Chapter 2: Gusto Kita

29 7 0
                                    

Chapter 2: Gusto Kita

/Hope's P.O.V/

Tapos na ang klase namin. Half day lang kasi. Pero hanggang ngayon, bumabagabag pa rin sa isip ko yung nangyari kanina.

Paano na yan? Di ko alam kung paano ko aaminin kay Bestie na crush ko si Stephen.... Speaking of...

 "Hope! Nandyan ka pala! Kanina pa kita hinahanap!" Sigaw ni Stephen. 

"A,e ganun ba? Di kasi maganda yung pakiramdam ko ngayon eh." I lied. Umiiwas lang ako. 

 "Hala bakit? May lagnat ka ba? Eh, sakit? Anong meron?" OA na 'to ah! Kaya naman hindi ko napigilang barahin siya.

  "Grabe naman to maka-react! Nanay lang ang peg?"

 "Puro ka talaga kalokohan! Ganto na lang, libre kita. Game?" Sabi niya sabay gulo ng buhok ko. SH1T may kuryente. 

 "G-game!" Shet nauutal ako.

Narrator:Habang nag-lalakad sila Hope at Stephen, Nakasa-lubong nila ang mga babaeng patay na patay kay Stephen. 

"Omg Omg! Pwede ba magpa-picture?" GIRL #1

"Pwede pa-yakap?" Ako lang ang pwedeng yumakap. Choss. Si GIRL #2 yan.

 Maraming babaeng nag-sisigawan:  We Love you Stephen Ramos!

 Ano ba naman yan! Ang dami namang mga babaeng malalandi dito! Hays, nakaka-banas moment ko toh eh panira lang talaga ang peg! Ambisyosa! 

"Girls, please stop it. I'm really sorry. I'm busy with Hope so, Stop." Pagpipigil ni Stephen sa kanila.

 "What?! Anong nagustuhan mo sa babaeng yan?!" Aba't! Pota. Mukha na nga siyang clown dahil sa sorang kapal ng make-up niya. Kung makapal na yung make-up, mas makapal ang mukha niya. =___=

"She is the girl that makes me happy since we are young."

Yiieee nakaka-kilig naman toh! Magising ka sa katotohanan Hope! Di pwedeng maging kayo. Pero teka, ako daw ang nagpapaligaya sa kanya? Tapos may since we we're young pa.

 "Shall we?" Tanong ni Stephen habang nakatingin sa'kin.

  "Sure." Sagot ko. Pero bigla na lang akong nagulat dahil hinawakan ni Stephen ang kamay ko. Juskopo. Baka makasuhan pa kami ng PDA. 

"Kailangan ba talaga neto?" Alanganin kong tanong. Baka kasi makalbo ako ng di oras dahil sa mga fan girls ni Stephen.

"Basta.. I'll just want to keep you safe from those girls."Leche. Kinikilig nanaman ako. May kung anong lumilipad sa loob ng tiyan ko na kumikiliti sa'kin.

Naka-upo na kami sa isang bakanteng lamesa at nagsalita ako.

"May tatanong ako sa'yo Stephen." Lumingon naman si Stephen sa'kin at parang kinakabahan. Bakit kaya?

 "Ano yun?" Kinakabahang tanong ni Stephen.

"Bakit naging Hearthrob ka dito sa Campus?" Nang matanong ko yun, huminga si Stephen ng maluwag.

 "Di ko nga  alam eh. Pagka-pasok na pasok ko lang talaga dito,madaming babae na talaga ang may gusto sa akin." Normal na sabi niya sa'kin.

 "Naman sa gwapo mong yan madami talaga magkaka-gusto sa'yo.. Pati nga ako eh nalalag na." Bigla na lang akong napahawak sa biig ko nang masabi ko yun.

"Ano ulit yun?" Buti na lang.

"Ah wala, ang sabi ko may sasabihin pa ako." Sabi ko sa kanya.

"Geh."-Stephen.

 "Stephen kasi eh, pwede ba kayong maging close ni Cindy?" Sabi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri sa kamay ko.

"Yung Bestie mo?" Tanong ni Stephen sa'kin.

 "Oo eh. Tulungan mo naman akong mapasaya siya oh.May gusto kasi siya sa'yo eh..." Sabi ko nang nakayuko.

"Sorry Hope ah di pwede. Gusto ko, ibibigay ko lahat ng oras ko sa taong mahal ko." Yep. May Point siya.

 "Okay I'll just tell her." Sabay alis ko sa upuan na kinauupuan ko. Aalis na sana ako nang may humawak ng kamay ko. Si Stephen.

"Sandali lang, Hope. May sasabihin lang ako sa'yo." Pagpigil ni Stephen sa'kin.

"Ano yun Stephen?" Naiinip kong tanong. Tumitig siya sa mga mata ko at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Hope kasi, may gusto ako sa'yo simula bata pa tayo. Hanggang ngayon. You light up my life." Leche. Nakakatameme na. Nang makabalik na ako sa katawng lupa ko, sumagot ako.

"A,e bakit ako?" Nagtataka kong tanong.

 "As I said earlier, ikaw yung taong nagpapa-saya  sa akin,nandyan ka pag may problema ako. Pwede ba kitang ligawan?" Grabe. Di ba tinubuan ng hiya sa katawan si Stephen?

"Sorry Stephen ha. Pag-iisipan ko pa." Nahihiya kong sabi.

 "Okay I understand. Can I fetch you later?"

"Okay see you later on." 

Narrator:Hindi alam ni Hope na naka-dungaw si Cindy sa may Cafeteria at nagse-selos. Papayag kaya si Hope na ligawan siya ni Stephen? Abangan ang susunod na kwento sa Chapter 3 ng "Promised Love" 



Promised LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon