Stranger Two

127 1 0
                                        

"Jared, paano magchat ulit?"

"Chat saan?"

Napakamot ako sa ulo. "Sa omegle."

Napatingin ako sa kanya habang pinipigilan ang tawa. "Pffft. Ihhh. Nag-oomegle na rin!"

"Sagutin mo nalang nga tanong ko."

"Shunga! I-click mo lang ulit yung new."

"Ah. Okay."

Connecting to server...

Looking for someone you can chat with...

You're now chatting with a random stranger. Say hi!

Omegle couldn't find anyone who shares interests with you, so this stranger is completely random. Try adding more interests!

Stranger: Hi, M.

"M ba pangalan nito?"

You: Hello M.

Stranger has disconnected.

"Pffft—HAHAHAHA!" Napatingin ako sa kanan ko, sumisilip na pala tong asungot na to.

"Anong nakakatawa?" Pagtataray ko.

"Ang ibig sabihin niya ng m, male—lalaki."

"Tapos?"

"Tapos napaka-random ng ka-chat mo, walang lumalabas ng kasing interesado mo. Ano bang inilagay mo?" Ibinira nalang niya agad ang cellphone ko. Atsaka may ipinindot doon. "Hanep ka Aine! Kaya naman pala walang lumalabas na kainterested mo eh." Tumayo siya sa ikinatatayuan niya at isinigaw. "Human, pffft—may paa, tuhod, balikat—haha—basta tao."

Napatawa ang buong klase. Tumingin ako ng masama kay Jared. 'sorry' sabi ng bibig niya.

"Akin na nga yan!"

"Teka lang..." May ipinindot uli siya atsaka niya ibinalik ang phone ko.

"Ayan, may mga interest ka na."

Tinignan ko ang tinype niya.




Omegle Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon