So far, maganda naman ang araw ko. Hindi tumawag or nagtext ngayon sa akin si John. It's not that I want to. Di lang talaga siya nagparamdam. Sabi ng mga kaibigan ko, bigyan ko na daw ng chance si John. Pero kasi, nahihirapan talaga ko. Siguro sa susunod na magkita kami. Baka pumayag ako na friends kami. Friends lang.
Gabi na. Nandito kami sa grocery ni Mama. Sabi niya may makikitira daw sa bahay, may nangyari ata. Kaibigan niya ata nung college pa.
"Eh sino ba yung makikitira muna sa atin?" Tanong ko sakanya.
"Si Marilou Fernandez. Meron ata siyang dalawang anak, babae at lalaki. Yung lalaki niyang anak kasing edad mo lang yata."
"Ahh ganun ba. Ma, kukuha lang ako ng mga sitsirya ha." I grinned.
"Hay nako. Ang hilig mo sa mga ganyan. Sige sige dito lang ako." Yay sabi ko na nga ba hindi ako matitiis ng nanay ko.
Medyo madami na akong nakuha na sitsirya. Habang naglalakad ako, may nabangga ako. Ang shunga ko talaga.
"Hala sorry po. Hindi ko po kasi napansin pa-"
"Scarlet?" Wtf?
"Oh, John. Hi um, hi." Seryoso? Bakit ngayon pa kami nagkita ulit?
He chuckled. "Hello. Ano ginagawa mo dito?"
"Uh, nagro-grocery?" Dude di ba obvious? "Ah, oo nga pala. Sorry. Sige bye see you around." He opened his mouth, and closed it again.
"May sasabihin ka ba?" Dineretso ko na siya.
His eyes were wide. "Uh, alam kong you hate me. But please, eto na ang last time na hihingi ako ng second chance. Please?" He pleaded.
"Okay sige. Pero as friends lang. Pinatawad na rin kita sa nagawa mo noon." I can't believe I'm saying this.
He looked very happy. "Thank you so much, Scarlet. So let's catch up? Sometime?"
"Sige saan?"
"May coffee shop malapit sainyo. Alam mo yun diba? We used to go there." Yeah, we 'used to'.
"Okay. Sa Friday, 3pm?" I asked him.
"Yeah. Bye. Thank you so much."
I laughed. "Okay bye."
Tama ba yung desisyon na ginawa ko? Sana tama.
"Scar!! Nandiyan ka lang pala. Hinahanap kita. Bayaran na natin 'to, tapos umuwi na tayo." Sabi ni Mama.
"Okay Ma."
---
Kakatapos ko lang maligo. Medyo napa-aga ligo ko. Kasi ngayon na pupunta yung kaibigan ni Mama. Nagpalit na ako ng damit. Nag-ayos ng gamit at kama. Ay, may nagdoorbell. Baka 'yun na yung kaibigan ni Mama.
"Scar! Halika dito." Sigaw ni Mama.
"Eto ang nag-iisang anak kong si Scarlet. Anak sila yung sinasabi kong makikitira muna sa atin."
"Napaka-gandang bata naman." Nope.
"Uh, thank you po."
Tinignan ko yung dalawa niyang anak. Yung babae siguro mga nasa 4 years old pa. Tapos tinignan ko yung lalaki. Not bad. May itsura siya huh.
"Hi, I'm Edward. Nice to meet you." He smiled at me.
I blushed. Hindi ko alam kung bakit. "Hey, I'm Scarlet. Nice to meet you too."
ESTÁS LEYENDO
End of the day [ON HOLD]
Novela Juvenil"It was a stupid mistake for me to let you go before. Now that I have you in my arms again, I'm not planning on doing the same thing." He smiled, his eyes brimming with tears. "Promise?" I asked. "I promise." Did he really mean it? Or his promise wo...