alex at binitbit siya Papunta sa Clinic... tiningnan ko mabuti ang Plato(di talaga plato xD) na ginto at heart shape... at napansin na nagkaroon ng Kulay ang isang red na tubig sa unang space.. ngunit kalahati lang ito ng space..
hindi ako umiimik nang nakarating kami sa Clinic..
"okay ka lang ba dyan? After mong isave si Alex sa Mga players eh naging matamlay ka na.."Wika ni Aris habang nakatingin sa Krus na nakadikit sa pader.
"Wala... may naalala lang ako noh! At bakit mo ba tinititigan yang Figurine na yan?"
"Kung iisipin mo, isa lang itong sculpture ng isang krus at si Hesus na nakapako dito, alam mo ba kung bakit siya napako sa Krus?"Naging seryoso yata for the first time Si Aris
"Hindi... at bakit ko babalaking alamin?-"
Di niya ako pinansin at sinabi ang gusto niyang sabihin
"Dahil gusto niya tayong lahat na mapunta sa Heaven, Siya mismo ang Nagsakripisyo para lang mabawasan ang ating kasalanan sa Panginoon..."
Hindi ko na lang siya pinansin... at nang Magising na si Alex...
Napatingin siya sa akin"Ikaw?... bat ka nandito?"
"Excuse me? wag mo na kwestyonin ang Dahilan kung bakit ako nandito.. ako mismo ang nagdala sa iyo dito..."
Natawa siya nang kaunti sa sinabi ko
"haha.. kahit minsan Di mo naman nagawa iyan sa akin... Paano mo nagawang dalin mo ako dito kung magkaaway tayo?"
Hindi ba niya nakikita si Aris?
Napalingon ako kay Aris at nakita na nasa anyong Anghel siya.. o.o
"Dahil ayaw kong mawalan ng matalik na kaaway... Pag namatay ka, wala nang silbi ang Highschool life ko. Wala na akong kakompetensiya... " Sagot ko
"Hahaha... pero... paano mo ba nalaman ang problema ko?"Bigla niyang naalala... paano niya naalala yun?!
"Dahil...dahil..nakikita... ko sa mata mo iyon.. sa mata mo na Ang problema mo ay ang pamilya mo... Alam mo.. lilipas din yan!" paano lumabas ang mga ganitong salita sa bibig ko?!
Si Aris nanaman yata ang nagbigay ng Script o.o
"Salamat na lang! Pero kahit paano napasaya mo ako.. nang kaunti ^_^...... patapos na yata ang Study hall natin... bumalik na nga tayo sa Classroom"Naunang umalis si Alex at naiwan lang kami ni Aris sa loob ng Clinic
"Yiiieee... Friends na sila!"natuwa yata si Aris sa narinig niya mula sa akin
"Hindi kami friends! Magkaaway pa rin kami! Ikaw naman kasi.... namilit ka pang dalin ko si Alex sa Clinic..."
"namilit daw! Eh gusto mo din naman siyang iligtas eh! Anyway.. Nadagdagan ng isang buong space ng red liquid... or the Blood of Lifeee!... 344.5 more spaces haha!"
"edi magandang nadagdagan.. who's our next mission na?"Tanong ko sa kaniya
"mamaya nang uwian nyo. at.. pwede ba makitulog sa house niyo?"Ngumiti si Aris sa akin.. na parang namimilit..
"Ano?! In your dreams! Tumira ka sa ilalim ng riles!"
"Huuuwwwaaayyy??? T.T... you're so mean talagaaa!! :'(... pag di mo ko pinatira sa house mo, madadagdagan toh ng 50 more spaces!"Binablack mail yata ako ng Babaeng toh eh!
"AHH!! SIGE NA!! MAMAYA!! SUMABAY KA SA AKING MAGCOMMUTE!!"Napapout ako sa sinabi ko...
"Hehehehe! Nakuha ko nanaman loob niya! Yay!"nagtatalon sa tuwa si Aris
Hay naku -.-...
Nang matapos ang mahabang usapan, bumalik na ulit kami sa loob ng classroom... at sinimulan ang huling klase...

BINABASA MO ANG
Totoo Ba Talaga Si Lord? #Wattys2016
DuchoweSa Mundong Sobrang Gulo, kung saan may giyera at patayan, maniniwala ka pa ba kung Totoo si God? Si David San Juan ay Isang Estudyante sa isang Pribadong Paaralan. kahit ganoon, Sa sobrang ganda ng buhay niya ay Nakakalimutan ma niyang Magdasal. "B...