MULA SA pagtitig sa crystal statue ng isang cello sa loob ng nasasalaminang dingding ay lumingon si Merlinda sa nabuksang pinto ng receiving room. Pawisan ang pumasok na si Emperor,may hawak na hand towel na ikinukuskos sa mga braso. Napakaguwapo pa ring tingnan ni Emperor kahit medyo gusot ang makapal at basang buhok. Laging pilyo ang ngiti ng mga mata nitong nagkakanlong sa makakapal na pilik-mata.
Nakita na ni Merlinda anglalakinang bagong gising at naka-pajama, nang naka-swimming trunks lang, nang naka-suit, nang naka-crew neck shirt at tight-fitting jeans, at nang gaya ng ayos nito ngayon. Sa lahat ng pagkakataong iyon ay maikakategorya ito sa pagiging "hot." Mahirap ialis ang tingin dito. He was a sight to behold. At ang maganda pa kay Emperor, parang hindi alam na guwapo ito. Sa suot na jersey shorts at katernong sando ay hindi mahirap hulaan na galing itosa pagba-basketball—ang nag-iisang sports na nakahiligan nito mula noong mga bata pa sila.
"Lindy?" medyo gulat na sabi ni Emperor nang makita siya.
Sino nga naman ang hindi magugulat? Napupunta lang siMerlinda sa mansiyon ng mga de Dios kapag kailangan. Tulad sa mahahalagang okasyon na gusto ng daddy niya na dumalo sila. At minsan lang niya nakasama si Emperor sa company outing noong hindi pa ito abala sa sikat na acoustic band na kinabibilangan ngayon. Kasama noon ang kanilang mga pamilya at walasiyang choice kundi ang sumama dahil siya ang itinatalaga bilang organizer.
Kahit minsan ay hindi nagkusa si Merlinda na magtungo sa tahanan ng mga de Dios, o sa iba pa mang mga bahay ng mga kaibigan nila at colleagues na ang tanging dahilan ay para makipag-socialize. She found that kind of activity a waste of time. As a matter of fact, she considered any activity that were not beneficial to her health or to making money, directly or indirecty, a waste of time.
Mabuti pa noong mga bata pa sila. Mas close si Merlinda kay Emperor dahil mas malapit ang edad nito sa kanya. At kahit kung minsan ay mapambuska ay mabait naman sa kanya. May isang pagkakataon pa noong mga bata sila na inisip niyang magiging sila pagdating ng araw.
"Kapag lumaki na tayo, ligawan mo ako, ha?"
She mentally shook her head. Malinaw pa sa kanyangpandinig ang biro na iyon ni Emperor matapos siyang nakawan ng halik. Umiiyak na nagsumbong siya sa mommy niyang si Linda, pero tinawanan lang siya.
Ngunit habang lumalaki sila, nang maging abala na si Emperor sa bandang Crazy Hotshots na kinabibilangan nito, at siya naman ay sa pagsisikap na mapabilangsa dean's list noong college days nila, namalayan na lang ni Merlinda na hindi na sila ganoon ka-close. Bihira na silang magkita. Lalo silang napalayo sa isa't isa nang magsimula nang sumikat ang banda ng binata, at siya naman ay nagtrabaho na sa MVS Corporation. Sa kabila niyon, gaya pa rin sa isang malapit na kaibigan ang pakikitungo nila sa isa't isa sa bibihirang pagkakataon na nagkikita sila.
Minsan nang nailigtas ni Emperor ang buhay ni Merlinda. Siyam na taong gulang pa lang siya noon. Labing-isa naman ito. Hindi ito nagdalawang-isip na saklolohan siya kahit namiligro din ang buhay nito.
"Napasugod ka?" tanong ni Emperor pagkakita sa kanya.
Habang papalapit ang distansiya nila sa isa't isa ay paliit naman nang paliit ang confidence ni Merlinda na masasabi niya ang sadya sa binata.
Disimuladong sumagap siyang hininga at disimulado ring pinakawalan iyon. Ang hindi pag-aatubili noon ni Emperor na tulungan siya sa tiyak na pagkalunod, sa kabila ng katotohanan na hindi ito marunong lumangoy, ang nagtulak sa kanya para muling hingin ang tulong nito ngayon.
Pero nakakaramdam pa rin siya ng pagkaduwag. Ng hiya. Don't you dare chicken out now, Lindy. She squared her shoulders and looked Emperor in the eye. Nakakaramdam na naman siyang kaba at pag-aalangan. Pero buo na ang kanyangloob na hindi siya bababa ng mansiyon nang hindi nasasabi ang pakay at hindi nakukuha ang pagpayag ng binata. "May sadya ako sa iyo."
"Have a seat." Ikinuskos nito sa pawisang leeg at mukha ang hawak na hand towel.
"No need," sabi ni Merlinda. "This won't take long."
Nagkibit-balikat si Emperor. Trademark na ng binata ang ganoong mannerism, isang kilos na sa iniuugnay niya sa kawalan ng pakialam, sa pagiging easy-go-lucky at sa kakulangan ng drive para abutin ang gustong makuha.
"Emp... I need you. I need you to..."
Clueless na nakamata lang sa kanya ang binata.
"T-to marry me."
Nalaglag ang panga ni Emperor.
0DV�\�2���
BINABASA MO ANG
Insta Groom book 3: Emperor (soon to be published)
RomanceInsta Groom book 3: Emperor By Dawn Igloria