"Bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga mata nyang tila sa isang anghel, na tinutunaw ako sa tuwing titigan ko."
Sunshine's POV
Nanlumo ako sa aking nabasa sa facebook group page namin, bakit sya pa? Hindi ba pwedeng yung nasa kabilang team na lang? Naiiyak man ipinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa ng isang Sport Article tungkol sa PBA game kagabi.
Hindi ko namalayang nabitawan ko na ang aking cellphone kasabay nang sunod-sunod na pagpatak ng aking mga luha.
Bakit kasi hindi ako nanood ng game nila kagabi? Dapat umuwi na lang ako at hindi na nag-overtime pa.
Nakakainis naman, kung kelan may ganitong pangyayari saka naman ako naging huli sa balita.
Napahinga ako nang malalim at saka ipinikit ang aking mga mata habang nakaupo sa kama.
"Sana ay gumaling ka na Dave."
Yes, I'm calling him Dave kahit na ang nickname nya ay Ced. He is Cedrick Dave San Jose, also known as The Miracle, at #8 ng Maharlika team.
Bakit Dave?
Simple lang, dahil yan ang gusto ng puso ko.
Nang muli kong tingnan ang screen ng aking cellphone ay napailing na lang ako dahil sa dami ng tagged post sa akin ng mga kapwa ko admin sa facebook group namin.
Sumandal ako sa headboard ng kama at saka umayos ng pagkakaupo, ipinatong ang aking baba sa aking mga tuhod at saka yinakap ang aking mga binti.
"Simple lang ang pangarap ko, maging ikaw at ako."
Paanas kong sabi.
"Ang tanging ligaya ko."
Ay si Cedrick Dave San Jose.
Napabuntong-hininga na lamang ako at saka pinahid ang aking mga luha.
Kinuha ko ang aking cellphone at saka binuksan ang aking instagram. Hindi ko muna pinansin ang sabog kong facebook notifications.
Pumili ako ng picture ni Dave mula sa mga inipon ko sa aking gallery. Na karamihan ay mga stolen shots mula sa aking mga kaibigan sa Pusong Maharlika na nakakapanood nang live ng mga laban nila.
"Keep on standing @cedrickD08 and I'll keep on believing."
And I captioned it with that line before pressing the post button.
Kakasimula pa lang ng Commissioner's Cup for this season of PBA. Dave and the rest of Maharlika battled last night against Lumiere Lights para sa unang game ngayong conference. Labang hindi ko pinanood dahil mas pinili kong mag-overtime sa trabaho dahil sa dami ng kailangang kong tapusin.
Nai-shoot ni Dave ang bola sa huling segundo ng fourth quarter na siyang ipinanalo ng team. Ngunit dahil sa mahigpit na depensa ng kalaban sa kanya ay nawalan sya ng balanse pagkatapos nyang mai-shoot ang bola, na naging dahilan kung bakit naging masama ang bagsak ng likod nya. But still, he was announced as the Best Player of the game.
They won the game but unfortunately he is now suffering from a back injury. And it's all over the news.
Hindi ako katulad ng ibang fans na nagagawang silang icheer sa bawat game nila. Ni minsan hindi pa ako nakakagawa ng banner para sa team o para kay Dave. At ang masakit, hindi ko pa sila napapanood ng live.
Hindi naman talaga ako fan ng basketball dati. Ang bestfriend kong si Eden ang syang may hilig dito.
Tanda ko pa dati noong natalo ang Maharlika Stars, nabasa ko lahat ng tweets at facebook statuses nya, kahit hindi nya sabihin sa akin, alam kong nasasaktan si Eden.
BINABASA MO ANG
Love Letter
RomanceDave is like a ray of hope. My spring after the coldest winter. Yes, I am not just his ordinary fan.