CHAPTER 1

57 3 2
                                    

« ONE »

Anne's POV

" Waag...please ayoko na. .Bitawan mo ako. " --sabi ko habang tinutulak ang boss ko.Pinipilit n'ya akong halikan at hawakan ang maseselang parte ng aking katawan.

" Tumigil ka..Gagawin ko ang gusto kong gawin sayo dahil pagmamay-ari kita. " --sigaw n'ya na patuloy parin sa panghihipo at panghahalik sakin.Hindi ako papayag na paulit-ulit n'ya akong babuyin. .

Inipon ko lahat ng lakas na merun ako at itinulak s'ya pero hindi ko talaga s'ya kaya. .Malaki at matangkad s'yang tao kaya hindi man lang s'ya natinag sa pagtulak at pananampal na ginawa ko sa kanya!

" Tumigil ka sabi...paaaaak! " --sigaw n'ya sabay sampal sakin.

Nalasahan ko na lang ang dugo sa aking labi.Wala akong nagawa kundi ang hayaan na lamang s'ya sa gusto n'yang gawin sakin! Napaluha na lang ako. .

Bakit ganito?!Bakit ang lupit ng kapalaran ko?!Bakit kailangang mangyari sakin ang mga bagay na ito?!Maraming mga tanong na naglalaro sa aking isipan!

" Sana makaalis na ako sa impyernong lugar na ito." --naibulong ko habang nakapikit.

 Boogsh. . .

Napamulat ako sa narinig kong malakas na kalabog.Ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita kong nakabulagta si Boss Alvin sa sahig.

" Anne,okey ka lang ba?! " --si Liz na may hawak-hawak na kahoy.Nilapitan n'ya ako at tinulungang makatayo.

" Salamat. .huhuhu.." -niyakap ko s'ya ng mahigpit at umiyak sa balikat n'ya.Salamat naman at dumating si Liz.

 " Tama na nga muna yang drama mo lola..Kailangan pa kaya nating makatakas dito. "Tumango ako at sabay punas ng luha sa pisngi ko.

 Maswerte parin pala ako kahit papano dahil merun akong kaibigang lubos na nagmamalasakit sa akin.Paglabas na paglabas namin sa private room ni boss.

O___________O --ako

 Napatingin ako kay Liz at binigyan ko s'ya ng ano ang ginawa mo sa kanila look. .

" Hihihihi. .Nilagyan ko ng pampatulog ang pagkain nila. " --s'ya na proud na proud sa ginawa n'ya.Napatawa na lang ako ng mahina.

" Salamat talaga Liz. " --sabay pisil ko sa kamay n'ya na nakahawak din sa kamay ko.

" Malamang naka-unli ka ngayon lola. .paulit-ulit ka kasi sa kaka-thank you mo eh.." --sya

Ganyan talaga si Liz.Sa kabila ng mga pangit na karanasan n'ya sa buhay e nagagawa n'yang gawing biro ang lahat.Lagi lang s'yang nagpapatawa pero ang totoo talaga pareho lang kami ng kapalaran! Pareho kaming ulila at nag-iisa na lang sa buhay.Napatawa ako ng malakas. .

" Hahahahaha. . ikaw talaga,puro ka kalokohan." --sabi ko sa pagitan ng pagtawa.Nakalabas na kami ng gate at bitbit ang tig-isang bag na nakasukbit sa kanya kanya naming mga balikat.

" Woooooohh we're freeee.." --s'ya na umiikot-ikot habang nakabukas ang dalawang braso,yung akala mo e lilipad.Nakakaaliw s'yang pagmasdan kaya..

" Hooray. .malaya na kami." --ako na ginaya din ang ginawa ni Liz.Para kaming mga baliw sa ginagawa namin pero wala kaming pakialam. .

***

Andito na kami ngayon sa park.Siguro naman wala ng makakakilala samin dito bukod kasi sa madilim na e malayo-layo na rin ito sa bar na dating pinagta-trabahuhan namin.Sana lang ay hindi na kami mahanap ng dati naming boss.

Oo sa bar kami nagta-trabaho at isa akong kalapating mababa ang lipad.Yes tama kayo.I'm a 'WHORE' pero hindi ko ginusto yun.Lahat ng ito ay labag sa kalooban ko.Kailangan ko lang itong gawin para mabuhay,mabilis na makaipon ng pera at para mahanap ang mama ko.Ang mama ko na nangakong babalikan ako,kami ng papa ko.Walong taong gulang pa lang ako nun ng iwan kami ni mama.

« FLASHBACK »

" Ma,wag mo akong iwan. .huhuhu. ." atungal ko na parang baka.Nilapitan ako ni mama at niyakap ng mahigpit pagkatapos ay iniharap n'ya sa kanya.

