DUMAPA si Merlinda sa ibabaw ng lounge chair upang ibilad sa araw ang kanyang likod. Naroon siya sa kanilang home atrium. Alas-siyete pa lang ng umaga. Bahagya pa lang ang init ng araw sa kanyang balat na lumalagos mula sa fiberglass na bubong. Kapag hindi siyanakakapag-jogging sa labas ay nagsa-sunbathing lang siya sa atrium. Sa isang taong abala na gaya ni Merlinda, batid niyang mahalaga ang bawat minutong magugugol sa pag-eehersisyo o pagbibilad sa pang-umagang araw. Mahalaga ang health benifits na ibinibigay ng araw sa kanyang katawan. Nakatutulong ang vitamin D mulasaaraw para mas maging matibay ang kanyang mga buto at mas maging malakas ang kanyang immune system.
May kalahating oras na siya sa atrium nang makarinig siya ng katok sa pinto. Pinagbilinan niya ang mga katulong na huwag siyang aabalahin tuwing nagsa-sunbathing. Para siya katukin doon ay tiyak na may mahalagang dahilan.
Kinuha ni Merlinda ang kanyang robe. Naisuot na niya iyon nang mabuksan ang pinto. Lumitaw roon ang ama niyang si Montero. May kargang sanggol ang daddy niya na nahihimbing sa bisig nito. "Lindy, do you have a minute?" sabi nito, bakas ang kakulangan ng tulog at pagod sa mukha. Ngayon lang din napansin ni Merlinda na mas pumayat ang daddy niya kaysa dati.
"Yes, Dad."
"I need to talk to you."
"Talk to me about what?" Muling bumalik ang tingin ni Merlinda sa kalong nitong sanggol. Bigla siyang kinabahan. "Kaninong baby 'yang dala n'yo?"
Hindi siya sinagot ng ama. Tumalikod na ito kaya napilitansiyang sumunod. Sa family room nagtungo ang daddy niya. Naupo ito sa sofa kaya napilitan din siyang maupo sa katapat nitong sofa. Oo at guwapo pa rin ang kanyang ama, ngunit parang nadagdagan ng sampung taon ang edad nito;litaw ang mga gatla sa noo. Kahit hindi nakatawa ay halata na rin ang kulubot sa gilid ng mga matangkanyangama. Tinitigan niya ito. Gusto niyang makita ang lahat ng emosyong ililitaw ng mukha nito. Ama niya ito at gusto niyang lagi itong maging matagumpay sa ano mang larangan. Liban lang sa larangang sila ang magkakumpitensiya. Mas gusto ni Merlinda na talunin angamasa balitaktakan, sa katwiran, sa tagisan ng kanilang mga opinyon. Sa anumang bagay. Nakakaramdam siyang satisfaction kapag napapatunayan sa kanyang ama na mas magaling siya rito.
"Dad?" untag ni Merlinda dahil naumid na ang dila nito.
Humugot ito ng malalim na hininga. Kasabay ng pagbuga nito ay nagbaba rin ng tingin. "He's mine."
Kahit nahuhulaan na iyon ni Merlinda ay nabigla pa rin siya. Nagulat pa rin na marinig sa ama ang katotohanan ng kataksilan nito sa mommy niya. Siyam na buwan mula sa pagkabuo ay isinisilang ang isang sanggol. Pitong buwan nang hiwalay ang daddy niya sa kanyang ina. Nakipaghiwalay ang mommy niya sa kanyang ama sa bintang ng pambababae. Bagay na mariing itinatanggi ng daddy niya.
Two months ago, the divorce was final. Siya pa ang nakatanggap ng divorce papers ng mga magulang.
Muntik nang tumaas ang isang sulok ng bibig ni Merlinda. Gusto niyang tuyain ang ama;ipamukha kung gaano ito kasinungaling. Na totoo nga palang taksil ito. Na hindi lang bali-balita na isang kolehiyala ang babae ng daddy niya.
It was a good thing her parents were married in the States. Madali ang proseso ng paghihiwalay. Pero ang legal aspects lamang niyon ang madali,hindi ang emotional. Hanggang ngayon, may mga araw pa rin na tumatawag ang mommy ni Merlinda para lang maghinga sa kanya ng sama ng loob. Ginawa raw ng mommy niya ang lahat para pangalagaan ang relasyon ng mga ito. Pati ang pananatiling maganda at kaakit-akit sa paningin ng daddy niya ay ginawa ng kanyang ina. Ngunit sadya raw gusto ng daddy niya na maghanap ng ibang kaligayahan sa ibang kandungan. At napakasakit para sa kanyangmommy na ganoon lang kadali sa kanyang ama na itapon ang dalawampu't anim na taon ng pagsasama ng mga ito. Kaya naniniwala siya na sa kabila ng matinding galit nito sa daddy niya ay mahal pa rin ang asawa.
BINABASA MO ANG
Insta Groom book 3: Emperor (soon to be published)
RomanceInsta Groom book 3: Emperor By Dawn Igloria