part five

1K 26 3
                                    

Umupo na si Micki sa napili niyang pwesto. Beside the window.  She put on her earphones and turned her music player on. Hinihintay na lang niya na umandar na ang bus at umalis.

Somebody pulled her earphones and sat beside her. She looked beside her.

Jeric grinned.

“Anong ginagawa mo?” She asked.

“Sabi mo patunayan kong mahal kita.”

“Sa pagsunod mo sa akin anong napatunayan mo?”

“Kung nasan ka, nandun din ako. Ganun kita kamahal.”

Micki looked away. “Bumaba ka na. Baka hanapin ka pa ng mommy mo.”

Jeric held her chin and turned her to face him. “Sakin ka lang tumingin.” Then he pulled her close and embraced her. “Saka na natin sila isipin. Pag okay na tayo.”

She tries to move away but he’s holding her tight. “Bitawan mo nga ako.”

“Ayoko. Ganito tayo hanggang Baguio.”

Nagpumilit si Micki na umiwas kay Jeric. “Sinong may sabi sayo na sa Baguio ako pupunta?”

Nagtaka si Jeric. “Saan ka ba pupunta?”

“Basta.” Micki looked away.

Pumarada na ang bus sa loob ng terminal. Tumayo na si Micki at sumunod sa mga pasaherong bumababa ng bus. Sumunod naman sa kanya si Jeric.

Jeric just followed her wherever she goes. Pero nagtataka na ito sa haba ng nilalakad nilang dalawa.

“Alam mo ba kung kung saan ka pupunta? Why don’t we just stay here in Baguio na lang kasi?” He asked Micki.

“Kung ayaw mo sumunod, pwede ka namang maiwan.” She told him.

Binilisan ni Micki ang lakad niya. Tumakbo naman si Jeric para masundan at masabayan siya. “Hindi naman ako nagrereklamo. But don’t you think this is a better place for us to make up?  I mean, it’s cold here. We can cuddle while we’re patching things up.”

Huminto sa paglalakad si Micki at tinignan siya ng masama. “Umalis ako sa Manila para mapahinga ang utak ko. Hindi ako nagpunta dito para isipin kung paano makikipag-ayos sayo.”

Jeric held her hand. “Kaya nga kita sinundan diba? Para maayos na natin ‘to.” He touched her face. “Please… Ayusin na natin ‘to.”

She held his hand at iniwas sa mukha niya. “Hindi pa rin ako naniniwala na mahal mo ako. Yun ang problema.”

Naglakad na ulit si Micki. Sumunod pa rin sa kanya si Jeric. “Eh ‘di susundan kita. Hanggang sa ma-realize mo na mahal talaga kita.”

Sumunod lang si Jeric kay Micki hanggang makarating sila sa isa pang bus terminal. Bumili si Micki ng ticket. Kaya bumili din siya.

“Sagada?! Micki, are you sure about this?” Tanong niya kay Micki habang naglalakad sila papunta sa bus na sasakyan nila. “May kilala ka ba dun? Do you know where you’re going?”

Umakyat na sila sa bus. “Hindi.” Sagot ni Micki pag-upo niya.

Umupo naman sa tabi niya si Jeric. “Then why are you going there?”

“Kung ayaw mong sumama, manahimik ka at bumaba ka ng bus.”

Nanahimik si Jeric at umayos na lang ng upo. Micki looked at him. “Kung nasan ka, nandun din ako.” He told her.

Micki looked away. Pero palihim siyang napangiti. At lalo pa siyang napangiti nang hawakan ni Jeric ang kamay niya at sumandal sa kanya.

Bumitaw lang ito sa kanya nang makarating sila sa Sagada after almost six hours. Hindi na nga siya nakatayo sa mga stopover dahil nakasandal ito sa kanya habang natutulog. “Jeric, gising na. Nandito na tayo.”

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon