Babaeng Nakaputi

381 2 2
                                    

Dahil wala akong magawa...

Share ko lang tong nangyari sa akin...

Totoo po ito ah... Walang halong biro...

Matagal na to...

siguro mga 3 years na ang nakalilipas...

Around 3am nagising ako, di ko alam kung bakit basta nagising na lang ako bigla... narinig ko yung radyo na ginagamit ko na puro static na lang... as in walang istasyon kht anong lipat ko... binuksan ko yung ilaw sa kwarto ko. pagsilip ko sa baba namin, normal naman. binuksan ko yung ilaw ng kabilang kwarto at sumilip ako sa bintana. Sobrang tahimik. Walang katao tao. Normal na gabi na tulog ang lahat ng mga tao. Pagbalik ko sa kwarto pinatay ko yung ilaw. Di kasi ako sanay matulog ng may ilaw. Paghiga ko, nagtakip ako ng kumot, di kasi ako sanay na walang kumot pag natutulog. Pagtakip na pagtakip ko biglang may tumapik sa hita ko ng dalawang beses sabay tawag sa pangalan ko. Tapik "Melvin"... Tapik "Melvin"... sa sobrang takot ko, pumikit ako at nagdasal. Maya mya nawala na ung presensiya ng kung ano mang nilalang yung tumawag at tumapik sa akin. Yun ang akala ko. Pag alis ko ng kumot may nakaupong babae sa tabi ko na nakaputi at mahaba ang buhok. Kitang kita ko yung bibig at ilong nya pero hindi yung mga mata nya. May sinasabi sya na hindi ko maintidihan sabay hawak sa dalawang kamay ko. Nakakapangilabot yung boses. Halos lahat ata ng balahibo mo sa katawan tatayo sa takot. Sobrang lamig ng kamay nya. Para kang humawak ng yelo. Pilit nyang inaangat yung dalawang kamay ko habang nagsasalita. Pumikit ako at nagdasal. Maya maya bumagsak na lang yung 2 kamay ko. pagdilat ko wala na yung babae sa tabi ko. Dun lang din nagkaron ng music ung radyo ko. Sa sobrang takot na baka makita ko ulit yung babaeng yun. Madali kong binuksan yung ilaw sabay takbo sa kwarto nila mama. Nagalit si mama kc iniwan ko daw yung ilaw at radyo na bukas at pilit na pinapapatay sa akin. Sabi ko may babae dun sa kwarto ko. Panaginip ko lang daw yun. Bumangon si mama at umakyat para patayin ung radyo at ilaw. Habang wala si mama, naramdaman kong may nakatayo sa may pinto. Pagsilip ko nandun yung babae. Nakatayo. Sigurado akong nakatingin sya sa akin. Pagbukas ni mama ng pinto, nawala yung babae. Naka pwesto ako sa gitna nila mama at papa. Halos kalahating oras din bago ako makatulog ulit. Pag gising ko, kinuwento ko kina mama yung nangyari. Di sila naniwala dahil panaginip ko lang daw yun. Kinuwento ko rin kita Ate kat pero sabi ni Ate kat gising pa daw sya nun at naglalaba. Ang ingay ingay pa daw ni Whitie(aso)... Hay sana di ko na makita ulit yung babae. Simula nun natutulog na ako ng may ilaw...

Babaeng NakaputiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon