CHAPTER 2

40 1 2
                                    

« TWO »

Dahil sa hindi kami kaagad nakahanap ng trabaho kaya naisipan na lang namin ni Liz na ipagsama ang mga pera naming naipon at kumuha ng maliit na pwesto sa palengke para magtinda ng mga damit at mga tsinelas.So far maganda naman ang takbo ng negosyo namin.

Akala namin titigilan na kami ni boss Alvin pero hindi parin pala s'ya tumitigil sa pagpapahanap samin.Isang beses kasi nakita ko ang isa sa mga tauhan n'ya nung hapong papauwi na ako sa bahay ni Lena,buti na lang at agad akong nakatago kaya hindi n'ya ako nakita.Naikwento ko na rin ito kay Liz kaya nakapagdecide na kami na sa next week ay aalis na kami dito para pumunta sa maynila.Siguro naman mapapagod din si Alvin sa paghahanap samin..Sana nga!

Andito na ako sa bahay. .Nag half day lang kami sa tindahan namin.Pinauna na akong pinauwi ni Liz. .May pupuntahan daw kasi sya.

Halos Dalawang oras na ang nakakalipas,wala parin si Liz.Malapit lang naman yung pupuntahan n'ya pero bakit kaya ang tagal n'ya?! Sabi ko na kasing sasamahan ko s'ya tapos ayaw n'ya naman,yakang yaka n'ya na daw kasi yun..Umiral na naman ang katigasan ng bungo ng babaeng yun eh.Kinakabahan tuloy ako.

Baka naman nakita s'ya ng isa sa mga tauhan ni Alvin?!Sana naman hindi!Maya-maya pa'y narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pintuan..

Tok*tok*

Napatayo agad ako at dali-daling tinungo ang pintuan.Pag bukas ko.

Q____Q

Nakita ko si Alvin at nasa likod n'ya ang tatlo n'yang alipores na hawak-hawak si Liz.Isasara ko sana ang pintuan ngunit mabilis n'ya itong napigilan.

" Nahanap din kitang babae ka. .Akala n'yo ba ganun lang kadaling takasan ako ha?! " --sigaw ni Alvin sabay hawak sa kanang braso ko.Bakas sa mukha n'ya ang galit.

" Araaay..Alvin,bitawan mo nga ako!"- ako na pilit na kumakawala sa pagkakahawak n'ya pero imbes na bitawan ay lalo n'ya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.."Ano ba?! nasasaktan sabi ako!" Sigaw ko pero deadma parin s'ya.Kinaladkad n'ya ako palabas ng bahay.

 " Ayokong sumama sayo..Ayoko ng magtrabaho ulit sa bar mo." --sigaw ko ulit sa kanya pero tahimik lang s'ya sa pagkakaladkad sa akin..Halos maiyak na nga ako sa sakit na nararamdaman ko dulot ng paghila n'ya sa braso ko ..

Pilit n'ya akong ipinapasakay sa kotse n'ya subalit nagpupumiglas parin ako.Hindi ako makapapayag na ibalik n'ya na naman ako sa impyernong lugar na iyon!

" Ayoko na sabing sumama sayo eh . ..yaaaaahhh!" --sabi ko sabay flying kick sa pagkalalaki n'ya.

" S-sh*t! wa-lang hi--ya kang ba--bae ka. ." --s'ya na tatalon talon sa sakit.Buti nga sayo. .bleeee!*evil laugh*  Tamang-tama namang nakawala din si Liz,kinagat n'ya ang braso nung lalaking humihila din sa kanya.

 " Anne,takboooo.." --si Liz sabay hila sakin.

"Habulin n'yo sila mga tanga! wag na wag n'yong hahayaang makatakas na naman ulit ang dalawang yun!" --sigaw ni Alvin sa mga alipores n'ya.

" Opo boss "--sabay-sabay na sabi ng tatlo.Dinig na dinig ko parin ang mga sinabing yun ni Alvin.Ang lakas ng boses n'ya eh!

Hingal na hingal kami ni Liz sa kakatakbo pero hindi parin kami tumitigil,hindi kami titigil sapagkat ayaw na naming bumalik pa sa dating trabaho.

Gusto na naming magkaroon ng magandang buhay.Gusto naming maranasan kung pano igilang ng mga taong nasa paligid namin. .Ayaw na naming ituring na mababang uri na babae..Gusto na naming magbagong buhay!

" Mabuti pa siguro Anne maghiwalay tayo ng daan..doon ka sa kaliwa at dito ako sa kanan." --Mungkahi ni Liz...

" Okey sige. .mag-iingat ka lola."--ako sabay akap sa kanya.

Pag-ibig at KasinungalinganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon