PROSTATE cancer. Stage two. Iyon ang nakita ng mga doktor sa thorough examination na ginawa sa ama ni Merlinda. Ngunit ang dahilan ng biglaang pagkawala ng malay ng daddy niya ay ang pagbaba ng pulang dugo nito dahil sa halos gabi-gabing pagpupuyat. Isa sa simtomas ng prostate cancer ay ang maya't mayang pag-ihi tuwing gabi. Nahihirapan itong umihi. At matagal na palang iniinda iyon ng daddy niya.
Daig pa ni Merlinda ang pinagsakluban ng langit at lupanang malaman ang sakit ng kanyang ama. At ang masakit, nang mabuwal ang daddy niya ay nabitiwan nito si MJ. Mabuti na lang at nagawa pa ng kanyang ama na protektahan ng kamay ang bata bago tuluyang mawalan ng malay. Gayon pa man ay may dalawang tadyang na nabali sa bata. May bruises din ito sa mukha.
Parang piniga ang puso ni Merlinda nang makita sa ospital ang ayos ng kapatid. Namaga ang mukha nito. Takot na takot siya na baka mas marami pang physical damage ang tinamo ng kapatid kaysa sa initial findings ng mga doktor. Mabuti na lang at pagkatapos ng series of tests, x-ray, CT scan at MRI, ang rib fractures lang ang pinakamalalang injury ni MJ. Ayon sa mga doktor, bukod sa mga gamot para pahupain ang pamamaga sa mga kalamnang bumabalot sa mga tadyang ng kanyang kapatid, pahinga lang daw at maingat na paghawak at pangangalaga ang magpapagaling ng rib fructures ni MJ. Kusa raw na gagaling ang fracture sa pagdaan ng panahon.
Hindi malaman ni Merlinda kung alin sa dalawang pasyente ang uunahin. Parehong nangangailangan ng pagtutok ng pansin ang mga ito. Dagdag pang maraming kinakaharap na problema sa MVS Corporation. She found her hands full. At wala man lang siyang makatuwang. Hindi pa niya nasasabi sa ina ang kalagayan ng ama. Iniinda pa nito ang kaalaman na nag-uwi ng bastardo ang daddy niya. At tiyak na masasaktan na naman ang mommy niya kapag nalaman ang delikadong sakit ng kanyang ama.
Katatapos lang sumailalim ng ama ni Merlinda sa trans urethral resection of the prostate o TURP. Kinailanganitong operahan upang tanggalin ang blockages sa loob ng prostate gland na siyang nagpapahirap sa pag-ihi nito. Tatlong araw itong namalagi sa ospital bago sumailalim sa external-beam radiation treatment. Anim na linggo tatagal ang gamutan. Ayon sa oncolgist nito ay susundan iyon ng hormone therapy. Nananalangin at umaasa siMerlinda na hindi na aabot pa ang ama sa isang radical procedure na gaya ng prostatectomy.
"I'm sorry, anak."
Nagtaas ng tingin si Merlinda. Sumalubong sa kanya ang mangiyak-ngiyak na anyo ng daddy niya. She fought the urge to look away. Sa kabila ng kimkim niyang galit, sa kabila ng mga sama ng loob dito at ng mga pagkakamali at pagkukulang nito ay mahal pa rin niya ang ama. Dito pa rin galing ang kalahati ng kanyang pagkatao. Ama pa rin niya ito. Kailanman ay hindi niya magagawang pabayaan. "Dad..."
"Pinaparusahan na ako ng Diyos sa lahat ng mga kasalanan ko sa inyo ng mommy mo. At ikaw ang nagpapasan ng lahat ng hirap na ibinigay ko sa pamilya natin. Patawarin mo sana ako, Lindy, anak..."
"Dad, please stop turturing yourself. Hindi 'yan makakatulong sa pagpapagaling mo."
Ngunit hindi pa rin ito huminto. "I gave your mother tons of misery. Dapat lang sigurong kaparusahan ito sa akin."
Nakagat ni Merlinda ang labi nang makitang gumulong ang luha sa pisngi ng daddy niya. Gusto niyang punasan iyon. Gusto rin niyang aluin ito. Pero nanatili sa kanyang tagiliran ang kanyang mga kamay. Siya man ay nagpipigil na mapaiyak. "Tell me, Dad... Ano ang pinagmulan ng hindi ninyo pagkakasundo ni Mommy?" mahina ngunit malinaw ang tinig na tanong niya. "Bakit umabot kayo sa punto ng pagtataksil sa kanya kung nagmahalan naman kayo noon?"
