Part Four

813 13 2
                                    

Magkatabing nakaupo si Kyle at ang asawa niya habang pinapanood ang pakikipaglaro ni Micki sa anak nila. Micki remained close to Kyle kahit hiwalay na sila. Naging ninang pa nga siya ng anak nito. Well, five years is five years. More than lovers, they were also good friends.

“Hayy! Nakakapagod kang kalaro.” Sabi ni Micki sa inaanak niya.

“Magpahinga na muna kayo. Kukuha muna ako ng meryenda. Hon, ikaw na munang bahala kay Micki.” Kyle’s wife said before she went inside the house.

Pinagmasdan ng mabuti ni Kyle si Micki habang nagpapahinga ito until mapansin siya nito. “Bakit?”

“Anong problema mo?” Kyle asked. Hindi sumagot si Micki. And her silence means something. Ganoon niya kakilala si Micki. “Sabihin mo na. Si Jeric no?”

Micki lowered her head and sighed.

Umiling si Kyle. “Hindi ka kasi nakinig sa akin eh.” He crossed his arms. “Noon pa lang alam ko na. He’s not good enough for you. Hindi ka niya kayang pasayahin.”

Micki bit her lip. “Tatlong taon ko na siyang hinintay, makakapaghintay pa naman ako. Siguro.”

Kyle looked at her. “Sinasabi mo lang yan. Pero deep inside, alam ko, napapagod ka na. You’re giving up. Tatlong taon ka ng naghihintay. Gaano mo pa ba katagal na panahon ang kaya mong sayangin para sa isang lalaking katulad niya. Para sa isang lalaking ni hindi ka kayang sabihan ng ‘I love you’.”

Micki’s tears fell.

“Nagtyatyaga kang mangapa sa dilim kahit pwede mo namang makita ang ilaw. Buksan mo lang yang mga mata mo.” He handed her a handekerchief to wipe her tears. “Give him up, Micki and start living a life without him. Yung magaan ang bawat araw. Yung hindi ka nag-o-overthink ng ganyan.”

Kyle tapped her shoulder as her tears keep falling.

Nasa tricycle pa lang si Micki, napansin na niya ang kotseng nakaparada sa harap ng dorm. Kotse ni Jeric. Pero wala si Manong Bert. And when she went inside her room, she already expected na makikita niya ito.

“Usapan 9 diba? Sharp. 10 o’ clock na.” Jeric said when she went in.

Pinatong ni Micki ang dala niyang backpack sa mesa. “Hindi naman ako pumayag na makipagkita sayo ah.”

By the way she speaks to him now, mukhang alam na ni Jeric kung saan galing si Micki. “So you went to him? Anong pinag-usapan niyo?” He held her elbows and forced her to turn around. “Anong ginawa niyo?”

“Wala ka na dun.”

He held her tighter. “Micki,”

“Tigilan na natin ‘to.”

“That’s what he told you?” He held her other hand. “Micki, he just wants you back kaya sinasabihan ka niya ng ganyan. Don’t listen to him.”

“He wants me back? Sa tingin mo sa ginawa ko sa kanya, tatanggapin niya pa ako? Pagkatapos ko siyang ipagpalit sayo? At yung totoo, kung wala lang siyang asawa at anak ngayon, babalik talaga ako sa kanya.” Pinilit niyang bumitaw sa pagkakahawak ni Jeric sa kanya.

“Micki,”

“Jeric, wala naman ‘tong patutunguhan. Kaya tapusin na lang natin. Kaysa mag-aksaya tayo ng panahon sa isa’t isa. Kaysa mag-aksaya ako ng panahon sa taong nakakasama ko lang naman minsan.” She wiped the tears that fell from her eyes. “Sa isang taong pupuntahan lang naman ako pag gusto niya. Sa taong turing sa akin, part-time lover. Pang-pansamantala lang naman ako sayo diba?”

Umiling si Jeric. He held her again. “That’s not true.”

“Then tell me kung anong totoo.” She dared him while looking at his eyes.

PansamantalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon