HBU: PROMISE

13 0 0
                                    


Maaga palang gising na ko, finals na kasi namin at maaga ang unang exam namin. Todo review talaga ko kagabi para sure na hindi ako mangamote sa exam mamaya.

Naligo na ko saka nagsuot ng uniform then kaunting kolorote lang sa sa mukha.

*Piririt*

Nasaan na yung phone ko? Tinignan ko sa ilalim ng unan ko pero waley. Saan ko nailagay -,-
Tinignan ko rin sa closet ko pero waley. Aaaah. Bumalik ulit ako sa c.r tamang tama nasa lagayan lang pala ng mga shampoo XD

0975*******

Hi.

Sino naman to. Ako pa talaga naisipang itext hindi naman ako nagloload.
Hindi ko nalang yun pinansin pero hindi ko rin naman binura. Itetext ko nalang to kapag may load na ko.
Kinuha ko na yung mga gamit ko saka pumunta na kila Carren. Si Carren ang bestfriend kong patay na patay kay Keian Del Valle.

Hindi pa ko nakakapasok sa gate nila lumabas na agad sya.

"Blooming ah!" sabi ko then she whipped her long hair.

"Baka kasi makita ko kasi boyfriend ko." Assumera. Hindi naman siya kilala ni Keian.

"Kawawa naman yung tao hindi niya alam na boyfriend mo siya." Inirapan nya lang ako sabay nagpout.

"Kapag talaga naging kami ni Keian! Naku naku! Who you ka talaga sakin!"

"Kapag! Kapag lang! Assume pa more"

"Letche basta boyfriend ko sya! Lets go na nga malelate na tayo!"

After 15 minutes nakarating na rin kami sa school. Bago ko pumasok nagpaload muna ko.

Tinignan ko ulit yung nagtext sakin kanina.
Mareplayan nga.

To: 0975*******

Sino to?

Nang masend ko na pinasok ko muna sa bag ko yung phone at pumasok na sa room namin. Maya maya lang dumating na rin yung instructor namin.

Tuloy tuloy yung exam namin kaya di ko na nagawang hawakan pa ulit yung phone ko. Tanging notebook and hand outs lang yung hawak ko. Natapos lahat ng exam namin saka kami dumiretso ni Carren sa library para magreview naman para sa exam namin bukas.

Umupo kami sa seat na malapit sa bintana. Inilabas ko na yung mga reviewer at yung phone ko. May 2 messages galing dun sa tinext ko kanina.

From: 0975*******

Sino ka din?

Aba! Tungak ba to? Siya nga unang nagtext e.

To: 0975*******

Anong sino ko? Ikaw kaya unang nagtext sakin kanina ng "Hi".

From: 0975*******

Ah. Sorry. Sanji pala.

Sanji? Wow! Same name dun sa aso nila Cesiah. Hahaha. Ang tapang ng asong yun grabe. Matapang din kaya to?

To: 0975*******

Weh? Where did you get my number?

From: 0975*******

Oo nga po. Ikaw ba yung bestfriend ni Cesiah?

What!? He know Cesiah? Sino kaya to. Hindi naman siguro marunong gumamit ng cellphone ang aso -.-

To: 0975*******

Yup. Bakit kilala mo siya?

From: 0975*******

Tinawagan ka kasi niya gamit tong phone ko. Classmate niya ko.

Happy Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon