Vanadium
Nang nakatulog na si Krypton ba yon?
Dinala agad namin sya sa lugar namin
Sa Devil Land
Agad namin syang tinago sa kwarto ko nang nakarating na kami sa lugar.
"Wala ka bang planong ipaalam sa Dark God tungkol sa nilalang nato?" Naaasar na sabi ni Gold
"Wala ka rin bang balak na alamin ang sariling ugali mo? Yung palaging mainipin?" walang gana kong tugon
Aba't inirapan ako ah!
Mas magaling pa mang irap kaysa babae
"Obserbahan muna natin sya, baka kung ano ang matulong nya satin" sabi ko
"Tsk, kung ako sayo, ulam na natin yan"
"Tahimik, may kakaiba akong nararamdan sa lalaking to. Hindi sya isang normal na tao"
"Okay, teka, mag huhunting muna ako para may makain tayo, ihahatid ko lang dito ang sayo."
Tumango nalang ako.
Kaming dalawa nalang ang natira dito.
Nagmamasid ako sa kanya nang, napunta ang paningin ko sa mukha niya.
Hindi na rin masama. Gwapo, ang tataas ng eyelashes, tangos ng ilong, ang pula ng labi.
Teka--- ba't ko ba siya pinagmamasdan. Tsk. Masama to, first time kong naglalarawan sa isang lalake
Sa di ko mapigilan ang kakulitan ko, hahawakan ko na sana ang mukha nya ng hinawakan nya ng mariin ang braso at pinilipit yun at bumalikwas na sya ng bangon
Ang sakit. Pero di ko pinaakita sa kanya ang emosyon ko.
"Anong ginagawa mo? nasaan ako?" Sunod sunod na tanong ni Krypton
"N-nandito ka sa kwarto ko. May angal?"
Tsk. Wrong move. Mali ata ang pagkakasabi ko
Ngumisi sya ng nakakaloko
"Hahaha! May pagnanasa ka ba sakin?"
Nanlaki ang mata ko. Akmang sasampalin ko na sya ng biglang nging yelo ang kamay ko.
Di nako nabigla sa kapangyarihan niya.
"Huwag mong gagawin yan, masakit kaya yan." Sabi niya
Inirapan ko nalang sya.
"Ibalik mo ang kamay ko"
At binalik nya naman.
Lumapit sya sakin. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Parang gusto nitong lumuwa sa katawan ko. Ang lapit lapit ni Krypton. Pero, tinitignan ko nalamang sya ng walang ganang tingin. Sanay naman akong magtago ng emosyon.
Ilang pulgada nalang, at kung gagalaw man ko eh, mag lalapat na talaga ang mga labi namin kaya natatali akong nakatayo.
Anong klaseng utak ba ang mayroon nitong lalakeng to?
Krypton
nilapitan ko sya. Yung lapit na lapit talaga, tsk, mukhang wala lang sakanya yung paglapit ko.
Nadismaya ako. Ang gwapo gwapo ko tapos ang ganda niya, edi perfect combination. Pero, ni katiting, hindi sya apektado sakin kahit ang lapit na namin.
inalala ko ang nangyari sakin kanina, ang huli kong nakita ay mga pangil na nagsilabasan sa mga bibig nila.
Hinawakan ko ang gilid ng labi ni Vanadium. Napataas ang sulok ng labi ko. nagiging apektado na sya.
Itinaas ko ang labi niya para makita ang mga ngipin niya. ayun! May butas na maliit. Dun galing ang pangil nila. Napataas naman ang sulok ng labi ko.
at halatang ngulat si vanadium sa ginawa ko kaya binalikwas niya ang kamay ko, at akmang kakagatin niya na ako. Ng bigla ko siyang ginawang yelo.
At dahil sa kapangyarihan niyang sobrang lakas eh, nasira niya ang ice maker na ginawa ko.
akmang susugurin niya na ako nang gumawa ako ng ice shield, ayun, nabangga sya, pfft ang epic ng mukha niya ng nabangga sya sa ice shield ko.
At dahil sa lakas ng pagsugod niya, nagkaroon ng kaunting crack ang ice shield ko. Tumayo sya sa naroonan niya ng biglang bumukas ang pinto.
"Uy vany------ anong nangyari sa kwarto mo?!"
Nagtakip kami ng tenga, ang lakas ng tinig niya.
Kinuha niya si Vanadium at inalalayan sa likod niya habang naka harap sya sakin
"Ako muna ang kakalabanin mo, bago sya."
"Tapos na ang laban namin. Late ka na. Better luck next time pare"
Susuntukin niya na ako ng pinigilan sya ni Vanadium
"Wag mong balakin, magiging yelo ka lang" ani niya. Sabay talikod at naglakad palayo. Sumunod naman si Gold sa kanya.
Tsk ang bobo. Hindi nila nilock ang pinto. Kaya lumabas ako, nagiging maingat ako, baka may makasalubong akong bampira, napakarami pa naman nila.
"Bumalik ka na sa Dark Land, gawin mong yelo ang paligid"
Utos ng Black Magic God. Tss. Parang mahihirapan akong gawin tong yelo ah. ang laki ng lugar nato. Pero ginamit ko ang buong lakas ko upang gawing yelo ang paligid. Nagtagumpay naman ako.
Ngayon ay uuwi na ako sa Dark Land.

BINABASA MO ANG
Dark Powers
FantasyA fantasy story about rivalry of darkness and magic Prince, Princess, Gods, Lords, Magics, Blood and War. Vampires in the Devil Land Wizards in the Dark Land They are all evils, no mercy and mysterious one. Even the wizards used their powers to k...