Pag-ibig at Kasinungalingan

387 5 0
                                    

Walong taong gulang pa lamang ako ng iniwan ako ng mama ko.Namatay din ang papa ko kaya mag-isa na lang ako sa buhay!

Napadpad ako sa isang bahay ampunan at nakatagpo ng isang kaibigan.

Sampung taong gulang ako nun ng may umampon sakin. Akala ko magiging maganda ang buhay ko sa kanila pero nagkamali ako.Sa halip na ituring na totoong anak e tinuring nila akong isang katulong.

Nakilala ko si Boss Alvin at hinikayat n'ya akong maging waitress sa bar n'ya.

Napaisip ako.

Limang taon akong nagtiis sa mag-asawang yun.Siguro ito na ang pagkakataon kong makaalis sa puder nila .

Nagdesisyon akong umalis at sumama kay Boss Alvin.

Akala ko magiging okey na ang lahat pero nagkamali na naman ako. Hindi ko akalain na ang akala ko ay langit,yun pala ay isang impyerno..

Nakatakas ako sa impyernong lugar na yun sa tulong ng aking kaibigan na si Liz.

Namuhay akong mag-isa.Halos lahat ng trabaho ay pinasukan para lamang mabuhay at makapagipon ng pera para mahanap ang mama ko.

Dahil sa mataas kong ambisyon sa buhay kaya dumating ang puntong halos lahat ng lumalabas sa aking bibig ay pulos kasinungalingan na.Ang nais ko lang naman ay makilala bilang matino at matalinong tao hindi na ulit mamaliitin at tatapak-tapakan ng sino man.

Hanggang sa makilala ko si Carl at si Aiden..ang dalawang lalaking naging mabait sakin..sila rin ang nagparamdam sakin kung ganu kasarap ang magmahal at mahalin.

Sino kaya sa kanilang dalawa ang mas matimbang sa puso ko?!

Is it Carl or Aiden?!

Ano kaya ang mangyayari kong matuklasan nila ang lahat ng kasinungalingan ko?!

Tatanggapin parin kaya nila ako?!

Sapat ba ang pagmamahal nila sakin upang ako ay wag talikuran?!

PAG-IBIG

at

KASINUNGALINGAN. .

___sweetgurl21___

Pag-ibig at KasinungalinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon