Chapter 18

1.5K 72 6
                                    

REYNALDO: (knocks on the door) Jose Marie, narito sila Katherine. Kailangan nyo na pag-usapan ang mga detalye sa magaganap na kasal nyo sa susunod na taon.
VICE: Sige po, Papa. Magbibihis lang ako.

Ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. Paano ko mapapagtagpi-tagpi ang mga pangyayari kung may bisita ako?

Nagpalit ako ng matinong damit at saka lumabas ng aking kwarto. Sa aming sala, nakita ko na si Katherine kasama si G. Leandro at iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Teka Pamamanhikan na ba to?
VICE: Magandang hapon po.
LEANDRO: Magandang hapon, Jose Marie. Katherine, ipakilala mo kay Jose Marie ang mga kasama natin.

Tumango lang si Kaye. Pero bilang respeto, binati ko muna sya at bumeso sa kanya. Pagkatapos noon, tumayo na sya at ipinakilala ang kanilang mga kasama.
KAYE: Jose Marie, gusto kong ipakilala sayo ang aking pamilya. Ito si Kristina, ang aking ina. Si Luis, ang aking kuya. Si Kassandra, ang bunso naming kapatid.
VICE: Magandang hapon po sa inyo.

Nagmano ako sa ina ni Kaye at nakipagkamay ako sa mga kapatid nya. Pagkatapos noon, sinabihan kami ni Papa na magpunta na sa garden para mapag-usapan na ang nalalapit na kasal.
VICE: So, anong plano mo sa kasal natin? Anong gusto mong motif? Pwede naman yung simple lang pero ma---

Natigil ako sa pagsasalita nang mapansin kong hindi sumasagot man lang sa akin si Kaye. Tinignan ko sya at abala sya sa pagtetext.
VICE: Paul Jake? Sino yan?
KAYE: Ah! (tago ng phone) Wa Wala. Ano Kak Kaibigan ko. Oo, kaibigan ko.
VICE: Kaye, wag ka na magsinungaling. Nabasa ko ang text nyo sa isat isa. May I love you pa nga eh.
KAYE: (yuko) Im sorry. Ayokong saktan ka, Vice. Ma---
VICE: (iniangat ang mukha ni Kaye) Wag kang magsorry. Wala kang ginagawang mali.
KAYE: Pero parang niloloko lang kita.
VICE: Okay lang. Walang mali sa pagmamahalan nyo. Ang mali ay yung kung ano ang meron satin.
KAYE: Anong ibig mong sabihin?
VICE: Pinipilit lang tayo ng mga magulang natin. Ipinagkasundo nila tayo para sa negosyo, para sa pera. Kaye, makinig ka sakin. Gusto kong pagkagaling nyo mula dito, puntahan mo si Paul Jake. Ipaglaban mo sya sa mga magulang mo. Gusto kong kayo ang magkatuluyan kasi mahal nyo ang isat isa. Pinapalaya na kita.
KAYE: (hugs Vice) Thank you, Vice. Thank you. Pero paano sila Papa? Ang Papa mo?
VICE: Ako na ang bahalang magsabi sa kanila. Wag ka nang mangamba.
KAYE: Paano ka?
VICE: Tulad mo, may iba rin akong mahal. Wala pang namamagitan sa amin pero nakapagpaalam na ako sa kanyang lolo na liligawan ko sya kapag naayos ko na ang lahat ng dapat ayusin.
KAYE: (smiles) Sana makuha mo sya. Masaya ako para sayo.

Grabe ang saya ko nung malaman kong may ibang lalaking mahal si Kaye. Atleast, nakasisiguro akong hindi sya masasaktan sa paghihiwalay namin. At pareho na kaming malaya. Ngayon, ang problema nalang namin ay ang aming pamilya. Bumalik na kami ni Kaye pabalik sa loob ng mansyon.
REYNALDO: Ano na ang napagplanuhan nyo?

