FVCKU8

1.7K 8 0
                                    

Im sorry sa lahat ng nag aabang nang story ko. Sadyang busy lang ako nun eh kaya naman babawi na ako sa inyo. Hindi naman lagi ako mag a- update but i will make sure na may update na mangyayari.

----*-----*------*----*-----*----*-----*----

Chesa's POV

Nagising nalang ako na sa malambot na kama. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng gwapong kasama ko kanina sa kotse.

Maganda itong kwarto. Malinis. Amoy panglalaki. At halata naman sa pinaghalong kulay na black at gray ang kwartong ito.

Hanggang sa napadako ang aking mga mata sa isang hubog ng tao na walang saplot na pangitaas malapit sa terrace.

Biglang umihip ang malamig na hangin kung kaya't nanginig ako at saka bumangon.

Hindi pa man ako nakakalapit ay bigla niya yatang naramdaman ang presensya ko kaya naman lumingon siya sa akin na may ngito sa labi.

"Goodmorning Love" bati niya sa akin. Saka nginitian niya ulit ako.

Ano ba yan. Umagang umaga may pagkain na sa harap ko. Anim na pandesal ang nakikita ko sa tiyan niya at halatang halat-

"Done checking? O hindi pa? Sabihin mo lang para matikman mo at hindi ka na naglalaway jan" sabi niya sa akin. Ano ba yan ! Panira naman ito ng araw.

"Hindi a. Ang kapal mo naman para pagnasahan yang katawan mo." Sabi ko.

Natawa naman siya sa pag uugali ko kaya naman nagkibit balikat nalang siya.

Bigla siyang lumapit sa akin at
.
.
.
.
.
.
..
.
.
Niyakap ako ng mahigpit.

Ang bango niya grabe!.

Isiniksik ko naman ang sarili ko sa kanya kaya naman pati kili kili niya inaamoy ko na rin kaso ganun parin eh. Mabango. Walang pinagbago.

Natawa siya ng mahina sa ginawa. Pero wala akong pakielam doon basta kayakap ko siya. At lalo niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin.

Natauhan ako dahil sa naisip ko sa pangyayari kanina noong nasa kotse kami. Kaya bigla akong humiwalay sa kanya.

"Hey princess what's wrong?" Tanong niya sa akin.

"Naalala ko lang kanina sa kotse. Tinawag mo si mom na tita right?" Tanong ko sa kanya. At ngumiti siya.

"Yeah. Why?" Sabi niya.

"Bakit tita ang tawag mo kay mommy? Di ka naman niya kilala" sabi ko naman sa kanya na nakakunot ang noo ko.

"Kilala ako ng mommy mo at kilala ko siya. Kilala rin kita kaso di mo ako kilala at lalong di mo ako matandaan." Sabi niya sa akin at sabay pat sa ulo ko.

Bigla siyang tumalikod sa akin pagkatapos nun. Kaya ako naman ay naiwan sa terrace na litong lito.

"Love! Mag ayos ka na ng sarili mo at bumaba ka na mamaya kasi kakain na tayo." Hindi na niya ako hinintay na magsalita kasi lumabas na siya sa kwarto.

Nakita ko naman kaagad iyong tuwalya sa may study table niya kaya naman kinuha ko ito at may nakita akong note.

'Princess iyong gagamitin mong damit nasa closet ko. Kunin mo nalang.  I LOVE YOU <3'

Kaya naman lumapit ako sa walk in closet niya at binuksan. Isang dress lang naman ang ipapasuot na sa akin. Kung isusukat ko toh lagpas sa tuhod. Pero ok lang atleast maganda. Hindi tulad nung uniform namin sa school na konti nalang kita na yung mga kalukuwa namin.

Dali dali na akong pumasok sa cr at para maligo.

Uhm. May nakalimutan ako. Uindi ko pa pala alam ang pangalan niya. O baka naman naibigay na niya sa akin kaya nakalimutan ko.

AH BASTA ! Tatanungin ko nalang siya ulit mamaya kapag kakain na kami.


----*-----*------*----*-----*----*-----*----
PLEASE VOTE AND COMMENT!!

follow:

sweet_deviL04
♡♡

I WILL FUCK YOU!! [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon