"There's no adjective that can express how happy I am. And it's because of him."Sunshine's POV
Parang slow motion ang lahat ng nakikita ko, ang pagtakbo ng mga sasakyan mula sa labas nitong paborito naming Korean Restaurant, ang paglalakad ng mga tao sa may sidewalk at ultimong ang mabining paggalaw ng mga dahon ng mangilan-ngilang punong nakatanim sa tabi ng kalsada.
Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naiisip ang nangyari sa akin kahapon. It was one of the best moments of my entire existence!
Pangalan pa lang nya, Cedric Dave San---
"Jose!"
Napatingin akong bigla sa kung sinuman ang nagsalita sa aking likuran. Walang iba kundi ang aking bestfriend habang pinamemeywangan ako.
She just rolled her eyes sa naging reaction ko at saka naupo sa bakanteng upuan sa tapat ko.
"Best naman, kanina pa akong tawag ng tawag sa cellphone mo para malaman kung saan tayo magkikita. Alam mo bang halos lahat ng pwedeng kainan dito ay napuntahan ko na?! Buti nalang naisipan kong pumunta dito sa Haebyeon Restaurant, tapos ganito kita madadatnan?"
"Huh?" Napatingin na lang ako kay Eden dahil sa mahabang litanya nya.
"Tsk. Sabi na nga ba eh! Makukutusan ko talaga yang si Cedrick San Jose kapag nakita ko yan ulit! Para ka ng timang ng dahil sa kanya. Psh." Reklamo pa nya habang nakataas ang kilay sa akin.
"Best naman. Alam mo namang first time in history yung nangyari kahapon sa akin eh. Kaya please, wag mo nang sirain." Pagpapaawa ko naman sa kanya habang pinagdaop ko pa ang aking mga kamay sa ibabaw ng mesa sa pagitan namin.
Pero sinimangutan nya lang ako at saka ako tinitigan ng mga naniningkit nyang mga mata.
"Gaano ka kasaya?" Tanong nya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Gaano ako kasaya?
Tinitigan ko sya sa mga mata at saka napangiti, "There's no adjective that can express how happy I am. And it's because of him."
Napapikit sya at saka napahinga ng malalim, at saka ako tinitigan ng husto na para bang may mali sa sinabi ko.
"Best?" Hindi pa rin maalis ang aking pagkakangiti kahit hindi ko mabasa kung anong iniisip nya.Napatingin siyang bigla sa ibang direksyon bago muling tumigin sa akin at saka muling napahinga nang malalim, "Fine. As long as masaya ka best."
"Thank you, Eden!" Ngunit hindi natuloy ang akmang pagyakap ko sana sa kanya nang bigla nyang pigilan ang aking mga kamay.
"Hep! Tama na muna ang emote at gutom na ako! Umorder ka na ba?" Pagbabago nya ng topic, sabay iwas ng tingin sa akin.
Napatawa na lang ako sa bestfriend ko. Alam kong ayaw nya lang maging emosyonal ngayon.
"Nakaorder na ako at dahil sobrang saya ko, magpakabusog tayong dalawa ngayon!" Nakangiting sagot ko sa kanya.
"Dapat ba akong mag-thank you ako kay Cedrick personally kasi sya ang dahilan kung bakit ililibre mo ako ngayon?" Nang-aasar na hirit nya nang ibalik ang tingin sa akin.
"Best! No need for that, nakakainis ka talaga." Kunwari ay patampo kong sagot sa kanya.
"Hobby ko na kaya ang inisin ka. Aminin mo na magaling ako." May pataas-taas pa sya ng kilay na nalalaman.
"Oo na." Napapatawa kong sang-ayon sa kanya.
College pa lang ay magbestfriend na kami kaya sa mga sitwasyong ganito, kaya namin sakyan ang gusto ng isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Love Letter
RomanceDave is like a ray of hope. My spring after the coldest winter. Yes, I am not just his ordinary fan.