"It was all my fault, Lindy. At magsisi man ako ngayon... huli na."
Ibig niyang mainis sa ama. Nararamdaman niyang marami itong inilihim sa kanya. Maging ang kanyangmommy ay ganoon din. "Dad, you used to love Mom so much. Iyon ang naaalala ko noong bata ako. Ano ang nangyari para unti-unting mawala iyon? Ano'ng mga nagbago? I want to know. Parte rin ako ng pamilya natin. May karapatan akong malaman. Lalo na at hindi ninyo ako binigyan ng pagkakataon na makialam sa mga naging desisyon ninyo ni Mommy nang mag-divorce kayo. Kinalimutan ninyo ako."
"Lindy, anak..."
"What, Dad? Bakit hindi ninyo masabi sa akin? I want to know everything. I want to understand. Baka sakaling mawala ang sama ng loob ko sa inyo kapag naintindihan ko."
Nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga. "Naging labis lang siguro akong mapaghanap. Dati noon, noong bata ka pa, sa ating dalawa lang nakatuon ang pansin ng mommy mo. Pero habang nagkakaedad kami, natuon na sa sarili niya ang pansin ni Linda. Sa pagpapaganda. Sa pananatiling bata. Ilang beses akong humiling na mag-anak pa kami. Naisip ko na baka makatulong iyon para mabaling uli ang pansin niya sa atin. Pero ayaw na niya. Mahihirapan na raw siyang manganak. Iba naman ang palagay ko. Ayaw na niyang magkaanak para huwag masira ang magandang katawan niya. Dahil doon, unti-unti, nabawasan ang intimacy naming dalawa. Hanggang sa mamalayan ko na lang na naiinis na ako kapag nakikita ko ang mga pagsisikap niya para lalong magmukhang maganda at bata. Siguro... in a way, nagrebelde ako sa mommy mo kaya nabaling ang pansin ko sa ibang babae." Sumulyap ito sa kanya. "Hindi ko binibigyan ng katwiran ang ginawa kong pagtataksil sa mommy mo, Lindy... Ako talaga ang nagkamali."
"Do you still love her?"
Bahaw ang naging tawa nito. "For what it's worth... I have to admit, I still love your mother."
Pinanlakihan niya ng mga mata ang ama. "Then why did you let her go?"
"Dahil hindi na siya masaya sa akin. Dahil lagi lang niyang maaalala na pinagtaksilan ko siya kung magpapatuloy pa ang pagsasama namin. Dahil gusto kong pareho kaming magkaroon ng katahimikan. Ang paghihiwalay lang ang nakita kong solusyon para matigil na ang madalas na pag-aaway namin ng mommy mo."
Hindi makapaniwala si Merlinda na dahil lamang sa isang hindi naman talaga malalim na dahilan ay nag-ugat at nanganak ng mas malalalang konsekuwensiya ang mga hindi pagkakaunawaan ng kanyang mga magulang. At nang lumala ay naging dahilan para dumagdag pa ang kanilang pamilya sa bilang ng mga wasak na pamilya sa buong mundo. "Pero nasisiguro ko, sa kalagayan mo ngayon, mas gusto mo na nandito si Mommy para damayan ka."
"I miss her," malungkot na pag-amin ng kanyang ama.
"Tatawagan ko si Mommy. Pauuwiin ko siya rito. Mag-usap kayo. And do me a favor. Sabihin mo sa kanya ang mga ipinagtapat mo sa akin, Dad. She needs to know."
Magkahalong takot at pag-aalinlangan ang masasalamin sa mga mata ng kanyangama nang tumingin sa kanya. "Paano kung... hindi siya dumating?"
"Isa lang ang ibig sabihin niyon. Naka-move on na siya. Kaya kailangan mong tapangan ang loob mo, Dad. Kahit man lang para sa amin ni Monty."
BINABASA MO ANG
Insta Groom book 3: Emperor (soon to be published)
RomanceInsta Groom book 3: Emperor By Dawn Igloria