Chapter Three

12 0 0
                                    

"What would I do if I had to choose?"

Sunshine's POV

Hapon na nang makauwi ako sa aking unit. Naglakad-lakad pa kami ni Eden, nagkwentuhan dahil halos two weeks din kaming hindi nagkikita.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad akong naupo sa sofa sa maliit kong living area. Ipinikit ang aking mata at inalala ang mga sinabi ni Eden kanina.

Makikita at makikilala ko na si Dave.

Ngunit paano? Sasamahan ba nila ako sa gym kung saan nagpa-practice ang team? Ganon ang ginagawa ng karamihan sa fans ng Maharlika, pero pinapapasok lang sila before and after ng practice.

Si kuya Migs ang alam kong nakakapanood ng practice ng team, malapit din kasi siya sa mga players.

Kapag niyaya ba ako ni Eden na pumunta ng practice, sasama ba ako? Kahit minsan ay hindi ko naiisipang sumama kina Eden dati, dahil na din sa trabaho at sa pagiging mahiyain ko.

Pero hindi pa magagawang magpractice ni Dave sa ngayon, kailangan pa niyang magpagaling. Kumusta na kaya siya ngayon?

Napabuntong-hininga na lang ako.

Nang makatapos akong maglinis ng katawan at handa nang matulog ay saka ko naisipang mag-online. Tumambad sa akin ang madaming notifications mula sa facebook, IG at Twitter. Lumabas din ang chat head ng Pusong Maharlika Admins group chat.

Dahil sa hindi ko alam ang uunahin, pinili kong pindutin ang chat head ng group chat.

Hindi ako nagkamali ng hinala, pinagkakaguluhan pa rin nila ang comment ni Dave sa aking IG post.

Ate Kate: "Finally, online na si Sunshine!"

Michelle: "Babes, for sure hindi ka maka-get over sa comment ni Dave!"

Mac: "Kambal, ang ganda mo talaga! Mana ka sa akin!"

Bernadette: "Hoy, ang gulo nyo! Pero grabe, nakakakilig pa rin 'yon!"

Hindi ko napigilang mapangiti nang mabasa ang mga message nila.

"Akala ko ay ako lang ang hindi pa nakaka-get over. Kayo din pala!"

After sending my reply, tuluyan na akong natawa dahil alam ko na kung saan aabot ang magiging usapan namin. Sigurado akong ipapa-kwento nilang lahat sa akin, simula sa pagpili ko ng picture ni Dave na aking ini-update sa IG hanggang sa pagko-comment nito.

Michelle: "Anong feeling, Babes? Heaven ba?"

Heaven? O masasabing mababaw lang para sa iba? Ang alam ko lang ay napasaya nya ako.

Mac: "Wag nyo nang tanungin! Syempre sa sobrang kilig ni kambal, hindi na magawang magreply!" Na sinundan ng maraming laughing emoji.

Sigurado akong nagtatawanan na sila ngayon. And they will keep on teasing me until next week.

Ate Kate: "Oo nga. Kaloka ka, Sunshine!"

Bernadette: "Sunshine, kailan ulit tayo magkikita? Mas gusto ko yung personal na kwentuhan."

"Maybe, next week? Grabe, hindi ako makaisa sa inyo!" Puro laughing emoji naman ang sunod kong ini-reply sa kanila. Napailing na lang ako habang natatawa, kahit sa chat, ang ingay pa rin nila.

Napakunot ang noo ko ng ang sumunod na message ay mula kay kuya Migs.

Kuya Migs: "Guys, maputol ko ang kasiyahan nyo. For our monthly event sa group, what if magsusulat tayo ng letter about sa favorite player natin? I mean, malapit na din naman ang Valentine's Day. Agree ba kayo? If yes, pag-uusapan natin kung paano."

Hindi ko napigilang mag-isip muna bago sumang-ayon katulad ng ibang admins. Kapag nagsulat ako ng letter for Dave, at kailangang ipost sa group, may chance na mabasa nya 'yon. Alam naming lahat na almost all the Maharlika players are also members of the Pusong Maharlika facebook group.

Nagsimula akong magtype ng isasagot ko. Pumikit muna ako kasabay ng paghinga ko nang malalim bago ko pinindot ang send button.

Sa group chat palang naming mga admin 'yan, ngunit pakiramdam ko ay napagod ako nang sobra sa kakulitan ng mga kaibigan ko.

Letter? More like love letter ang magagawa ko.

Binuhay ko ang aking lampshade, saka tumayo upang patayin ang ibang ilaw sa aking unit.

Bumalik sa aking kama bago piniling i-log out aking account at ipinatong ang aking cellphone sa may side table. Binuksan ang maliit na drawer nito at kinuha ang librong nakalimutan ko nang basahin.

If I Stay ni Gayle Forman, my co-worker highly recommended this book to me.

Sa ngayon ay magbabasa muna ako, dahil alam kong ako pa rin ang magiging topic ng mga kaibigan ko once mag-online ulit ako.


Alas-nuwebe na ng umaga nang magising ako kinabukasan. Mataas na ang araw, at rinig ko na rin ang ingay ng mga sasakyan sa labas. Mas pinili kong mahiga muna.

Sabado ngayon kaya nagawa kong tapusin ang If I Stay. Sabi nga nila, if a book makes you cry, then it's a good book.

It's an excellent read about life or death, making sacrifices, and facing your worst fear.

"Ma, Pa!" Nakangiting wika ko nang sagutin ng aking mga magulang ang video call.

"Makakauwi ka ba agad anak after ng final exam mo?" May paglalambing sa tinig ni Mama.

"We miss so you much, anak." Nakangiting sabi naman ni Papa.

"Miss ko na din po kayo ng sobra." Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Ilang taon na ba ang nakalipas? Bakit tila hindi nababawasan ang sakit? I have been looking for something, for someone to help me ease the pain. I'm trying my best to help myself, pero bakit sa isang iglap ay bumalik ang lahat ng sakit sa akin?

Pakiramdam ko ay dinala ako sa nakaraan ng librong binasa ko.

And just like the main character of the book, what would I do if I had to choose?

It would be the exact opposite of  the book's ending.



Author's Note:

Hello! It's been, how many years? And finally, nagawa ko din! Nagawa ko ding mag-update kahit alam kong hindi ganon kaganda.

Ang mahalaga sa akin ngayon ay, nagawa kong makapagsulat ulit.









Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon