one shot!

30 0 0
                                    

Noong nasa elementary pa lang ako, grade 4 to be exact, may crush na crush akong classmate na lalaki. Kapatid siya ng bestfriend ko. Ang cute kasi niya tapos ang neat din niya tingnan kahit naglalaro siya. Siya yung ultimate crush ko nung time na yun. Nung nasa grade 5 hangang grade 6 na kami, magkaklase pa rin kami. At lagi kami tinutukso ng mga classmates namin kasi crush din daw niya ako. Akalain nyo yun, crush ako ng crush ko. Sino bang hindi kikiligin. Kahit mga bata pa kami, ang sweet niya. Lagi siyang nakasunod sa'kin at nagpapapansin. Kung minsan nga kung anu-ano nalang pinanggagawa niya, minsan tinutukso niya ako, kinukulit. Ang saya lang sa pakiramdam. Kung pwede nga na magiging boyfriend ko siya ng mga panahong yun. Pero syempre hindi pa pwede kasi ang bata bata pa namin. Nagiging mas memorable ang elementary days ko ng dahil sa kanya. May malaki talaga siyang parte sa buhay ko.

Nung nag-highschool na kami, nagkahiwalay na kami ng school. Sa isang public highschool kasi ako pinag-aral ng parents ko habang siya naman sa isang private school. Minsan ko nalang siya makita. Pero alam nyo kahit ganun, siya pa rin ang nag-iisang crush ko. Siya pa rin ang pinapangarap ko. Pero syempre hindi ko pinapahalata sa kanya na crush ko siya. Sa tuwing magkikita kami, parang barkada lang ang turingan. Masaya na naman ako, makita ko lang siya.

Pero hindi ko akalain na darating ang panahon na masasaktan ako. Crush ko lang naman siya diba? Pero ang sakit talaga eh nang malaman ko na may girlfriend na siya. Parang gumuho ang mundo ko. Ang matindi pa, schoolmate ko pa ang gf niya. Tapos pinagbintangan pa ako ng gf niya na naninira ng relasyon nila. Haler! Kahit naman gusto ko siya, hindi naman ako ganun ka babaw na susulat at aawayin ang gf niya. Pero mabuti nalang pinagtanggol niya ako, hindi siya naniniwala na ako ang naninira sa kanila. Pero syempre masakit pa rin.

Alam nyo simula nun, lagi nalang akong nasasaktan. Kasi naman, lagi nalang iba ang nililigawan niya at nagiging girlfriend. Bakit hindi nalang ako? May mali ba sa'kin? Crush din naman niya ako dati pero bakit nawala? Aaminin ko, pumangit talaga ako nung high school ako. Ang dami kong pimples, ang itim ko pa. Siguro yun ang dahilan? Ganun ba talaga ang mga lalaki? Naghahanap ng maganda, maputi, at sexy?

Noong nasa college na kami, mas lalo na kaming hindi nagkita at nagkanya kanya na. Busy siya sa pagiging architecture student at sa pagbabanda habang ako busy rin sa pag-aaral sa ibang university. Pero kahit ganun, hindi pa rin siya nawala sa puso at isip ko. Sa tuwing may makikipaglapit sa'king lalaki, siya ang nagiging pamantayan ko. Kinukumpara ko ang ibang lalaki sa kanya. At sa tuwina, siya lage ang una. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya or isang simpleng crush pa rin ang nararamdaman ko. Ilang taon na rin naman kasi.

May mga kung anu-ano din akong pinanggagawa para mapalapit sa kanya. Para na nga akong sira. Pumayag ako makipagtextmate sa isang barkada niya para lang mapalapit sa kanya. Sumama ako sa inuman nila para makasama ko siya. Nagfoforward din ako ng mga jokes sa kanya para lang maka-text ko siya. Pag naiisip ko ang mga pinanggagawa ko, natatawa at nahihiya ako sa sarili ko. Ang tanga ko pala dati. Nagpapapansin pa rin ako kahit alam ko na may girlfriend siya at hindi talaga pwede maging kami. Hangang kaibigan lang talaga ako sa kanya. Kumbaga, na-friendzone ako. Saklap.

Ang hindi ko inaasahan, darating pala ang araw na pinakahihintay ko. Noong sa Leyte pa ako nagtrabaho, nagkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero sa text lang naman. Para kasi akong sinaniban ng time na yun. Nawala ang hiya ko sa katawan at gorabelles lang ang peg ko. Hindi ko rin naman inakala na sasabihin din niya na gusto daw niya ako. Kaya ayun, naging kami ng ganun kabilis. Pero grabe, ang saya saya ko ng mga panahon na yun. Kahit hindi naman kami nagkikita, kasi ako nasa Leyte tapos siya nasa probinsya namin, kontento at masaya ako sa buhay ko na andyan siya. Halos everyday kami nagtatawagan o kaya naman nag.tetext.

Pero lahat ng bagay may katapusan. Lahat ng masasaya, nagiging malungkot. Ang mundong minsang puno ng kulay nagiging dry at nawalan ng buhay. Naging ganyan ako nung hiniwalayan ko siya. Yes! Ako ang nakipaghiwalay, pero ako din ang mas nasasaktan. Kahit masakit, pinakawalan ko siya. Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan. Alam ko naman na may girlfriend siya pero sumige pa rin ako. Oo na. Ang tanga ko. Sobrang tanga ko. Gusto ko lang naman kasi maramdaman kung pano mahalin ng taong mahal ko. Sabi rin naman kasi niya na ako ang pipiliin niya. Pero hindi rin naman nangyari. Ayoko na rin na maging pangalawa, second choice kung wala ang una. Kaya sabi ko sa sarili ko na tigilan na. Wala din naman patutungohan. Masakit man na pakawalan siya pero mas masakit kung ipipilit ko pa rin ang sarili ko sa kanya. Mas masakit yung itatago ka lang. Yung feeling na wala kang halaga at kahit kailan hindi niya ipapaalam sa mundo na nag-eexist ka sa buhay niya.

Akala ko ng hiwalayan ko siya magiging maayos na ang lahat. Akala ko magiging okay na sila ng girlfriend niya pero hindi pala. Nung naghiwalay kami pinatulan niya naman ang kaibigan ng kapatid niya. Saan ang hustisya dun? Pinakawalan ko siya, sinaktan ko ang sarili ko para lang maging maayos sila ng girlfriend niya tapos maghahanap rin pala siya ng iba? Grabe! Gumuho talaga ang mundo ko nung nalaman ko. Napunta lang pala sa wala ang sakripisyo ko. Sana pala hindi ko siya pinakawalan. Sobrang nakakainis siya. Hindi ko akalain na ganun siya. Gusto kong magalit sa kanya pero hindi magawa ng letseng puso ko.

Worst comes to worst, hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila ng original girlfriend niya at naghiwalay sila. At ang hinayupak na lalaking yun, sobrang devastated. Sa'kin palaging nagtetext na kesyo ang sakit sakit daw ng nararamdaman niya dahil hiniwalayan siya. Hindi daw niya kaya na maghiwalay sila. Gusto na daw niyang mamatay. At ako namang si tanga, kinocomfort siya. Ako pa talaga ang palaging nagsasabi na magiging okay ang lahat wag lang niya maisipang magpakamatay. Para akong naging pain absorber niya. Hindi man lang din niya naisip na hindi pa ako nakakamove on sa kanya. Yung sakit na nararamdaman ko nadagdagan pa. Mabuti siya nailabas niya yung mga nararamdaman niya pero ako wala akong mapagsabihan. Sinarili ko lahat ng sakit. Mabuti nga hindi ako nagkasakit sa puso ng dahil sa kanya.

Sa wakas, dumating din naman ang punto na nabagok ako at natauhan. Sinabi kasi ng bestfriend ko na may relasyon talaga ang kapatid niya at kaibigan niya. Hindi kasi niya inaamin sakin ang relasyon nila kahit ilang beses kung tinanong. Kaya nung nalaman ko yan at pati na rin ang pakikipagbalikan niya sa ex niya at ang mga pinagsasabi niya tungkol sakin at sa current girlfriend niya, natauhan na ako. Galit na galit ako sa kanya. Wala siyang karapatang saktan ako ng sobra-sobra. Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para durugin niya lang. Hindi ko matanggap ang sinabi niya na pinaglalaruan niya lang ako at ginamit. Sobrang nakakasakit lang ng damdamin na yung taong minahal ko at pinahalagahan, yun din ang taong maglulugmok sa'kin.

Simula nun, binura ko na ang cp# niya sa phone ko. Good thing hindi ako magaling sa numbers kaya hindi ko memoryado ang # niya. Pati sa facebook, binablock ko siya at ang kanyang gf. Umalis ako sa'min at nagtrabaho sa ibang lugar. Malayo sa kanya at sa lugar na makapagpapaalala sa'kin ng tungkol sa aming dalawa. Gusto ko ng mag-move on, kalimutan siya, at mag-let go sa mga bagay at tao na nagbibigay pasakit sa'kin.

Lumipas ang dalawang taon, nagtagumpay naman ako sa pagmomove on ko. Surprisingly, hindi ko na siya naiisip at hindi na rin ako apektado. Masaya ako sa buhay ko at kuntento kung ano man ang meron ako. May dumating din na bagong lalaki sa buhay ko. Kaibigan siya ng isa ko pang bestfriend. Nung una naming pagkikita, ang gaan na ng loob ko sa kanya. May sense of humor din siya. Lagi niya akong napapatawa kaya di nagtagal nahulog na rin ang loob ko sa kanya at naging kami nga. Pinagdasal ko sa Dios na sana siya na talaga pero siguro nga not meant to be. Iniwan niya nalang ako bigla. Bigla nalang siyang nawala na parang bula. Hindi man lang nagpaalam. Bigla nalang siyang hindi nagparamdam. Hindi ko na siya ma-contact pa. Ang mas masaklap pa, iniwan niya ako nung mga panahon na kailangang-kailangan ko siya. Nung mga panahong kailangan ko ng karamay at masasandalan. Yung magsasabi sa'kin na magiging okay ang lahat, na wala dapat akong ikatakot, na gagaling din ako. Pero wala. Wala na siya. Umalis na siya.

Mas masakit pala kapag iniwan ka nalang ng walang dahilan. Hindi ko alam kung may kasalanan ba ako. Kung may nagawa ba akong mali. Ang daming tanong sa utak ko. Walang closure. Gustuhin ko mang marinig ang explaination niya pero siya mismo ayaw ibigay sa'kin. Hindi na siya nag-rereply sa mga messages ko. Hindi ko na rin ma-contact ang phone niya. Napagdesisyonan ko na, hindi na rin siya gagambalain pa kahit kailan. Ayoko rin naman ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Kung ayaw na niya sa'kin, hindi ko ipipilit ang sarili ko. Kailangan ko na siyang kalimutan.

Nakapag-move on din naman ako sa kanya. Pero hindi ko akalain na yung ginawa niya nag-iwan pala ng takot sa puso ko. Takot na akong magtiwala at mag-commit. Natatakot ako na baka iiwan na naman ako. Natatakot ako na walang magmamahal sa'kin ng seryoso.

Minsan nga, tinanong ko si God kung bakit palagi nalang akong nasasaktan. Palagi nalang naiiwan. Hindi ba pwedeng maging masaya naman ang lovelife ko?

Lagi ko ngang naiisip, may darating pa kaya sa buhay ko na lalaking magmamahal sa'kin ng totoo? Yung lalaking hindi ako sasaktan at iiwan?

Shattered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon