HBU: Long Distance Relationship?

4 0 0
                                    

"Bakit napaka-easy to get mo?"

"Easy na kung easy."

"Paano kung niloloko ka lang ng Sanji na yan? Mag-isip ka nga Alyanna. Wag puro puso ang paganahin! Minsan try mo ring gamitin ang utak mo." sabi ni Cesiah sakin.

"Hindi mo kasi naiintindihan." sabi ko nalang saka nagbuklat ng libro. Nandito kami ngayon sa bahay ni Carren.

"Ako pa yung hindi nakakaintindi? Naiintindihan ko. Mahal mo siya." sabi niya.
Bawat salitang binibitawan niya makes me down. Oo easy to get ako, kay James palang. Pero sana naman maintindihan niya rin na mahal ko si Sanji.

"Bakit ba ayaw mo kay Sanji? Sabihin mo nga sakin yung tunay na rason kung bakit." sabi ko. Nakatingin lang si Carren samin.

"Basta."

"Hindi pwedeng basta Cesiah! Alam kong may dahilan ka." sabi ko saka lumapit sa kanya.

"Ayoko lang siya para sayo. Hindi niya deserve ang tulad mo." sabi niya.

"Bakit hindi? Mabait naman si Sanji ah? May respeto sa mga babae." sabi ko.

Wala kong nakikitang mali kay Sanji para ayawan niya ito para sakin. Mabait si Sanji, maalalahanin, maalaga, matalino, family oriented. So anong mali dun? Bakit hindi niya ko deserve.

"Hindi mo pa siya lubos na kilala." As if she know Sanji very well!

"Tsk! At sinong mas nakakakilala sa kanya? Ikaw na walang ginawa kundi ang tarayan siya? Haler Cesiah. Hindi ko naman siya papatulan kung hindi ko alam ang pagkatao nya e. Kaya please hayaan mo nalang kami! Nagpromise ka sakin na hahayaan mo na kami at hindi ka na mangingialam. Please Cesiah please." sabi ko. Nagsigh lang sya saka tumayo.

"Okay." sabi niya saka lumabas na ng kwarto.

Bigla tuloy akong naguilty sa mga sinabi ko. Balak ko pa siyang habulin nang bigla kong pigilan ni Carren.

"Huwag mong habulin." sabi niya saka umiling.

"Magsosorry lang ako."

"Bakit ka magsosorry? May nagawa ka ba? Hayaan mo siya. Mamaya kakausapin ka rin niyan." sabi niya.

This is how I like Carren that much. Siya kasi yung talagang alam kong maiintindihan ako.

"Carren mali ba ko? Mali ba na pumayag akong maging boyfriend ko siya?" sabi ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

"Walang mali sa pagmamahal. Siguro oo mali ka kasi sinagot mo siya agad. Pero okay lang yan ganyan na talaga ngayon. Hayaan mo nalang muna si Cesiah." sabi niya sakin.

"Salamat Carren. Salamat ng marami." sabi ko na parang naluluha na.

Lumapit sya sakin saka ko niyakap.

"Ano ka ba. Wala yun. Bestfriend tayo kaya dapat tayo yung nagdadamayan." sabi niya.

Napakaswerte ko sa kaibigan. Hindi man kami okay ni Cesiah ngayon I know na darating yung araw na matatanggap niya rin si Sanji.

---

"Alyanna makinig ka nga!"

"Mommy ilang beses ko bang dapat sabihin na ayoko lumipat ng school. Gusto ko dito lang ako sa Laguna."

Kagabi pa sinabi sakin ni Mommy na magtatransfer daw ako sa Davao. Sinabi kong ayaw ko pero hindi pa rin niya ko tinitigilan.

"Alyanna!" sigaw niya. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil alam ko na kaunti nalang ay magagalit na siya. Tumingin lang ako kay Mommy saka tumulo ang luha ko.

"Mommy.. Ayoko.." sabi ko. Umiling lang siya saka lumapit sakin at tinap ang ulo ko.

"Okay na lahat ng papel mo Alyanna. Pagpasok mo nalang ang kulang." Nagulat ako sa sinabi niya ibig sabihin ayun pala ang inayos niya nung umalis siya.

"Mommy naman!" sabi ko nalang saka pumasok sa kwarto ko. I dial Sanji's number.

Sanji.

Oh Yanna umiiyak ka ba? Anong nangyari?

Sanji lilipat na ko ng school. Ayokong lumipat.

Ano? Wag ka muna umiyak. Magkita tayo sa SM.

Okay.

Binaba ko na yung phone saka ko nagbihis. Pagbaba ko nadatnan ko si Mommy na nagbabasa ng newspaper pero hindi ko siya pinansin.

"Saan ka pupunta?" tanong nya.

"Kila Carren lang." sabi ko, tumango lang siya at hindi na nagtanong pa. Pumara na ko ng taxi.

Pagdating ko sa SM nasa labas na siya. Lumapit siya sakin niyakap niya ko saka kiniss ako sa noo.

"Tara muna sa loob." tumango ako saka niya hinawakan ang kamay ko at pumasok kami sa loob. Pumasok kami sa Starbucks, pinaupo niya muna ko saka siya nag order.

"Okay ka lang ba?" tanong niya.
"Muka ba kong okay? Lilipat na ko ng school okay na lahat ng papel ko kailangan ko nalang pumasok. Ayokong lumipat." sabi ko saka naiyak na naman.

"Sssshhhh. Pinakiusapan mo na ba mommy mo?"

"Oo. Sobra sobra na yung pakiusap ko pero desidido talaga siyang ilipat ako ng school. Sanji ang layo ng Davao dito sa Laguna."

"Long distance relationship. Kaya mo ba?" nagulat ako sa sinabi niya.

"Okay lang sayo? Okay lang sayo na magkalayo tayo?" sabi ko.

"Syempre ayoko. Pero anong magagawa natin kung ayun ang gusto ng mommy mo? Irespeto nalang natin siya." lalo lang ako naiyak.

Kaya ayoko pumayag dahil malalayo ako sa mga kaibigan ko saka sa kanya tapos ganun lang?

"Yanna. Mahal natin ang isa't isa kaya kahit magkalayo pa tayo kakayanin natin yun. Tiwala lang Yanna. I love you at pinapangako ko sayo na ikaw lang talaga. Pangako yan." sabi niya saka pinunasan ang luha ko.

"Pangako mo yan ha." sabi ko.

"Pangako." then he kissed me.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happy Break UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon