It's Not the End; It's Hiatus
Prologue
Ano nga ba 'yung tinatawag nilang Love?
Paano mo ba malalaman kung love na nga ba 'yung nararamdaman mo kung first time mo pa lang naman 'tong maranasan?
Sabi nila, "Kapag bumibilis ang tibok ng puso mo sa tuwing kasama mo sya."
Sabi naman ng iba, "Sa tuwing kasama mo sya ay masayang-masaya ka at masarap sa pakiramdam."
Sabi din ng iba, "Sa tuwing kasama mo siya, tumitigil sa pag-ikot ang mundo mo."
Naramdaman ko 'tong mga 'to ng makilala ko sya.
Schoolmate ko sya at lagi ko syang pinagmamasdan kahit sa malayo lamang.
Sa tuwing makikita ko sya ay palagi akong nagtatago. Sa tuwing makakasalubong ko sya ay umiiwas kaagad ako sa daan.
Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit di ko sya magawang lapitan.
Sa tuwing makikita ko sya ay pinagmamasdan ko ng palihim ang mukha nya at pilit na tinatatak sa isip ko ang bawat anggulo ng kanyang mukha.
Ang kanyang mapupulang labi, matangos na ilong, mapang-akit na mata. Lahat ng 'yun ay nakatatak na sa isip ko.
"Minsan, narinig mo akong kumanta. Nakikinig ka nga sakin pero pinapakinggan mo ba ang mensahe ng kanta ko na nais kong iparating sayo?"
"Sa mga panahong nakatingin ako sayo, nagawa mo man lang bang tignan ako gaya ng pagtingin ko sayo?"
Mukhang malabo diba?
Kasi sikat ka samantalang ako simpleng estudyante lang. Asa naman ako diba?
Kaya naisipan ko ng tapusin ang ilusyon na nabubuo sa isipan ko. Hangga't maaga pa lamang ay itigil ko na ang kahibangan ko na ito.
Kinuha ko na ang diary ko na pinagsusulatan ko ng lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Lahat ng mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa kanya ay nakasulat dito.
Pumunta ako sa pinakadulong pahina ng diary na mayroong sulat at isinulat ang bagay na nagsasabing itigil ko na ang pagmamahal sa kanya.
Tinitigan ko ang isinulat ko sa diary at napangiti ako ng mapakla.
"THE END!"
Tapos na ang parte mo sa buhay kong 'to. Lahat ng bagay na merong kaugnayan sayo ay lalayuan ko na. Itinago ko na ang diary sa isang tagong lugar para hindi ko na magamit kahit kailan pa.
Pero bakit ganun ka?
Ngayong nagmo-move on na ako sayo kahit na hindi naman naging tayo ay tsaka ka nagpaparamdam sa akin.
Nakikita ko sa bawat titig mo sa akin ang ngiti na kailanman ay hindi ko nakita tuwing palihim kitang pinagmamasdan.
At muli, naramdaman ko na naman ang pagtibok ng puso ko.
Kinuha ko ulit ang itinago kong diary at pumunta sa pinakadulong pahina nito.
Ginuhitan ko ang salitang "THE END!" na isinulat ko gamit ang ballpen na hawak ko.
Narealize ko na habang patuloy ko siyang nakikitang masaya ay mananatili pa din pala ang pagmamahal ko para sa kaniya.
Nilipat ko ang pahina ng diary ko at muling nagsulat doon.
"It's not the end of our Love Story; it's only in HIATUS. As long as I see you happy, this love of mine will stay."
---------------------
Another story na dapat nyong subaybayan. :)
BINABASA MO ANG
It's Not the End; It's HIATUS! (ON-HOLD!)
Teen Fiction"It's not the end of our Love Story; it's only in HIATUS. As long as I see you happy, this love of mine will stay." [BookCover by: MissParkPrinces]