CHAPTER 4

33 2 2
                                    

« FOUR »

Kumatok ako sa pinto at agad naman akong pinapasok ni sir." Hi sir! bakit n'yo po ako pinatawag?!" - bati at tanong ko pagpasok ko sa loob.

" Sit down ms. Reyes." - s'ya na naglakad papunta sa may pintuan..umupo ako at sinundan ko s'ya ng tingin..Nakita kong inilock n'ya ang pintuan kaya napatuyo agad ako.Bakit n'ya naman inilock ang pinto?!Parang hindi ko ata gusto 'to!

" Bakit n'yo po inilock ang pinto?!" - imbes na sagutin ang tanong ko e iba ang mga sinabi n'ya.

" High school lang pala ang natapos mo?! walang mga magulang at nag-iisa na lang sa buhay..kaya mo kayang buhayin ang sarili mo?! *tingin sa kabuoan ko* sabagay maganda ka at sexy! pwede mo itong maging puhunan ms. Reyes." - s'ya sabay hawak sa waist ko..tinabig ko ang kamay n'ya.Nanatili lang akong walang imik.

" Kung papayag ka sa mga gusto ko hindi kana maghihirap dito..bibilhan kita ng bahay at magbubuhay reyna ka." - tumigil muna s'ya bago nagsalita ulit.

" Wag kang mag-alala dahil laging nasa ibang bansa ang asawa ko." - hinawakan nya ulit ang waist ko at akmang yayakapin ako pero tinabig ko ulit ito.

" Wag ka ng pakipot. . pumayag kana sa gusto kong mangyari!" - hinawakan nya ang braso ko.

" WAG MO AKONG HAWAKAN..BITAWAN MO AKO!." -sigaw ko habang may pumapatak na luha sa pisngi ko.. itinulak ko s'ya ng malakas.Nawalan s'ya ng balanse kaya natumba s'ya sa sahig pero tumayo din s'ya agad at lumapit ulit

" Wow! ganyan na ganyan ang mga gusto ko sa mga babae,palaban." - sabi n'ya ng nakangisi na akmang hahawakan na naman ako ng biglang my kumatok sa pinto.

Tok.tok.tok..

" Sir,okey lang po ba kayo?!" - sabi ng isa sa mga tauhan n'ya.

" Oo,okey lang ako." - s'ya

" Okey ka lang?! *fake laugh* Oo nga naman okey ka lang pero alam mo bang ang mga ginagawa mo sakin ngayon ay hindi okey?!..napakabastos mong matanda ka!!" - sabi ko kay tanda..Sasampalin n'ya sana ako pero napigilan ko ang kamay n'ya,hinawakan ko ang braso n'ya at pinilipit patalikod..

" Aw! araaay.." - daing n'ya.Bagay lang yan sayong matanda ka!

" You're a bitch."- sigaw n'ya sakin.

" Oo tama ka..i'm a bitch! dahil sa wala akong pera kaya hindi ako nakapag college *pause* sa palagay mo ba yun lang yun?! *ngiting pagak* wala din akong mga magulang at oo nakatira ako sa isa sa mga maliliit na kwarto sa dorm!! YUN BA ANG DAHILAN KUNG BAKIT GUSTO MO ITONG GAWIN SAKIN?! YUN BAAA?!" - sigaw ko sa pagitan ng pagluha.Biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang lalaki..Binitawan ko ang braso n'ya.

" Anong nangyayari?! *tingin sakin* sir,okey ka lang ba?!" -lalaki na inalalayan ang sir n'ya.

" Tanungin mo ang taong yan!" - ako sabay turo sa hukluban.

" Inaakit lang ako ng babaeng yan,ipinipilit n'ya ang sarili n'ya sa akin..tara na,may pupuntahan pa ako!" - matandang hukluban na aalis na sana pero hinarangan ko s'ya.

" Umalis ka sa harapan ko babae." Inaakit ko s'ya?! Ang kapal naman ata ng pagmumukha nyang sabihin yun!

" Pakiulit nga ng mga sinabi mo!" malakas kong sabi.Wala akong pakialam kong marami man ang makarinig sa pagsigaw ko,basta ang alam ko lang galit ako ngayon!

" Ano ba ang gusto mo sakin?! PERA BA?! *kuha ng pera sa wallet at ibinato sakin* wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sakin dahil hindi ako pumapatol sa isang babaeng katulad mo..TABI!" - s'ya na tinabig ako at naglakad na patungong pintuan.Talagang ako pa ang binaliktad n'ya?! ang tanda tanda na nagsisinungaling padin?!

Pag-ibig at KasinungalinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon