Chapter 4

9 0 1
                                    

Krypton

Nang nakauwi na ako ay naging seryoso ang mukha ko.

"Pumunta ka sa Dark Tower"

Ginamit ko ang kapangyarihan kong gumawa ng elevator. Ang taas kaya nun. 600 floors kaya yun. Ano yun? Lalakarin ko lang?

Nang makarating ako, pumunta agad ako sa Kwarto ng Black magic god.

"Kumusta ang paglalakbay sa Devil Land?" Ani niya

"Okay lang naman" walang gana kong tugon.

Nang bigla niyang hinampas ang mesa ng sobrang lakas, kaya nagulat ako.

"Diba sinabi ko sayo! Huwag na huwag kang pumunta sa Devil Land!!"
halos magkabiyak biyak na ang kwarto niya dahil sa lakas ng tinig niya.

"Hindi ako ang kusang pumunta don, dinala ako ng mga bampira don"

"Alam ko, bakit di mo sila pinigilan?! Dapat pinatay mo na sila!"

"Alam mo nanaman pala eh, nagtanong ka pa"

Sabi ko sabay talikod at naglakad papalayo.

Malapit na ako sa pintuan nang, hindi na ako makahinga.

"Death" mahinang tugon niya.

"h-hindi a-ako maka h-hinga"

"Papatayin kita!"

Itinaas ko ang kamay ko at gumawa ng nine headed ice dragon para sumugod sa kanya.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil, nabitawan na niya ang mga salitang maaaring makapatay sa akin.

"Death" pagkasabi niya, namatay bigla ang nine headed ice dragon ko.

"Pasalamat ka, mahal ka ng Black Magic Goddess"

Sabay sara ng pinto gamit ang mga salitang nakapagkontrol sa pintuan.

Black Magic Goddess, sya ang asawa ng Black magic god. bata pa naman sila, magkapare pareho lamang ang edad namin.

At dahil sa gwapo ako, nagkagusto ang black magic goddess sa akin. At dahil dun, naging matinding kaaway ko ang black magic god. Pinagtangkaan niya ang buhay ko. Ngunit nung nalaman ng black magic goddess ang ginawa ng kanyang asawa ay nag away sila.

Mahal na mahal ng black magic god ang goddess, ngunit ni kalahati eh, hindi niya yon nasuklian dahil ako ang mahal niya. Oh diba? Ang gwapo ko talaga.

Ginagamit ko ang black magic goddess laban sa asawa niya, maaaring maipahamak ko ang buhay ko dahil dun ngunit alam ko ng hindi ako matitibag dahil kampi ko ang black magic goddess.

Napatigil ako sa pag iisip nang nasagi sa isipan ko si vanadium.

Ang ganda niya. Lalo na't naging kulay pula ang mata at may lumalabas na pangil sa bibig niya.

Tsk. Kumusta na kaya sila?

Vanadium

Pabalik na ako sa kwarto upang bigyan ng makakain si Krypton.

Bukas ang pinto. Nagmadali akong pumasok at tama ang hinala ko, nakawala si Krypton.

"Shit!" Napamura ako ng mahina

"Gold!! Gold!"

"Ano? Bakit? may nangyari bang masama? "

Napasapak nalang ako sa noo ko.

"Si Krypton nawawala"

"Patay! Nasabi ko pa naman sa Dark God ang tungkol sa nila-----"

"Ano?!!!"

Nanlaki ang mata niya at nagtakip ng bibig.

"Hehe, ang sabi ko wala---"

"Shit, pahamak ka talaga Gold!"

Pinagpapawisan na kami. Pano na to? Shit, alam pa naman iyon ng dark god. Sigurado akong papahanipin niya yung wizard na yon.

Biglang tumunog ang bell, palatandaan na may masamang nangyari. Shit, siguro kagagawan to ni Krypton.

Pumunta na kami ni Gold sa Vampire's Colliseum.

Pagdating namin dun, natahimik ang mga bampira. At tumingin sa direksyon namin.

"Patay" bulong sakin ni Gold..

" Everyone, nandito na ang traydor nating kasama, Si Lady Vanadium at si Lord Gold. Sila ang nagpapasok sa wizard na yon dito nang hindi natin alam. May binabalak silang masama laban sa kapwa nila bampira" sabi ni Lady Clarkissa, sya ang ikatlo sa pinakatataas na rango sa mga bampira. Sya'y isang vampire illusioner.

Napanganga kami ni Gold. What?!

"Diba ang sabi mo, alam to ng Dark God?" Tanong ko kay gold

"Hehe, nagalit ang Dark God sakin eh, kaya ayun sinabi kong joke. Kaya hindi niya naipaalam sa ibang bampira"

Napasapak na namn ako sa noo ko, ang bobo talaga ni Gold.

Nakita ko kung pano naging pula ang mg mata nila kasabay ang paglabas ng mga pangil nila.

Patay kami ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon