Palibhasa ay sanay na gumising ng maaga, alas singko pa lang ay nakahanda na sya para sa isang araw na puno pakikibaka.
Kagabi bago matulog ay nag inquire sya if my spa sa hotel. Hindi nya nakasanayan ang ganoong luxury but starting today, kailangan nya ng gawin. Alyssa is always at the spa para magrelax at maalagaan ang katawan bukod pa sa pagpunta nito sa derma nya.
Bumaba muna ang dalaga sa cafe para mag breakfast. Kumuha ito ng international broadsheet at umupo malapit sa glass panel ng coffee shop, para malawak ang nakikita nya. Nakakatulong kase ito sa pakiramdam ng dalaga. Lately kase, para ang sikip ng paligid at kinikilusan nya....para bang paliit ng paliit ang mundo nya, nai-stress tuloy sya. Habang hinintay ang order nya, inayos nya ang dalang babasahin para umpisahan na ang pagbabasa ng mahagip ng mata ang balita sa front page
Model & Socialite Alyssa Sebastian Monte Claro and Most sought after bachelor, heir to the Williams Empire, Jace Villarin Williams will tie the knot on December 1....
Ang balitang iyon ay nilakipan pa ng picture ng dalawa. She flipped the pages of the broadsheet and found the same news were printed on entertainment, business and social section.
Two powerful clan in business world in the Philippines will merge as their children will tie the not this coming December...
Williams - Monte Claro Nuptial, wedding of the Century....
Napailing na lang ang dalaga. Sa isip nya, kailangan ba talagang sensationalize ang lahat ng ito? lalo nya tuloy naisip ang maaring kalabasan kapag hindi dumating ang bride sa araw ng kasal...eh baka yun na lang ang maging laman ng lahat ng pages ng mga dyaryo.
Pagkatapos mag almusal, she went straight to the parlor for the make over. She just handed over the picture of Alyssa to the stylist para gayahin ang hair & make up ng kapatid. Nang matapos ay sinipat nito ang sarili sa salamin. Unti-unti ng nawawala si Ayessa, natatakpan na ito ng bago nyang pagkatao and it sadden her. Kayanin nya kaya ang lahat ng ito? Bahala na si batman.
Ayessa's POV:
Bago lumabas ay inayos ko muna ang muffler sa leeg ko, winter na kase at sobrang lamig ng panahon. Susunod ko naman gagawin ay ang mamili ng mga make up at mga ilang perasong damit. Eh, kahit sinong tumingin sa mga damit ko, hindi na kailangan pang manghula...halata naman na conservative ang owner....in short manang! Kailangan ko din ng kolerete, si Alyssa kase laging postura unlike me.
Oh My God! It almost slip in my mind, I have to call my family ang Jace pala! Bumili muna ako ng call card na gagamitin ko, hindi ako tatawag sa hotel, baka malaman pa nila na sa South Korea yung call.
Pagkabili ng card, I immediately dialed the number ng bahay.
"Hello, Monte Claro residence" malumanay na sagot ng kabilang line. Sobrang na miss ko ang boses na yun! Tumikhim muna ako, kailangan ibahin ko din ang way ng pakikipag usap ko, alalahanin ako ngayon si Alyssa...malambing kase ito magsalita, walang alam sa mga salitang kalye, kabaliktaran ko ^-^ dahil siguro may mga kaibigan ako na iba kesa sa mundong kinalakihan namin. Naaalala ko noon, tumatakas ako sa bahay para lang makipaglaro ng piko, habulan taya, tumbang preso at kung anu-ano pa sa mga anak ng tauhan namin at mga kalaro nito. Kaya masasabi ko, mine was a normal childhood, hindi kase ganun si Alyssa. Naku, don't get me wrong hindi sya matapobre, sobrang vain lang talaga.
"Mommy!" Hay, ano ba yan parang may naka salpak tuloy sa lalamunan.
"Alyssa, hija!" As she recognize the sweet voice na akala nya ay si Alyssa talaga.
"How are you and dad, mom?"
"We're fine Hija. What time will you arrive tomorrow so I can inform Kanor to pick you up"

BINABASA MO ANG
OUT OF MY LEAGUE
RomansaWhat if one day magulo ang tahimik mo na buhay? All your life, you dreamnt to serve God and lend your hands to the needy but due to some twisted event everything changed, eveything just went out of your hand...totally derailed ng dahil lang sa isa...