Kristelle Collen's POV
Weeks na ata simula nung hiniwalayan ko siya. Pero eto na naman ako iniisip siya. Masakit lang kasi isipin eh. Parang ok lang sa kanya ang nangyari. Well bahala na siya.
"Psst" ayan na naman sila.. haiistt! Di ko na lang pinanasin
"Villaruel pst"
"Pwede bah! Hindi yan yung apilido ko!" Medyo mataray na pagkasabi ko
"Ehh wala naman kaming sinabi na apilido mo yan eh. Tinatawag lang namin si Luke ayun oh" napatingin ako dun sa tinuro ni Ashton. Tama siya andun nga SIYA. Oo nasasaktan ako ngayon bakit? HAPPY siya samantalang ako naiiyak pa rin pagnakikita siya. Paminsan naiisip ko GINAMIT niya lang ba ako? Oo nga pala PUPPY LOVE lang pala yung relasyon namin. Ang sakit noh?
"Hey, nahihirapan ka pang mag move on noh?" tinignan ko naman si Kuya Sebastian with those teary eyes
"Ang sakit lang kasi isipin kuya eh, parang niloko niya ako ang sakit kuya punyettaaa!!" baka nagtataka kayo kung bakit kuya ang tawag ko kay Sebastian kasi cousin ko siya.
"Shhh malalagpasan mo rin yan" niyakap naman ako ni Ate Denise, syota ni Kuya Sebastian. Niyakap ko siya ng mahigpit hanggang sa naubusan na ako ng luha.
"Bro, tinawag niyo ba ako kanina?" napaupo ako ng maayos ng marinig ko yung pamilyar na boses. Boses NIYA. Sigurado ako dun
"Ahmm ehhh" Naku naman po ano ba ipapalusot nila Ashton at ni Rey kay LUKE
"Ikaw ba yun? Naku namali ata yung pandinig mo, si Jane yung tinawag namin hindi ikaw. Kasi itong si Aaron ehh" Naku naman Rey, mabubulgar ata si Aaron niyan ehh
"Bat naman ako nasali jan? Kitang nananahimik lang ako dito tapos nasali ako djan sa usapan niyo! Aba matindi!" sabat naman ni Aaron
"Bro do you like my twin?" seryosong tanong ni Luke "Kung meron nga, I dont want to see her crying."
"Im not a jerk like you, wag mo ako igaya sayo! Hinding-hindi ko sasaktan ang mga babae. Hindi katulad mo na may SYOTA pa tapos lumalandi pa sa IBA! KC" napatingin naman ako kay Aaron ng tinawag niya pangalan ko "WAG NA WAG MO NG IYAKAN TONG LALAKING TO! PUNYETTAA!" sinapak niya muna yung table tapos umalis.
"Mabuti pa sigurong umalis ka muna Luke baka uminit ang ulo nitong mga lalakeng to. Sige na." umalis si Luke, di man lang tumingin sakin.
"Bat mo pinaalis yun!! Suntukan na sana yun eh!" naiinis na sabi ni Kuya Sebastian sabay gulo ng buhok niya. Nilapitan naman siya ni Ate Denise
"Eh kung ikaw kaya yung upakan ko dyan!!" napayuko na lang si Kuya Sebastian, under siya. Nabigla naman ako ng may humatak sakin
"Tara na nga dun nalang tayo sa cafeteria mukhang mag-aaway pa yung dalawa" Meet Kyuhei boy-bestfriend ko. Siya yung palaging nanjan sa tuwing may problema ako.
"Bat ba affected pa ako?" tanong ko sa kanya
"Kasi di ka pa nakamove on?" sagot niya tapos tumingin sakin
"Tsk jan ka na nga!" naglakad ako papunta cafeteria
"Libre mo 'ko, please" nagpacute ang loko, ang cutee sarap i-uwi samin
"Bakit ako? Ikaw nga yung rich kid diyan eh" natatawa kong sabi
"Sige na nga! Pasalamat ka mah--"
"Huh? May sinabi ka?" Tanong ko sa kanya.
"Wala nga diba" sagot niya, tinignan ko siya, feel ko kasi may hindi siya sinasabi sakin eh.
"Best, bakit feel ko na may hindi ka sinasabi sakin? Diba bestfriend mo ako, sabihin mo naman Oh. Kung may problema ka, nandito lang naman ako eh"
"You'll know, someday" ano ba yannn
"Sige na nga! Pasalamat ka bestfriend kita" saad ko naman sa kanya at naglakad na kami papuntang counter dito sa cafeteria at nilibre niya akooooo yeeyyyy.
"Ano balik na tayo dun? Baka tapos na yung pagtatalo ng dalawa" Well he's pertaining to Ate Denise and Kuya Seb, nag oo ako kaya bumalik na kami dun sa lugar kung saan namin sila iniwan
"Tsk, sabi ko na nga ba eh." Sabi ni Kyuhei sabay lingolingo ng ulo niya, lumingo naman ako sa tinitignan niya at nakita ko sila Ashton at Rey na may pasa sa mukha, dali dali naman akong pumunta sa kanila at tinanong kung sino ang may gawa tinuro naman nila si Kuya Seb na pinapagalitan ni Ate Denise, iba talaga ang Love no? Kung titignan mo sila kitang kita na under si Kuya Seb
"Ba't niya naman kayo binugbog?" Tanong ko
"Eh kasi kami daw yung pasimuno" sagot ni Rey na naka-pout
"Mag-pout ka pa diyan at makakatikim ka rin ng suntok galing sakin" naiinis na saad ni Ashton, By the way meet Rey Anthony Mendoza ang ultimate playboy na kaibigan namin at si Ashton Levi Gonzales ang pinaka-cold samin. Yung nag walk out kanina si Aaron Marquez ang pangalawang cold sa amin pero depende sa mood niya, paminsan nagiging bibo paminsan naman masungit pero kahit ganyan yang mga kaibigan ko thankful parin ako kasi sa mga panahong walang-wala ako, sila ang palaging nanjan sa tabi ko. And I'm Kristelle Colline Lopez ang ex ni Luke Villaruel ang hearthrob ng Villaruel Academy.
---------------------------------------------------/////--------------------------------------------
Chapter for CutieBubbletea94 ^^
BINABASA MO ANG
A Broken Heart
Novela JuvenilA story of a girl who FALL IN LOVE and HURT. --Book cover credits: cutiebubbletea94