" Anak,diba sabi mo gusto mo ng maraming laruan at bagong bag na dora?!" Tumango-tango ako.

 " Pagbalik ni mama madaming-madami ang bibilhin natin nun,tapos mamamasyal tayo sa park at magmo-mall din tayo..diba gusto mo yun anak?! " Nakikita ko sa mukha ni mama ang lungkot.

 " O-opo ma. " --sabi ko sa pagitan ng paghikbi.Niyakap n'ya ulit ako at naramdaman ko na lang ang mga luha n'yang pumapatak sa balikat ko.

" Babalik agad si mama anak. .Promise yan. "

Tumayo na si mama.Binitbit n'ya ang bag n'ya palabas ng bahay at tuluyan na nga s'yang naglaho sa aking paningin.

Tumakbo ako palabas ng bahay.Nagbabakasakali kasi akong maaabutan ko pa si mama.Nakita kong nakasakay na s'ya ng taxi.

" Mama..ma--ma. . " --ako na malakas na umiiyak habang hinahabol ang taxing sinakyan n'ya.Malungkot akong bumalik sa aming bahay.Halos araw-araw akong nakaabang sa labas at naghihintay sa pagbabalik ni mama.

Maraming araw,linggo at buwan ang dumaan pero hindi parin bumabalik si mama.Hanggang sa dumating ang araw na nagkasakit si papa at hindi rin nagtagal ay namatay s'ya.Dahil sa ulila na akong lubos kaya't wala akong magawa kundi ang tumira na lang sa bahay ampunan.

Dati nun ayaw kong sumama sa mga madre dahil sabi ko " Babalik si mama,sabi n'ya babalikan n'ya ako. . hihintayin ko s'ya dito sa bahay namin." --patuloy parin ang pagpatak ng mga luha ko habang sinasabi ko iyon sa dalawang madreng pilit akong isinasama. .

« END OF FLASHBACK »

" Hoy lola,nagsha-shabu ka noh?! Yong totoo?! " --nagulat ako ng bigla akong niyugyog ni Liz.Hindi ko namalayang tapos na pala s'yang makipag-usap sa telepono.Inayos ko ang mukha ko at iniangat ito.

" Ano shabu?! oi..hindi ako nagsha-shabu noh!"

" E kanina kapa kasi singhot ng singhot dyan eh. ."

" hahahahahaha. ." --sabay naming tawa ni Liz.

Buti na lang andyan lagi si Liz para patawanin ako.Nakakalimutan ko lahat ng problema ko kapag kasama ko s'ya! Kaming dalawa na lang ang magkakampi. .Magkapatid din ang turingan namin sa isa't-isa!

" Halika na nga,puntahan na natin yung kaibigan ko.Dun muna tayo pansamantalang makikitira." --s'ya sabay akbay sakin.Umalis na nga kami sa park at sumakay sa jeep para puntahan ang sinasabi n'yang kaibigan . .

**

" Baaaklaaaaa. . " --sigaw ni Liz at nagbeso-beso sa babaeng kalalabas lang ng bahay.

" Kamusta kana bakla?! Long time no see ah. . " --sabi naman ng babaeng kausap ni Liz na tuwang tuwa.

" Eto di parin kumukupas ang bonggang bongga kong beauty!" si Liz na umikot-ikot pa at nagbow. ."S'ya nga pala bakla. .si Anne,lola ko. .Anne,si Lena friend ko."- pagpapakilala nya saming dalawa ni Lena.

" Jusko ang ganda mo naman girl. " si Lena na pinisil ang kaliwang pisngi ko.Naku!..mukhang magkakasundo kami nitong Lena na 'to..hindi kasi marunong magsinungaling eh!hehe. .

" Salamat." ngumiti ako ng ubod ng tamis.

" Tara,pasok kayo sa aking mansyon. " yaya samin ni Lena pagkabukas nya ng pinto ng kanyang bahay.

Pumasok nga kami.Itinuro sa amin ni Lena kung saan ang kwarto namin.Dalawa lang ang kwarto ng bahay kaya share kami ni Liz dito,buti na lang pala at nasa maynila na ang kapatid ni Lena kaya walang gumagamit nitong isa pang kwarto.Sabi n'ya pwedeng pwede kaming tumira dito ng matagal-tagal.Bukas na bukas din maghahanap kami ng trabaho ni Liz.

________________

Bahala na po kayo if gusto n'yong magCOMMENT or magVOTE. .

Basta ako gusto ko lang magsulat ng story. .hehehe. .

___sweetgurl21__

Pag-ibig at KasinungalinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon