Chapter 2

16 0 0
                                    

Vanadium Hiroshima

Tsk. Nakakatamad pumunta sa Hungary Forest, ngunit kailangan, pinapatawag ako ng Dark God dahil may pinapahanap sya. Ang kanyang nawawalang anak.

Ang Dark Prince.

Isang palatandaan ang pag ilaw ng kanyang mata kung ito'y mahahanap namin.

Naglakad lakad ako sa kagubatan ng may dumating.

"Oy! Ano ba! Bat mo ko iniwan don? Alam mo namang natatakot ako sa Dark God."

"Tsk"

"Pero seryoso Vany---"

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo. Vanadium ang pangalan ko, hindi Vany" i said coldly

"Okay, sorry na po Vanadium"

Inirapan ko na lamang sya.

"Pero seryoso VANADIUM, wala ba talaga akong pag asa sayo?"

"Alam mo, Gold, nandito tayo para maghanap sa Dark Prince."

"Tsk, Dark Prince? Mas gwapo naman siguro ako nun."

"May sinasabi ka?" Sabi ko sabay arko ng isang kilay ko

"Hehe, ang sabi ko, tara na maghanap"

Inirapan ko nalang sya.

Sa di kalayuan, may nakita akong dalawang maliliit na liwanag, parang mga matang nakatitig sakin.

"mahahanap mo ang Prinsipe, kung makikita mo ang mga matang nag iilaw"

"Parang sinuswerte tayo ngayon."
Sabi ko, habang unti unting tumataas ang sulok ng labi ko.

Napatingin si Gold sa akin at nakakunot ang noo, nagtataka siguro siya

Nilapitan namin sya, pffft. Ang epic! Nakakatawa ang reaksiyon niya.

Nagulat sya, nagulat na parang natatae.

Pero syempre tinago ko ang emosyon ng aking mukha.

nang nilapitan namin sya, biglang nawala ang ilaw ng kanyang mata.

Huh? Pano nangyari yon?

"Oy, nakita mo yun?" Sabi ko kay Gold

"Ang alin?" Tsk. Walang pakinabang.

Umiling na lamang ako.

Baka namamalikmata lamang ako.

Pinitik ko ang noo ng lalaki.

Nabigla naman sya. At ginawang krus ang mga daliri niya habang nakapikit ang isang mata

"Hoy pare, ano bang ginagawa mo?" Ani ni Gold

"Sino kayo?" Sabi ng lalaki.

"Vanadium" tugon ko
"Gold" sabi ni gold

"Wow! Vanadium? Gold? Hahaha, destined ba tayo? Krypton nga pala."

Natawa ako sa kanya, sabagay, nasa table of elements ang mga pangalan namin.

Napasinghap ako, may kakaiba sa amoy niya.

Tinignan ko si Gold at mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Krypton

Bigla akong binuhat ni Gold, nasa likod niya ang mukha ko.

Tsss. Bad trip. Ang laswa ng posisyon namin ngayon. Ayoko pa naman ng bromance. Nakakadiri.

Nasa likod namin si, sino nga ba yun? Vadanim? Vadanum? Vidanam?

"Vanadium"

Nanlaki ang mata ko.

"Nababasa mo ba ang isip ko?"

Inirapan niya lang ako. Wow, ang ganda ng sagot niya.

Pero seryoso? May kapangyarihan ba sila.? Hala!

"Waaaaag!!! Tulong!! Tulungan niyo po ako! Nanganganib po ang buhay ko!" Sabi ko habang nagpupumilit bumaba sa pag buhat sa akin ni Gold

"Tumahimik ka, walang makakarinig sayo dito, nandito tayo sa gitna ng kagubatan" ani ni Vanadium.

Hehe, oo nga no? Ang bobo. Tsk, tama, may kapangyarihan nga pala ako, pwede ko silang gawing yelo.

Hay, ang bobo ko talaga, napasapak nalang ako sa noo ko.

Akmang gagawin ko na ang pag atake, nang biglang may lumabas na pangil sa mga bibig nila.

"Huwag mong gagawin yan kung ayaw mong maging ulam namin" sabi ni Vanadium.

Tsk, wala na akong kawala.

Habang naglalakad sila,

Ngayon ko lang napansin, bampira ba sila? Huhuhu, parang playboy turn off na ata ako, parang bading turn on na ako ngayon..

May sinabi si Gold ng kakaibang salita, at sa di kalaunan, biglang naging mabigat ang takulap ng mga mata ko, hanggang sa nakatulog na ako.

Dark PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon