Sunlights, Toilights, and Total Solar Eclipses (PARODIYA KUNO Para sa Twilight)

1.6K 26 48
                                    

Sunlights, Toilights, and Total Solar Eclipses

(PARODIYA KUNO Para sa Twilight)

Copyright ©2011 by AnakDalita. All Rights Reserved.

Babala: Ang susunod na akda-akdaan ay may mga nilalamang hindi lubos na angkop lalu na para sa mga tao na, nasa wastong edad man o hindi, nahumaling na nang husto sa orihinal na kwento. Patnubay ng mga mas nakakaunawa ay kinakailangan, utang na loob lang.

Katuwaan lamang po ito.

Walang sisihan. Don't say I didn't warn you.

~

Itinatampok ang Pamilya ng mga Pangil—kinabibilangan ni Edward Culleng(-leng)¹, Bella Swann-totz at Renesmee Nasamid—at ni Jacob Macho-Machohang Werewolf.

(Oo, sila-sila lang ang characters)

Nagpapakyut ang Pamilya ng mga Pangil sa may parke, sa Tabi-Tabi Riyan. Matiwasay na sana ang lahat, nang biglang sumulpot sa eksena si Jacob, na wala pa ring sawang ibinabalandra ang kanyang six-pack abs (buti na lang hindi ito nasisikatan ng araw, malalaman din ninyo mamaya kung bakit). Siyempre, madali pa ring napukaw ni Jacob ang pansin ni Bella Swann-totz. 'Di kalaunan ay nawala si Bella sa sariling ulirat at halos makalimutan na niya ang kanyang estado. Eto namang si Edward Culleng-leng, nalaman na kaagad kung anong kababalaghan ang nangyayar sa kanyang butihing (?) asawa; naamoy niya kasi 'yon. Basta na lang nagalit si Edward, hindi nga lang matukoy kung dahil ba iyon sa pagsulpot ni Jacob; sa ikinilos ni Bella; o parehas.

Nag-away -away na lang ang tatlo. Si Renesmee Nasamid naman, wapakels na nga, deadma sa Japan pa.  "Keber-lah ko naman, eh warla ng mga thunders 'yan, ANEK! Mga bitteretsu sila!" (Nasamid lang si Renesmee, naging Bekimonerz na nga! Awtz.)

Anyway, ayun na nga, nagkanda-aberya na ang tatlong thunders...este nakatatanda. Naantala naman ang away-awayan nila dahil nag-umpisa ang isang total solar eclipse. Natakpan ang sinag ng araw—ang pinagmumulan ng di-umano'y lakas ng Pamilya ng mga Pangil—at bumalot ang kadiliman sa Tabi-Tabi Riyan. Natigilan ang mag-aswang...mag-asawang kapangilan dahil kanilang naalala na ang eclipse ang isa sa kanilang mga tunay na kahinaan; total o partial man, solar o lunar man, basta ECLIPSE, lagot sila. Kaso, huli na ang lahat nang maalala nila 'yon...Naagnas ang pamilya ng mga pangil bago pa sila tuluyang makapagtago. Tumakas na si Jacob bago pa natapos ang eclipse. Nang magliwanag na ang mga kalangitan, may nakatagpo na sa mga abo ng mga naagnas na bampira. Medyo may toyo pa yata 'yung nakakita kaya ifinlush na sa toilet ang mga pinag-agnasan ng tatlo. Aaaawtz.

Si Jacob naman, nagpakalayu-layo na, hanggang sa mapadpad sa isang malayong dimensyong kung tawagin ay Miliminas². Napakainit ng temperatura at napakataas pa man din ng sikat ng araw. Napilitan si Jacob na alisin ang suot niyang pang-itaas sa mga oras na 'yon. Alas, nasinagan ng araw ang kanyang six-pack abs, kaya ayan tuloy, nagtransform na siya bilang werewolf na kasing-laki ng isang beybeh elephant. Nagkataong may mga grupo ng Milimineros na nag-iinuman sa tabi ng daang tinatahak ni Jacob. Napag-interesan siya ng mga ito at siya naman ay nahuli, sa kabila ng lahat ng pagpupumiglas ng binatang werewolf na kasing-laki ng isang beybeh elephant. I-fast forward na lang natin ang mga masaklap na pangyayari: sa madaling sabi, nagsilbi si Jacob bilang pulutan ng mga Milimineros na nag-iinuman...Tsk, tsk, kawawang Jacob.

-WAKAS...Yeyz!-

~

¹mula sa isang artikulo ng Philippine Artisan

²mula sa maikling kuwento, Miliminas 0069 ni Nilo Par Pamonag

🎉 Tapos mo nang basahin ang Sunlights, Toilights, and Total Solar Eclipses (PARODIYA KUNO Para sa Twilight) 🎉
Sunlights, Toilights, and Total Solar Eclipses (PARODIYA KUNO Para sa Twilight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon