You both like UP
Stranger: hi asl?
You: F 18
Stranger: from wer?
You: Basta. Ikaw?
Stranger: m, 20, qc
Stranger: sige na... sinabi ko na sakin, taga wer ka na?
Stranger: psst.
You: halata bang gusto kong sabihin?
Stranger: taray mo ah' nag-omegle ka pa.
You: Ano ngayon?
Stranger: sabi ko' maghanap ka nlng ng ibang kausap mo.
Stranger has disconnected
"Ano ba yan! Pauwi na nga lang wala pa akong matinong nakachat!"
"Paano kasi hindi ka rin maayos kachat." Ani ni Jared at tumalikod na papalayo.
Ako pa ngayon ang hindi maayos kachat? Ugh! Suko na nga ako. Ayoko na mag-omegle! Hinding hindi na talaga ako mag-oomegle! I swear! Cross my heart, mamatay man si Jared. Hinding hindi na!!
Dumiretso na ako ng uwi at pagkadating ng bahay. I searched the house after realizing there is nobody home. Kumuha ako ng chichirya sa cabinet ng kusina at pumunta sa sala. I turned on the tv at nagbabaka sakali na may bagong episode na ang How to get away with murder. Ano ba yan wala pa rin! Psh! Magtwo-two weeks ng walang new episode ang HTGAWM ha! Nakakaasar!
Napahiga nalang ako sofa. Maya-maya napatingin ako sa bookshelf ko at kumuha ng isang libro. Wala pang isang minuto ibinaba ko na ito. "Tsss. Nakakatamad mag-basa!" Napag-isip isipan kong pumunta nalang ng kwarto at baka may magawa pa ako sa natitirang requirements sa school.
At dahil nararamdaman ko ang katamaran ko.. sa kama ko ang bagsak ko. I lay on my bed sideways at napatingin sa laptop ko. Pakiramdam ko nga na siniseduce ako nitong laptop ko. Bahala na nga si batman!
Kinuha ko ito at ipinatong sa bed ko. Oo, parang may sarilling utak ang mga darili ko ng ipinindot niya ang site ng omegle.
Ingat Jared.
