Mabilis pa sa rumaragasang baha ang takbo ko para lang maabutan ang first trip ng jeep sa sakayan sa kanto. Si manong Driver my Labs kaya ang driver nun kaya go lang ng go ako kahit anong mangyari.. Sa bilis ng takbo ko ay hindi ko na napansin ang nakausling bato kaya ayun lagapak ang beauty ko.. pero to the rescue naman ang aking BEASTfriend (sshh. wag kayong maingay sa beast.. patay ako neto..) ...
Ayaan kasiii.. Takbo pa.. ehh anong napala mo?? Sugat?? ehh ano ka ngayon. nganga??
Oh diba sabi ko na sa inyo ehh beast talaga siya. Naku! kung di ko lang talaga bestfriend yan lalaking yan eh inupakan ko na eh. Nasaktan na nga ako ganyan pa ang sasabihin. Talaga naman oh. T-teka lang ang jeeeep.........
Beeeep Beeeep Beeep.......
Oooh nOOO.....!!!! mmmmyyyy laaaaaabs wait for meeeeeeeeeee......
"JP POV"
Baliw na nga siguro 'tong bestfriend ko, nagkasugat-sugat na nga't lahat lahat pero si manong driver pa rin ang bukambibig. Hulaan niyo guys kung ano ginawa niya. Ayun, di matanggap na naiwanan siya ng jeep at ngayon ay naglulumpasay sa gitna ng daan. eksaherada?? . adik na talaga. shabu pa bestie..... By the way, ako nga pala si Jose Paul Ignacio, in short "JP" at yung babaeng baliw ay ang bestfriend ko na si Emerald Emilie Santiago. BF ko siya for almost 10 years na kaya lahat ng kalokohan ng babaeng yan ay alam ko, kahit yung pangungupit niya sa nanay niya ng sampung piso ay alam ko. Para na kaming kapatid nyan kulang na nga lang magkapalit na kami ng mukha pero excuse me ayaw ko nga.. ewwww. hahahaha.. Baliw na baliw yan siya . baliw na baliw sa pag-ibig.. Let me tell you HER story ... (baliw din pala ako. haha)
4th year HS pa lang kami ng makita niya si Mr. Labs niya na driver ng jeep na plate#LUV-143. Unang kita niya pa nga dun eh parang na.love at sight si bestie, di ko naman din siya masisi kasi nga gwapo talaga si Manong Driver, hindi siya yung typical na driver mala-Derek Ramsey nga ang dating nya. Sa tingin ko, mga 5 years lang ang tanda niya sa amin. Magmula noon palagi na kami doon sumasakay, pero kahit minsan ay di niya napansin ang beauty ng bestie ko kaya yun hurt na hurt ang baliw, palaging broken hearted, always rejected. Natigil lang yung pagpapatansya niya nung gumradweyt kami at umuwi ng probinsya para dun ipagpatuloy ang pag-aaral namin, ayaw niya nga sana pero wala na siyang magagawa. Kaya nung pagkagradweyt namin ng college ay bumalik kami dito sa city at nagdesisyon na dito na maghanap ng trabaho, hindi ko naman maiwan-iwan itong Bestie ko kasi ako na yung tumayo niyang pamilya magmula ng magkasamang mamatay ang daddy at mommy niya sa isang car accident tapos nag-iisang anak pa siya, kawawa nga ehh...
Supposedly, ngayon yung first encounter nila ng Labs niya magmula ng bumalik kami dito pero heto nga ang nangyari, parang naglaho nga lahat ng pangarap niya sa buhay dahil sa nangyari.. OA masyadong reaction, dba? Hellooo te?? Wala ng bukas?? Isip isip din pag may time anoohh. Talaga nga naman.....
BINABASA MO ANG
Lumingon Ka Lang
RomansaPrologue High School Student pa lang si Em-Em ay trip na trip na niyang sumakay sa jeep plate#LUV-143, dahil na rin siguro sa naiiba nitong plate number na kinatutuwaan din ng karamihan pero di nyo alam na may higit pa siyang dahilan kung bakit wil...