ALEXA'S POV
"Good job Alex! More! Kick then jab! Jab jab jab, punch harder Alex! Duck! Finish it with a kick! Aaand we're done! Great job!" Nakarinig ako ng mga palakpak mula sa labas ng ring. Lumabas ako ng ring kasabay ng head trainer dito.
"Thanks Archie, next time uli. Mag firing lang ako sa next session." Sabi ko habang inabutan ako ng bottled water. Nang maubos ko yun, tinanggal ko na yung hand wrap at pumunta sa locker at shower area ng gym. Nandun kasi gamit ko. Naabutan ko sila Sharlene na tapos na maligo.
"Nagextend ka pa kasi, batak na batak ha." Natatawang sabi niya.
"Onga Alex, chill ka lang naman. Hahaha!" Dagdag ni Alliyah na nagsusuklay sa tapat ng salamin. Nginitian ko sila.
"I missed this you know. Ang tagal ko rin hindi nakabalik." Umiling nalang sila at nagpatuloy sa ginagawa. Niligpit ko na mga gamit ko at inayos na ang damit na susuotin ko.
"Shower lang ako. Wait for me."
Pagtapos magshower ay sinuot na ang black Nike sports bra, grey sweatpants at nagjacket ako na white na may malaking check ng Nike sa likod. Kasabay nun ay ang all black airmax ko.
"Lets go girls." Yaya ko sakanila.
"Wanna grab some coffee? Sunduin natin Mika, nasa may flower shop daw siya." Sabi ni Alliyah.
"Yeah sure." Sagot ko.
Sinundo kami ng driver ni Sharlene. Dinaanan namin si Mika sa flower shop nila. Siyempre bumaba kami, andun daw si tita.
"Hi tita!" Masiglang bati ni Sharlene sa mommy ni Mika. Nagbeso beso kaming tatlo.
"Hi girls! Oh? Susunduin nyo na ba si Mika? Teka tawagin ko sya-- ay! Ayan na pala eh! Mika, sila Sharlene andito na!" Sabi ni tita.
"Hala andito na pala kayo. Saglit lang kuhanin ko lang bag ko sa may bodega!" Natatarantang sabi ni Mika.
"Oh pano girls una na ko sa loob." Nakangiting sabi ng mommy ni Mika samin. Tumango kami at nagantay sa labas.
Pinagmasdan ko lahat ng mga bulaklak sa labas ng shop nila na nakadisplay. Lahat sila brightly colored. Pink, white, yellow, green, blue, purple, red, orange-- name all the bright colors! And sa pinakagilid, may naiiba. Its dark colored, dark red na dark purple with halo ng black. Black Irises.
"Its beautiful" Bulong ko. Lalapitan ko sana.
"Tara na guys!" Pagaya ni Mika nang makalabas ng shop. Napatingin ako sakanya. Tumango ako. Nagsimula na kami maglakad pabalik sa SUV nang mabalik tingin ko sa pwesto ng flower kanina. Biglang nagtaasan balahibo ko nang makita kong wala na doon ang bulaklak. Wala naman pumasok sa tindahan para magbayad.
"What's wrong Alex?" Sabi ni Alliyah sakin. Ngayon ko lang sila napansin na nakapasok na pala sa kotse. Ako nalang nakatayo sa labas habang nakatingin sa pwesto ng mga bulaklak.
"Sakay na!" Sabi ni Shar. Sumakay na ako at umupo sa tabi nilang tatlo.
"Nawala kasi bigla yung tinitignan ko bulaklak don. Yung Black Irises" Turo ko mula sa loob ng kotse, di pa naman kami umaandar.
"Ha? Eh wala namang ganun dun sa section na yun. Puro brightly colored dun. Yung mga dark nasa kabila. Pero wala kaming Black Irises. Hindi naman season eh. Baka namamalik mata ka lang!" Explain sa akin ni Mika. Hindi pwede! Kitang kita ko! Andun yun! Pero hindi na ako nagpaapekto pa. Sigurado ako sa nakita ko kaya nagshrug nalang ako at nagsalpak ng earphones sa tenga habang papuntang coffee shop.
Nakatingin lang ako sa bintana habang umaandar. Nang nasa may stop light, may nakita akong Black Irises na hawak ng isang bata. Ang sagwa tignan, ang gamda ng kulay ng damit ng bata, dilaw at ang ganda ng mga ngiti nya. Hindi bagay sakanya ang black irises na hawak nya. Masyadong nakakakilabot tignan. Kala ko ba di season nun.
"Tignan nyo yung bata, hindi bagay yung hawak nyang flower sakanya. Masyadong dull." Sabi ko nang umandar yung kotse. Sabay sabay silang tumingin sa likod na salamin ng kotse dahil umandar na nga kami.
"Bagay kaya yung sunflower sa dress nya! Anong dull don?" Nagtatakang tanong ni Sharlene. Anong sunflower?! Tinignan ko na rin at nakita, oo nga sunflower ang hawak ng bata. Pero..
"Pero kanina Black Irises yun!" Bulyaw ko sa tatlo.
"Ano bang nangyayari sayo Alex? Kanina pa puro Black Irises sinasabi mo. Eh kitang kita sunflower yun!"
"Promise nakita ko! Black Irises yun! Promise talaga!" Depensa ko. Umiling nalang sila at bumalik na sa ginagawa kanina. Great ngayon baliw na iniisip nila sakin.
What does that flower means? Bakit ganun ang nakikita ko. Naputol pagiisip ko nang may nagtext sakin.
From: Ate Juls
They're back. The Jimenez's are back.•》•》•》•》•》•》
Im also back... again... HAHAHAHAHA CHAROT. Short update! Because i miss yall hihi mwa. Andddd sino kaya mga Jimenez at ano kaya ibigsabihin ng flower na yun. Hmmm... WATCH OUT! See you guys on the next chapter! Love lots!
Next update: Monday or Tuesday!
