Chapter 4: Hidden Desire
/Stephen's P.O.V/
"I Love You Hope Alitheia Calayaan Ramirez!" Wahhh para akong timang sa kwarto ko na sumisigaw ng I love you para kay Hope... Gustong-gusto ko na talaga siyang ligawan pero hanggang ngayon, di ko pa rin nakukuha ang sagot niya. Gwapo naman ako, matalino, mabait, masipag,magalang etc. (A/N:Ang kapal talaga ng mukha netong si Stephen oh! Maka-etc. Wagas!) Miss. Writer naman, pag-bigyan mo naman ako oh.. Hehehe... Makatulog na nga lang.. Itutulog ko nalang toh.
===Hope's P.O.V===
Totoo ba yung sinabi sa'kin ni Stephen kanina? "MAHAL" DAW?! May Gad! Sa dinami-dami ng magagandang babae sa L.O.V.E Academy, ako pa talaga ang nagustohan niya.. Dapat nga nag-didiwang ako ngayon, kasi, may gusto sakin ang "Hearthrob ng L.O.V.E Academy." Kaya lang may sumira sa katahimikan. May kumatatok ng pinto.
"Pasok, bukas yan." Sabi ko. Si Cindy pala yung kumakatok..
"Bestie, bakit ka nandito? Gabi na ah.." Pagtatanong ko.
"Syempre gusto kitang kasama Bestie. Bakit pinapaalis mo ba ko?" Nagtatampo niyang sabi.
"Syempre hindi naman sa ganun Bestie. Nag-aalala lang naman ako kasi baka hindi maging on-time yung pag-Beauty Rest mo." Kapag kasi nag-oover night ako sa kanila, lagi siyang maagang natutulog kasi kailangan niya daw ng Beauty Rest.
"Ah hindi okay lang yun Bestie. Hindi naman ako mamamatay pag walang Beauty Rest hindi ba?" Pag-papalag niya.
"*Kumatok ako sa may ilalim ng kama ko* Bestie naman eh, wag ka nga mag-salita ng ganyan! Kinakabahan ako sa sinasabi mo eh!"Kinakabahan kong sabi.
"Oh okay Bestie. I just want naman to patawa you eh." Hayyyy naku! Nagiging conyo nanaman si Cindy...
"Ah, basta, wag mo nalang uulitin okay? Matulog na tayo baka ma-late pa tayo bukas." Pahiga niya ko nang biglang tinanong niya ang hindi kong inaasahan na tanong.
"Bestie, tell me the truth ha.. May gusto ka ba kay Stephen?" What the Heck??? Paano na to anong sasagutin ko? Wahhh! Tumutulo na yung pawis ko kahit naka-bukas naman yung aircon ng kwarto ko..
"Bestie... Ah,e.."Huminga ako ng malalim.
"Oo Bestie eh. I'm really sorry." Napayuko ako. Nang bigla kong naramdaman na may humawak sa baba ko at tinaas.
"That's okay naman Bestie eh.. At least, you said the truth to me. And by the way, you and Stephen, were a great pair!" Natural na nagulat ako at nanlaki ang mata ko dun. Ano daw ulit? Me and Stephen were a 'Great Pair'???? Nanaginip ba ako? Kung panaginip nga eto, sana di na ko magising.
"Cindy, nanaginip ba ko?" Pag-tatanong ko.
"No you're not dreaming my dear..." Pag-sagot niya sa tanong ko. "Bestie, kung sabihin ko sa'yong, nag-paalam sa'kin si Stephen para ligawan ako, papayag ka ba? Tanong ko.
"Yes na yes!" Sagot niya.
"Okay. I'll just tell to my parents na liligawan ako ni Stephen. And thank you for answering my question."
"You're welcome:)" Sabi niya. "Let's just sleep Bestie. Good Night!" Sabi ko. "Goodnight din Bestie. Sweet Dreams!"
Kinabukasan....
Di ko na naabutan si Betie sa kwarto ko. Kaya naisipan kong tawagan siya. Then later on, she answered the call. "Hello Bestie, nasa bahay niyo ka ba?" Pangangamusta ko.
[Ah oo Bestie. Sorry kung di ako nag-paalam sa'yo ah... Kailangan ko na kasi mag-handa kasi papasok tayo sa L.O.V.E Academy eh.] Sagot nya.
"Ah cge, mamaya nalang ulit tayo mag-usap ha. Ako din kasi mag-hahanda pa eh. Geh bye na ah." Sabi ko.
[Geh Bye!]
I-nend call ko na.Then naligo at nag-tooth brush. Nag-bihis na ako at bumaba ng hagdan.
"Good Morning!" Nandun pa sila mama,papa, Ate Czarina(A/N:Czarina is pronounced "Sizarina" ) at si Daniel ang bunso kong kapatid. Binati din nila ako ng "Good Morning!" Kaya ngumiti nalang ako. Tinawag ko nalang si mama at papa para pag-usapan yung tungkol kay Stephen.
"Anak, ano ba yung pag-uusapan natin at mukha pang seryosong usapan to?" Tanong ni mama.
"Mama, nagpapa-alam po kasi si Stephen para manligaw eh..." Sabi ko.
"Diba dapat si Stephen ang nagpapa-alam sa'min?" Sabi ni papa
"Pa, di ko nga din po alam kung bakit po siya nag-paalam sa inyo po eh." Sagot ko.
"Waaahhhhh! Dalaga ka na anak! May nanliligaw na sa'yo at si Stephen pa talaga! Congrats!" Sabi ni mama at tuwang-tuwa pa talaga. Dati pa kasi ako pini-pwersa ni mama na magka-boyfriend eh. Pero ayaw ko naman kasi gustong-gusto ko talaga mag-aral nun at maging Biologist. Pero di ko nga rin alam kung bakit nahilig ako sa usapang love eh... "
"Nak, gusto mo bang manligaw sa'yo si Stephen? Kung papayag ka, papayag din kami ng mama mo." Tanong ni papa.
"G-gusto ko p-po." Aaminin ko may 'Hidden Desire' talaga ako kay Stephen dati eh. Ang-cool-cool nya kasi. Mga problema para sakanya, sini-sisiw lang nya.
And I really want to be the one of the part of his life.
BINABASA MO ANG
Promised Love
Teen FictionHope and Stephen's love story. May pangakong pingako ni Stephen kay Hope. Ang pagmamahal nito. Matutupad kaya ni Stephen ang pangako niya kay Hope? Written by: PenielusiX