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Kaye sa kamay ko. Ako naman ay nag-ipon na ng lakas ng loob. Bahala na kung ano ang mga salitang lumabas sa bibig ko, basta dapat masabi ko ang dapat kong sabihin.
VICE: Wala pong kasalang magaganap.

At tulad ng inaasahan, limang pares ng mga mata ang tumingin sa akin. Lahat sila ay nagulat sa aking sinabi at tila ba nililinaw kung iyon ba talaga ang sinabi ko. Ang aking ama naman ay tinapunan ako ng masamang tingin.
REYNALDO: Anong ibig mong sabihin?
VICE: Wala pong kasalang magaganap. Hindi na po matutuloy ang kasal namin ni Kaye. Sa halip, napagdesisyunan na po naming tapusin ang namamagitan sa amin.
LEANDRO: Nahihibang na ba kayo? Ilang buwan na nating napag-usapan ito!
VICE: Mawalang galang na po, Ginoong Leandro. Kailanman po ay hindi kami sumang-ayon sa kung ano mang napag-usapan ni Papa. Pareho lang po kami ni Katherine na napilitan dahil ito ang gusto nyo.
REYNALDO: Jose Marie, hindi kita pinalaki ng ganyan. Wag kang bastos!
VICE: Talagang hindi nyo po ako pinalaki ng ganito dahil ni isang araw noong bata pa ako, hindi ko kayo nakasama man lang. Kailanman, hindi ko naranasang magkaroon ng ama dahil puro utos ang ibinibigay nyo sakin! Ni minsan po ba, kinamusta nyo ako? Hindi! Kasi puro pera ang nasa isip nyo!

At iyon na nga. Masyadong mabilis ang mga sumunod na kaganapan. Ang kamao ni Papa ay dumapo na sa aking sikmura. Inalalayan naman ako ni Kaye pero agad syang hinila ng kanyang ama.
REYNALDO: Bastos kang bata ka! Yan ang napapala mo sa kakasama sa mga mahihirap sa labas!
VICE: Sabihin nyo na po ang kung ano man ang gusto nyong sabihin. Basta nakapagdesisyon na kami ni Kaye na hindi kami magpapakasal.
LEANDRO: Hindi maaari. Ang pa---
KAYE: Papa, tama na! Kung pipilitin nyo kaming magpakasal, asahan nyong susunod na ako kay ate Katalina!

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Kaye. Bakit may pagsunod syang sinasabi? Nakita ko ang reaksyon ng pamilya nya. Bakas sa kanilang mga mukha ang gulat at ang ina naman nya ay naiyak.
KRISTINA: Leandro, mabuti pa sigurong umalis na tayo. Wag mo nang pilitin si Katherine gaya ng pagpilit na ginawa mo kay Katalina. Ayoko nang mawalan ng anak.
LEANDRO: Halika na. Umalis na tayo. (to Reynaldo) Salamat nalang sa alok mo, Don Reynaldo.

Mabilis na nilisan ng pamilya Abad ang aming mansyon. Galit na galit na naman si Papa sa akin. Akmang susuntukin na naman nya ako ngunit nagulat ako nang makita kong napahinto sya at napatingin sa likuran ko. Kitang-kita ko ang pagkagulat nya at paglabas ng butil-butil na pawis sa kanyang noo.

Lumingon din ako sa likod ngunit wala naman akong nakita. Pero isang bagay ang pumukaw sa aking atensyon: ang mga maputik na footprints. Nandito sya. Nandito sila sa likuran ko at nakikita sila ni Papa.


���N�H��K
--------------------------------------
A/N: Napaaga ang UD ko for Sitio Pulang Lupa. I have to prepare para sa mga susunod na chapters eh.

COLLECTANEA's "Baby part 5" will be posted tomorrow o kaya naman sa Saturday. Basta pag natapos ko na itype.

Let me know your opinions or feedbacks regarding this chapter or the story itself by leaving a comment or tweeting me. Thank you very much

Sitio Pulang Lupa (ViceRylle A/U story)Where stories live. Discover now